Dingdong Dantes on engagement and wedding talks: "Kung mangyari po yun, I'll be very proud to announce it."

IMAGE 0


"Ako, I draw my strength, I draw my inspiration sa mga minamahal ko at nagmamahal sa akin. At siyempre, isa na ro'n si Marian," says Dingdong Dantes.


Kahapon, January 19, ay inilunsad sa pamamagitan ng isang press conference ang 20th year ng pagdiriwang ng National Arts Month. Ginanap ang launching sa tanggapan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros, Manila.

Bilang NCCA Arts and Youth Ambasador, present din sa naturang okasyon ang aktor na si Dingdong Dantes.

Kahit abala sa kanyang ibang gawain, partikular na sa kanyang showbiz career, sinisigurado ni Dingdong na magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang youth ambassador ng NCCA. Sa katunayan, nangako siyang darating sa opisyal na pagbubukas ng National Arts Month sa Rizal Park on January 30.

Ayon sa aktor, "Nagpapasalamat ako because I'm given the opportunity to work. At lahat naman yun nagagawa sa time management.

"Kaya nga maraming taong tumutulong sa akin, especially my manager [Perry Lansigan] and people I work with na talagang sine-set aside nila kung ano ang para sa TV, para sa pelikula, at para sa mga ganitong klaseng obligasyon.

"Sa totoo lang, isa naman talaga 'to sa gusto kong gawin. Sa mga pinu-promote ko, kahit pa naman noong hindi pa nila ako kinukuha as ambassador sa NCAA, I made sure that I can also promote yung kagalingan ng mga batang Pinoy.

"And everything is in sync, kumbaga, pareho siya ng layunin. Nagkataon na swak na swak din siya."

Marami na rin daw naiisip na plano si Dingdong para sa NCAA, bagamat hindi pa raw nila nauupuan at napag-uusapan ang lahat.

"Marami na akong naiisip, pero hindi pa lang namin nadi-discuss sa ngayon," sabi niya.

"Siguro, hinihintay ko lang din na mag-settle down. February kasi is a very crucial month dahil maraming activities ang NCCA.

"Siguro, after that, uupo na kami nang masinsinan para mai-share ko sa kanila ang matagal ko nang itinatagong gusto kong sana maitulong for the industry."

CONTROVERSY. Minsan pang sinagot ni Dingdong ang intriga sa pagkakaluklok niya sa posisyong Youth Ambassador ng NCAA. Sinasabi kasing nahaluan daw ito ng pulitika dahil sa ginawa niyang pangangampanya noon kay President Noynoy Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Dingdong, "Hindi... Sana kung pulitika lang 'yan or kung anuman, I should have stopped after election.

"Pero tulad ng mga pangako ko rin sa ating Presidente, my support is beyond after election. It's everyone's responsibility naman to take part on the nation's building.

"At para sa akin, given the opportunity na nandito ako sa entertainment industry, gusto ko siyang i-maximize at gawing magandang vehicle para matulungan ko, especially the parties concerned."

Kung tutuusin, ang kanyang pagiging ambassador ay hindi regular na trabaho kunsaan binabayaran siya.

"Kaya nga po ambassador, hindi naman sa sobrang official na nandito ako araw-araw, hindi naman. Yun nga lang participation ko sa mga events na ganito.

"And, of course, yung pag-promote ko lang siyempre sa mga flagship programs nila. Para siyempre, malaman at maging aware ang mga kabataang Filipino for these wonderful projects."

Ini-announce din during the press conference na si Dingdong pa rin ang mananatiling youth ambassador ng NCCA hanggang 2012. Masaya raw kasi ang mga taga-NCCA sa tulong na naibibigay ng aktor.

Ano ang masasabi niya rito?

"Yes, gaya nga ng sabi ko, ang daming puwedeng pag-usapan. Hindi lang itong nangyari sa February. So, I'm looking forward to fruitful years with the NCCA."

Puwede rin kayang dumating ang puntong may offers siyang matanggihan dahil sa pagiging ambassador niya ng NCCA at magkaroon ng conflict of interest?

"Hindi naman, kasi siguro kinuha nila ako for a reason. At ako, mahal ko ang trabaho ko bilang artista at kapag pinabayaan ko yun, e, siguro wala akong karapatang maging ambassador ng NCCA.

"Nararapat lang din na alagaan ko ang craft ko. Alagaan ko kung ano ang meron ako ngayon dahil isa ito sa mga naging daan para maka-reach out ako sa maraming kabataan," saad ni Dingdong.

LOVE MONTH. Next month na magsisimula ang bagong primetime series ni Dingdong sa GMA-7, ang I Heart You Pare katambal si Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil love month nga ang Pebrero, may plano na ba siya sa darating na Valentine's day para sa kasintahang si Marian Rivera?

"Siguro ano... Hindi ko alam, e. By that time, busy na siya sa Amaya at ako naman, sa I Heart You Pare.

"Siguro, ang importante, makauwi man lang ako ng isang magandang painting sa kanya. Siyempre, isang magandang memorabilia sa pag-iikot ko sa NCCA, kukuha ako ng isang symbolic gift na maiuwi ko sa kanya."

Kasunod na kaya ng symbolic gift na sinasabi niya ang pagtunog ng kampana ng simbahan?

"Araw-araw kong naririnig ang kampana!" tawa niya.

"Okay lang yun, malapit kami sa church, e. Hindi natin alam. One step at a time."

Pero gaano katotoo na engaged na sila at may plano na silang magpakasal?

"Kung mangyari po yun, e, siguradong malalaman ninyo, and I'll be very proud to announce it," sagot niya.

Pero si Marian na ba ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay?

"I sincerely hope so," nakangiting sabi ni Dingdong.

Kasama ba sa plano niya this year ang mag-propose kay Marian?

"Ang plano ko talaga, ayusin ang pag-manage ng oras dahil ang daming responsibilidad. Pero siyempre, hindi dapat mawala yung para sa sarili.

"And ako, I draw my strength, I draw my inspiration sa mga minamahal ko at nagmamahal sa akin. At siyempre, isa na ro'n si Marian.

"I'd like to keep it that way dahil kung ganoon, ang daming magandang nagagawa at nangyayari," sagot ni Dingdong.

LIFE-SIZE SCULPTURES. Last year, sinasabing ang Endless Love na raw ang huling pagsasamahan nina Dingdong at Marian. Ngayong 2011, may posibilidad kaya na magkasama pa rin sila sa isang project?

"Maaaring hindi man sa TV or sa movie, pero sa ibang project, oo," sabi ng 30-year-old actor.

Last Christmas, naibigay na ni Dingdong kay Marian ang life-size sculptures ng characters na ginampanan ng aktres, gaya ng Dyesebel at Darna. Ipinasadya raw lahat yun ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung gumawa noon, hindi siya masyadong publicized. Hindi siya talagang commercialized na sculpture. Pero naki-cater siya na karamihan ng ginagawa niya, ang mga kliyente niya, abroad. Ganoon siya kahusay.

"At nagpapasalamat ako na nadiskubre ko siya at dahil doon, nagkaroon ako ng opportunity na makagawa siya [Marian] ng isang Darna at Dyesebel."

Ano naman ang naging reaction ni Marian nang maibigay na niya ang mga ito?

"Sabi niya, kamukha naman daw niya. Medyo payat nga lang daw!" natatawang sabi ni Dingdong.

So, ang role ni Marian bilang Amaya na ang susunod niyang ipapagawa?

"Marami pa 'yan. May Super Inday pa, may Marimar pa."

PREDICTIONS. Sa pagpasok ng bagong taon, karaniwan na ang paglabas ng mga hula tungkol sa celebrities. Siyempre pa, sina Dingdong at Marian ang dalawa sa paboritong subjects ng mga manghuhula.

Kung paniniwalaan ang mga hula sa kanilang dalawa pagdating sa kanilang relasyon, tila hindi maganda dahil may hulang magkakaproblema raw sila at posible pang magkahiwalay this year.

Kaya naman tinanong ng PEP si Dingdong kung ano ang opinyon niya tungkol sa mga hula.

"Hindi ko naman sasabihing kalokohan yun. Pero maganda palagi na nag-iingat. At lahat naman yun, threat.

"May hula man o wala, there's always a possibility na magkaroon ng ganoong bagay. So, we always have to be on our toes na palakasin ang security ng kahit na ano—mapa-relationship man 'yan, mapa-bahay man 'yan, mapa-career man 'yan."

Napag-uusapan din ba nila ni Marian ang tungkol sa hula sa kanila?

"Oo, oo... Siyempre, ano lang talaga, kailangan palaging sentro ang Panginoon sa isang relationship.

"Because kung yun ang mangyayari, Siya lang naman ang magga-guide sa 'yo and no amount of hula ang makakasira sa inyo," saad niya.

Naapektuhan din ba sila ng mga ganitong klaseng hula?

"Siyempre, hindi mo naman sasabihing hindi natakot. Pero, magkaiba naman kami ng level ng paniniwala sa hula. Kung ako siguro one percent, baka siya mas mataas ng konti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi natin alam at nagbabago 'yan from year to year. Yun lang talaga. Bottom line, mas matibay ang faith," sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN