Iwa Moto heartbroken after dogs were stolen; appeals to thief: "Please, please sana isoli mo."

IMAGE 0


"Kung naibenta na sila, dun sa mga nakabili, please, kahit doblehin ko ang ibinayad ninyo, mabalik lang sa akin yung mga aso ko. Kasi importante po sila sa akin," says Iwa Moto, fighting back tears. "Buhay yun, e, parang anak na yung turing ko [sa kanila]. Maintindihan ninyo sana na nasasaktan ako."


Ninakaw ang dalawang aso ni Iwa Moto sa kanyang bahay sa Las PiƱas.

Base sa report ng StarTalk TX kahapon, January 22, Sabado, ninakaw ang Toy Poodle at Shih Tzu ng Kapuso star nitong Lunes (January 17).

Ang kwento ni Iwa: "Kasi wala ako sa bahay, so nalaman ko na lang Monday morning. My mom called me. Kasi galing ako ng Cebu nun e, para sa Sinulog. Tapos umiiyak nga yung mom ko.

"Ang nangyari daw... kasi yung [dalawang] dogs ko, every night hindi sila puwedeng matulog nang magkasama kasi they fight.

"Yung Toy Poodle ko and my other Shih Tzu... nilalagay sila sa cage para dun sila matulog sa second floor ng bahay namin," salaysay ni Iwa.

"And then there's a fire exit there na may lock. Ngayon, nag-effort yung magnanakaw na lagariin yung lock just to get the dogs.

"Pero yung kuwarto ng mom ko, dun lang sa tabi ng terrace. Good thing hindi pinasok yung bahay namin.

"Yun lang, as in, hindi man lang nagtangkang pumasok sa bahay namin, dun lang talaga sa terrace, just to get the dogs," malungkot at halatang masamang-masama ang loob na kwento ng aktres.

Nakapag-file na raw ng reklamo sa pulis ang ina ni Iwa.

"Ang mom ko ang nag-file kasi nung time na yun sobrang hindi ako makagalaw, sobrang hindi ako makausap nang matino, nag- iiiyak lang ako nang nag-iiiyak.

"Hindi ko alam kung may mga taong galit sa amin or what," ayon kay Iwa.

"Sana huwag naman. Kasi ang tagal na namin doon e. Doon na ako lumaki, wala naman sanang talu-talo."

At ang panawagan ni Iwa: "Kung sinuman ang kumuha ng mga aso ko, kung ibebenta mo man sila, kahit ako na lang ang bumili, [kahit] huwag mong sabihin na ikaw ang nagnakaw or what, wala akong pakialam.

"I just want my dogs back," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Or kung naibenta na sila, dun sa mga nakabili, please, kahit doblehin ko ang ibinayad ninyo, mabalik lang sa akin yung mga aso ko kasi importante po sila sa akin.

"Buhay yun, e, parang anak na yung turing ko [sa kanila]. Maintindihan ninyo sana na nasasaktan ako," ang mangiyak-ngiyak na panawagan ni Iwa.

"Kaya please, please, sana isoli ninyo.

"Kung sino man ang nagnakaw... kung ayaw ninyo isoli sa akin, sa mabuting pamilya ninyo na lang ibigay," ang sabi pa niya.

"At kung sino man ang makakakuha sa mga aso ko, please alagaan ninyo po kasi love ko sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN