Baron Geisler: "Nahihiya na po ako, nakakapalan na ako sa sarili ko."

IMAGE 0


"I hope, after I heal myself, I will really learn from it and I will choose life over the bottle and drop it. I wish and I pray that I walk the talk and I leave it all up to Him na lang to take care of me," says Baron Geisler.


Isang special report ang ginawa ng The Buzz para kay Baron Geisler sa episode na ipinalabas kahapon, January 23.

Bago ang interview ng host na si Boy Abunda kay Baron, nagpalabas muna ng isang VTR kung saan ipinakita ang pagsisimula ng career ng aktor sa showbiz noong 1984 hanggang sa malulong siya sa alcohol.

Ayon sa nakatatandang kapatid ni Baron na si Donald Geisler, maayos naman daw ang pamilya nila. Okay rin daw ang kanyang kapatid, pero inamin niyang naging malaki ang pagbabago nito mula nang pumasok ito sa showbiz.

At a very young age ay marami nang pinagdaanang pagsubok sa buhay si Baron.

Taong 2002 nang mag-break si Baron at ang itinuturing nitong "great love" niya na si Jodi Sta. Maria. Noong taong din yun nang pumanaw ang ama ng aktor.

Noong 2004 ay nasunog ang kanilang bahay sa Mapayapa Village sa Quezon City. Muli silang nasunugan noong 2006 sa inuupahan nilang bahay sa Batasan, Quezon City.

Sa mga magkakasunod na pagsubok na 'yon, nagsimulang bumaling sa alkohol si Baron.

Kuwento ni Donald, "Si Baron naman, he can control his alcohol in the sense na hindi siya iinom ng ilang weeks. Tapos, he can go to a phase naman na, halimbawa, he felt bad.

"Kasi si Baron, he's the type of person na nasa loob lang lahat. So, halimbawa, nakainom siya, doon na lumalabas ang demon."

Dahil sa pag-inom ni Baron, nasangkot siya sa iba't ibang gulo. Tulad ng nabalitang pakikipag-away raw niya sa isang bar na dahilan kung kaya nagkaroon siya ng pilat sa pisngi.

Pero itinanggi ito ng nakatatandang kapatid na babae ni Baron na si Grace Geisler-Morales.

Ayon kay Grace, "There was never a fight. What happened was, magkakasama kami. Palabas na siya, our driver was waiting for us outside. So, tinawagan niya, 'Start mo na ang car, ilabas mo na.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, our driver was waiting and then five men just came down on him. He was lying down na on the floor, and then pinukpok siya ng bote. And a steel chair pa.

"So, what are we gonna do? So, he didn't talk about it na lang dahil hindi nga siya nakalaban."

Taong 2007 nang pumasok si Baron sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother. Doon nasaksihan ng mga manonood kung ano ang nagiging attitude ni Baron kapag nakakainom na siya.

Pagkatapos nito, kaliwa't kanang kaso na ang kinaharap ni Baron dahil sa diumano'y pambabastos niya sa kababaihan.

Taong 2008 nang magsampa ng kasong acts of lasciviousness ang panganay na anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha laban kay Baron.

Nang sumunod na taon, ang young actress namang si Yasmien Kurdi ang nagsampa ng kasong acts of lasciviousness at unjust vexation laban sa aktor.

JUST AN AFTERTHOUGHT? Sa panayam ni Boy Abunda kay Baron, tinanong niya ang aktor kung sa lahat ng kasong isinampa sa kanya ay "insane" siya.

"Yes," ang tugon ng aktor.

Pagkatapos nito ay tinanong ni Baron si Boy: "People keep saying, so sinungaling yung apat na babaeng 'yan? Tito Boy, if you're a woman and I touched you, I violated you, what would be your reaction? First time, you do, 'I'll sue you'? What would you do?"

"Magagalit ako. Sasampalin kita," sagot ni Boy.

"You'll make a scene, right?" sabi naman ni Baron

"Depende," sagot ni Boy.

"So, why these four, no scene, puro diretso na i-ano [inireklamo] ako, why?" tanong ni Baron.

Ang tinutukoy ni Boy ay ang apat na babaeng nagreklamo ng diumano'y pambabastos niya. Bukod kina Patrizha at Yasmien ay nagreklamo rin sina Julia Clarete at Cherry Pie Picache, pero hindi sila nagsampa ng kaso sa korte laban sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Boy, maraming paraan para mag-cope sa abuse, na sinagot naman ni Baron ng: "Lahat sila, pare-pareho..."

Ang sinasabi ba ni Baron ay afterthought lang ng mga babaeng nagdemanda o nagreklamo sa kanya ang pagpunta sa husgado?

"I believe so," mabilis na tugon ni Baron.

Paliwanag ng aktor, "Why sa complaints nila, wala man lang nagkaroon ng commotion? Kung tutok man, nagustuhan muna, 'saka naisip na, 'Ay, nagalaw ako. Teka, sige, punta muna ako... Puwede palang kasuhan itong si Baron, kasuhan natin.'

"Doon ako galit. Kasi, nagiging madali na lang para sa kanila na kasuhan ako or gawan ng ano. E, kung talagang may nangyaring ganyan, may pag-uusap 'yan. Hindi yung, 'Yan si Baron, maniac!'"

So, bakit sa palagay niya nangyayari ang lahat ng ito?

"Because I'm easy target. They think that I'm drunk and stupid... I'm sorry, sorry for getting mad," sabi ng dating child actor.

INTOXICATION. Mas lalo raw nalulong sa alak si Baron nang makunan ang kanyang girlfriend at nang hindi mapasakamay niya ang isang project na labis niyang pinaghandaan, na naging dahilan para lalo siyang ma-depress—ang international movie ni Brillante Mendoza na Prey.

Dahil daw sa depression na ito kung kaya't dumating siyang nakainom na sa taping ng Noah. Dito naganap ang insidente sa kanyang co-star na si Cherry Pie Picache.

Alam ba ni Baron ang mga nangyayari at kung ano ang ginagawa niya kung nakakainom siya? Conscious ba siya na kapag nag-umpisa na siyang uminom ay nababago ang kanyang pagkatao?

"Opo... Kasi, ang dami na pong pangyayari na nakakalimutan ko or sinasabi ng mga tao," pag-amin ni Baron.

Naaalala ba ni Baron ang mga pangyayari?

"May mga instances na talagang blackout, pero depende ho 'yan sa amount ng nainom ko.

"Bumalik tayo sa taping... Noong taping na yun, inaamin ko po na uminom po ako. From three o' clock in the afternoon hanggang 11 p.m. Ang call time kasi namin, three.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I started... Bumili po ako ng anim na canned na beer."

Boy interrupted Baron by asking kung nagawa na ba niya noong mag-report sa set na nakainom. Inamin naman ng aktor na nagawa na niya ito noon.

But was he under control then?

"Under control. Pero parang may masama rin akong ugali na kailangang ayusin pagpasok ko sa facility na pupuntahan ko.

"Yung pagrerebelde, minsan, somehow, parang nagiging mayabang," sabi ni Baron.

THE INCIDENT WITH CHERRY PIE. Diretsahang tinanong ni Boy si Baron kung binastos niya ba talaga si Cherry Pie sa set.

"Sa totoo lang po, saloobin ko, nanay po siya, di ba? Kapamilya talaga ang turing niya rin sa akin.

"Yung mga bagay na ganito, kaya ako nagwala sa set, it's because I apologized. And siguro, hindi niya natanggap noong time na yun," saad ni Baron.

Ayon pa sa aktor, twice daw siyang nag-apologize kay Cherry Pie sa mismong set nila ng Noah.

"I apologized, twice. Because to tell you the truth, I was just doing my job. If she felt offended or violated with my action..."

Sinabi ba ni Cherry Pie na "violated" ang naramdaman nito?

"Yes, she said," sagot ni Baron. "And that's the reason I apologized.

"Naka-gloves po ako. Wala po akong intensiyon na hawakan po kayo.

"Twice [I apologized]. In front of her. And then, I went out. Hindi maganda nga.

"So, I just went out at yun ang sinasabi nilang nagwala ako. Doon na ako nagmumura sa labas ng set."

Bakit siya nagmumura?

"Kasi, na-push yung button ko rin kasi, she... Well, everyone knows na may dalawa akong kaso. Kinasuhan ako about sexual harassment. Mga ganyan.

"And para sa akin talaga, I really didn't intend to touch her boobs. At saka, ang mga lumalabas pa sa balita, nilamas or dinakma. Paano mo gagawin sa eksena yung mandakma?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sakit sa akin nun. I wasn't drunk, nakainom. Kaya for me, ang sakit. Ang sakit sa akin no'n, but wala na akong choice."

Ganunpaman, buong-puso raw siyang nag-a-apologize kay Cherry Pie.

"Yes, I feel sorry. And I'm sorry if she really felt violated. I'm really sorry about that. But I will not apologize for touching her, sa taas... I will never..."

Required ba sa scene na hawakan niya si Cherry Pie?

"No, I didn't touch her boobs," diin ni Baron.

Pagkatapos nito ay iminuwestra ni Baron kay Boy ang diumano'y aktuwal na ginawa niya kay Cherry Pie.

PUBLIC APOLOGY. Dahil sa paniniwala ni Baron na hindi niya hinawakan si Cherry Pie sa maselang bahagi ng katawan nito, hindi raw niya natanggap agad ang naging desisyon ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) na gumawa siya ng public apology kay Cherry Pie. (CLICK HERE to read related story.)

Ginawa ito ni Baron sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa Headstart at sa isang presscon noong Biyernes, January 21.

Bukod dito, pinagbawalan din ng PAMI members ang kanilang mga alaga na makipagtrabaho sa aktor.

"Nagalit po ako. Bilang tao, walang plastikan, of course. Parang, 'Why?'

"Did you see what really happened? Were you there? Did you investigate? Did you ask the cameraman? Did you ask these people? No...

"But I don't care anymore," patuloy niya. "If you don't need the evidence, it's fine. For me, right now, I don't care about yung gulo.

"Right now, I want to concentrate on myself and on my family. My relationship with, you know, my brother and sisters, because I think, doon magsisimula, sa bahay po."

Was it very difficult for Baron to apologize and to make a public apology?

"Yes, it was very difficult for me because, for me, I don't want anyone sa labas, ng public, to know...bakit hindi na lang inayos nang kami-kami na lang? I think that's more human."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya binastos si Cherry Pie?

"Hindi po. But nag-a-apologize po ako if she feels na na-violate ko siya because I respect her like a mother," sabi ni Baron.

Ayon pa sa aktor, naiintindihan niya ang desisyon ng PAMI na para rin sa ikabubuti niya na magpa-rehabilitate.

"PAMI is doing me a really good favor because it's a win-win situation. They are helping me to get better. After that, my career would get better."

MANIAC? Tinanong din ni Boy si Baron sa bansag ngayon kanya bilang "manyak."

"Is this okay? I'm getting mad? I think this is disrespecting," sabi ni Baron.

Sagot naman ni Boy, "No, no, it's okay. You're expressing an honest opinion. So, when people tag you as maniac, what does that make you?"

"It takes away every inch of my backbone. It ruins my day and it makes me feel less of a person or a man," sagot ni Baron.

Sa palagay ba ni Baron ay naging unfair ang show business sa kanya?

"No... Baron Geisler has been unfair to Baron Geisler," sagot niya.

So, does this mean he takes full responsibility for all that happened?

"Yes."

FAMILY SUPPORT. Sa kabila ng mga dagok na ito sa buhay ni Baron, nakasuporta pa rin daw ang pamilya niya sa kanya, tulad na lang ng kanyang ina. Ano ang sinasabi ni Baron sa kanyang ina?

"Now, everything is good. I was with her kanina sa doctor. Sinabi niya nga sa doctor na, 'You know, I'm very happy when Baron is sober. When he drinks, doon siya sobrang disappointed.'

"So, kung one month akong straight na hindi umiinom, sobrang happy niya. So, whenever I drink again, nagiging dysfunctional ang relationship namin."

Boy told Baron that he has put so much stress on his mother.

"I know, that's why I'm seeking help," pagsang-ayon naman ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is he sorry?

"Of course, yes."

Dagdag niya, "But I know, I believe na yung mga bagay na ganito, may times na a mom would know her son very well."

Saan siya papunta?

"I hope, after I heal myself, I will really learn from it and I will choose life over the bottle and drop it.

"I wish and I pray that I walk the talk and I leave it all up to Him na lang to take care of me.

"Ang hinihiling ko lang, after all these, my family, showbiz—sana hindi mawala sa akin. Passion ko talaga ang acting.

"Sana tanggapin pa rin ako ng mga tao, ng industriya. Sana, tanggapin nila ako nang buong-buo sa pagbabago."

Boy told Baron na mahal din naman siya ng industriya.

"Mahal ko ang industriya. And I wanna thank ABS, ilang chances na 'ko.

"Nahihiya na nga po ako, Tito Boy, nakakapalan na ako sa sarili ko. So, I think, sa lahat ng nangyari, tama lahat.

"Papasok ako ng rehab. Siguro, think things over. Where did I go wrong? What should I do to improve?"

Three months daw ang rehabilitation ni Baron.

"I'm thanking everybody for understanding. ABS, thank you. Thank you, Tito Boy, for not judging me.

"You know, sorry, sorry talaga. But I feel sorry for myself. I should take care of myself and love myself some more. "

Paano magdasal si Baron ngayon?

"There's this one phrase that Ate Grace said, and after nang sinabi niya yun, I was broken, e, during the incident. I have been broken even before the incident.

"She said something to me, 'God breaks you to make you.' After that, bumuo na ako. And I said, wala na 'kong pakialam."

At this point, hindi na napigilan ni Baron ang mapaluha at maging emosyunal.

"Hindi ko muna iisipin yung career or kung ano ang mangyayari after rehab. I'll just gonna take care of myself and really get better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm sorry... I've been emotional lately. After hearing that line, I just felt whole again because I know, panandalian lang itong nangyayari. And He'll be my biggest help when I get out."

Kung nagkataong buhay pa ang ama ni Baron, ano ang sasabihin niya rito?

"I just missed you," sagot niya.

Sa publiko, ano ang mensahe niya?

"Sana mapatawad n'yo ako at hindi n'yo ako makalimutan. Kasi, sa industriya natin, mawala ka lang ng isang buwan, dalawang buwan, nakakalimutan ka na. E, ako, tatlong buwan. Natatakot din po ako," saad ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN