Mother and son duo, Dolly Anne Carvajal and IC Mendoza, share bonding moments in online travelogue

IMAGE 0


"Siyempre because of our busy schedules we don't spend much time together katulad ng dati. Bihira na kaming makalabas together. Nakapag-bonding kami dito, wala siyang choice. Kaya nga itong Awesome Hunt is really a bonding treat para sa amin ni IC," says Dolly Anne Carvajal (left) about her son IC Mendoza (right).


Nagsilbing bonding moment para sa mother-and-son showbiz personalities na sina Dolly Anne Carvajal at IC Mendoza ang pagsali nila bilang mag-partner sa reality and online travelogue challenge na PLDT myDSL The Awesome Hunt.

"Siyempre because of our busy schedules we don't spend much time together katulad ng dati. Bihira na kaming makalabas together. Nakapag-bonding kami dito, wala siyang choice," sabi ni Dolly Anne.

Dagdag pa ni IC, "One thing great about Awesome Hunt is I got to do the challenges kasama ang Mommy ko. Nag-bonding talaga kami. Nakakatuwa lang yung gumagawa kami ng videos, kumukuha kami ng pictures tapos ina-upload sa blog. And for a change, hindi naman showbiz intriga ang sinusulat namin. Enjoy yung experience. Bongga!"

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Dolly Anne at IC sa presscon na ginanap last April 13 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

REDISCOVERING LAGUNA. Ayon sa mag-ina, kakaibang experience daw ito para sa kanila, dahil 16 celebrities sila na pinag-partner para makabuo ng walong teams na naglaban-laban noong April 7 para sa kakaibang adventure challenge.

Bawat team ay ipinadala sa kanilang city destinations. Sa Laguna ipinadala sina Dolly Anne at IC.

"Nagpunta kami sa Calamba, siyempre sa bahay ni Jose Rizal. Mas na-appreciate namin ngayon kasi dati, noong bata tayo, di ba pinupuntahan lang natin yun pag may field trip tayo? Ngayon ko lang nalaman yung meaning ng bawat sulok. Yung original na Noli Me Tangere at El Filibusterismo nandun din.

"Nagpunta rin kami sa Los BaƱos, sa Herb Republic. Nakakatuwa kasi lahat organic. Kumain kami doon ng mga dahon-dahon. Nag-cleansing diet kami doon.

"Nagpunta din kami sa Paete sa mga woodcarvers doon. Naghanap kami ng Machete statue doon. Biro nga ni IC yung model daw ng Machete lover daw nung woodcarver," kuwento ni Dolly Anne.

Hindi naman daw sila nahirapan sa food challenge nila dahil very healthy daw ang mga kinain nila sa Herb Republic restaurant. May ibang teams kasi na kumain ng kabayo, kambing at maging mga uod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pinaka-like ko sa pinuntahan namin, yung Herb Republic," sabi ni IC. "Doon nagbi-breed sila ng sarili nilang chicken, baboy, ganun. Tapos lahat ng kinakain ng mga hayop puro organic, puro healthy. Tapos they cater to cancer patients also."

Ano sa tingin nila ang advantage nila kumpara sa ibang team?

"Siguro advantage yung mag-ina nga kami kasi kilala na namin ang isa't isa. Alam na ni Mommy yung strengths and weaknesses ko. Unlike yung ibang teams na ngayon lang nagkakilala, hindi pa nga nila kilala personally ang ka-partner nila. E, kami ni Mommy hindi lang kami mag-nanay but we're also best friends. So, vote for Team Laguna," ani IC.

DETERMINING THE WINNER. Bukod kina Dolly Anne at IC, kasali rin sa Awesome Hunt sina actor Marco Alcaraz at actress Bela Padilla na ipinadala sa Butuan; actress Ryza Cenon at Myx VJ Ton Vergel de Dios, sa Dumaguete; actor Luis Alandy at tech blogger Jayvee Fernandez, sa Las Pinas; columnist/chef China Cojuangco at tour guide Carlos Celdran, sa Quezon City; StarStruck V Ultimate Male Survivor Steven Silva at actress-TV host Daiana Menezes, sa Marikina; DJ Mojo Jojo at blogger Jane Chua, sa Rizal; and actor-dancer Mark Herras at champion car drifter Alex Perez, sa Cavite.

Makikita ang mga ginawang photo and video blogs ng mga celebrity challengers sa pamamagitan ng pag-sign up sa Watchpad na libre sa lahat ng PLDT myDSL subscribers. Iboto ang team na may best online travelogue mula April 8 to 24.

Forty percent ng total scores ng bawat teams ay magmumula sa online votes at 60 percent naman ay magmumula sa panel of judges na kinabibilangan nina Department of Tourism Secretary Alberto Lim, magazine publisher and editor-in-chief Sari Yap, Modern Epicurean Chef Stephanie Zubiri, Our Awesome Planet's Anton Diaz at Circuit Editor-in-Chief JR Isaac.

Bawat miyembro ng winning team ay makakatanggap ng premyong P50,000 cash, a trip for two to Dakak courtesy of Cebu Pacific, Sony VAIO laptop, one-year free subscription to PLDT myDSL Plan 990, Sony Cybershot digital camera at Yellow Cab pizza party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang winning team ay ia-announce sa first week of May.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN