Alex Gonzaga shrugs off reported "snubbing" incident with Marian Rivera

IMAGE 0


"Hindi ko naman masyadong minasama kasi pagod na rin siguro si Marian. At saka noong pagbaba naman, tiningnan ko naman. Kasi parang, 'Hindi ba talaga niya ako pinansin?' Tiningnan naman niya ako. Nag-smile naman po siya noong nasa backstage na," says Alex Gonzaga (in photo) about reported snubbing issue with Marian Rivera.


Si Alex Gonzaga ang napili ng TV5 na magbida sa kauna-unahang drama series ng network, ang Babaeng Hampaslupa, na ididirek nina Eric Quizon at Joyce Bernal.

Aware si Alex na may mga nagtatanong at nagdududa kung kaya na ba niyang mag-drama at magdala ng isang primetime series, lalo pa nga't mas nahasa at nakilala siya ng mga manonood sa comedy at hosting.

Pero ayon sa kanya, "Nag-workshop naman po ako at saka yung mga eksena naman namin, nakaka-motivate naman ako. Naibibigay ko naman.

"And I think naman, hindi naman po maggu-good take... Kasi si Direk, katulad ng mga unang eksena namin, sasabihin ni Direk, 'Alex, oo, tumutulo ang luha mo, pero mas gusto ko na galing sa puso.' So, ulit kami nang ulit."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa presscon na ipinatawag ng TV5 para sa kanya at sa leading men niyang sina Martin Escudero at Alwyn Uytingco kagabi, January 24. Ginanap ang presscon sa Cravings restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

May kaba ba siyang nararamdaman?

"Oo, siyempre. Pero iniisip ko na lang, kaya na ni Ms. Alice Dixson 'yan at saka ni Ms. Susan Roces!" natatawang biro niya patungkol sa mga beteranang aktres na kasama niya sa soap.

Bagamat mayroon na siyang daily soap, hindi naman daw mawawala si Alex sa daily talk show nilang Juicy.

"Hindi po ako mawawala sa Juicy. Sa Lokomoko lang po. Kasi, conflict po sa taping," sabi niya.

So, siya pa rin ang reyna ng TV5?

"Ay, hindi naman!" natatawa niyang sagot.

Ano naman ang naging reaction ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga sa pagiging bida na niya ngayon sa isang drama series?

"Sinasabi niya sa akin na, 'Unang break mo 'yan, galingan mo... Huwag kang mag-feeling. Huwag kang umarte.' Yung typical na ano sa akin ng ate ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALEX'S LEADING MEN. Dalawa ang leading men ni Alex sa Babaeng Hampaslupa—sina Alwyn Uytingco at Martin Escudero.

Kanino siya mas close sa dalawa?

"Kay Alwyn," sagot ni Alex. "Kasi, si Alwyn, kasama ko na po sa BFGF at saka sa ABS [CBN] pa lang. At saka noong sila pa ng ex niya [Jill Yulo]. Kaya kaibigan ko na si Alwyn.

"Si Martin naman, mukhang mabait naman siya."

Aware ba siya na ex- at present boyfriend ni Jennica Garcia ang mga leading men niya?

"Sabi ko nga, 'May motivation na kayo. Isipin n'yo na lang, ako siya [Jennica]!'" natatawa niyang sabi.

Ano ang naging first impression niya kay Martin, na unang nakilala bilang Mart Escudero sa StarStruck at GMA-7?

"Noong una ko pong nakita si Martin sa plug shoot, ang bait niya. Kasi, late ako. Tapos, tumayo siya. Siya talaga ang nag-introduce na, 'Hi Alex, ako si Mart.' Siyempre, kilala ko naman siya.

"Tapos, kapag nagkakasama kami sa mga pictorial, ano siya, very approachable. Tumatawa naman siya sa mga sinasabi ko na wala naman minsang kuwenta," kuwento ng actress-TV host.

Pero ayon kay Alex, hindi pa raw niya nakakaeksena ang kanyang leading men sa taping. Pero masaya raw siya na ang mga ito ang mga kapareha niya.

"First time ko talaga na magkakaroon ng guwapong ka-love team," sabi niya.

Pagdating naman sa kanyang love life, seryoso si Alex nang sabihing hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

"E, di ba nga, sabi ko nga po, hindi talaga ako ligawin. Hindi talaga.

"Kaya ako, kapag may crush ako, feel na feel ko. Akala ko yun na, pero hindi naman nila ako pinapansin."

MARIAN RIVERA. Hindi rin nakaiwas si Alex nang mausisa ng press tungkol sa naging isyu sa kanila ni Marian Rivera noong nakaraang Metro Manila Film Festival Parade of Stars noong December 24, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila napalaki na ang isyung hindi diumano sinuklian ni Marian ang pagbati ni Alex sa kanya sa stage ng Quirino Grandstand.

Pero ayon kay Alex, "Wala... Sa totoo, hindi ko alam na meron pa lang camera na nakakita. Tapos, napag-usapan sa Paparazzi, nagulat ako.

"Hindi ko naman masyadong minasama kasi pagod na rin siguro si Marian.

"At saka noong pagbaba naman, tiningnan ko naman. Kasi parang, 'Hindi ba talaga niya ako pinansin?' Tiningnan naman niya ako. Nag-smile naman po siya noong nasa backstage na.

"Kaya lang, nakita sa camera."

Magkakilala na ba sila formally ni Marian?

"Hindi po kami formally na-introduce," sagot ni Alex.

Hindi siya nabastusan sa nangyari?

"Hindi naman. Kasi pagkagano'n ko ng kamay, niyakap ako ni Jake [Cuenca]. So, parang hindi ko naman talaga siya naramdaman.

"Tapos, dumiretso na kami do'n. Tapos, nakita ko, nagpo-promote naman siya, ngumingiti naman siya. "

May komento rin mula sa ilang tao na baka raw kasi ang pinag-ugatan nito ay dahil madalas natitira o sinisiraan si Marian sa showbiz talk shows ng TV5 na Juicy at Paparazzi?

"Hindi naman, hindi naman namin siya ano... Binabasa kaya namin ang mga title ng article!" natatawang sabi ni Alex.

"Pero ako naman po, personally, kahit manood kayo ng Juicy, hindi naman po ako yung nagko-comment anything against sa ibang artista. Kasi nga, nakikitawa na lang ako, iba na lang ang sinasabi ko.

"Kasi nga, yung iba namang artista na minsan nagiging topic ay friend ko. Nakakausap ko sila. Baka mamaya sumama ang loob nila.

"Lalo naman sa mga taong hindi ko ka-close, katulad nila Ms. Marian, nakakahiya naman mag-comment dahil hindi naman kami close. Wala naman akong karapatang magsalita.

"Hindi naman ako writer, or hindi naman ako parang sila Nanay Cristy [Fermin]," paliwanag ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN