Vice Ganda admits finding "true love" is hard now that he enjoys success

IMAGE 0


"Sabi ko nga, sa estado ko ngayon, finding a way to have a simple life is the more complicated thing to do. Ang hirap magtiwala. Hindi mo na alam kung kanino mo ibibigay ang pagmamahal mo, ang pagtitiwala. Nakakatakot na rin kasi sobrang kumplikado ng mundong ginagalawan," says Showtime resident judge and top comedian Vice Ganda.


Si Vice Ganda ang sumalang sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz noong Linggo, January 23.

Unang tanong ni Charlene kay Vice ay kung ano ang sikreto ng success niya dahil tila may kakaiba raw siyang magic at appeal sa tao?

"Kapag sinabi ko sa inyo, hindi na sikreto 'yan!" biro ng stand-up comedian.

"Wala akong secret. Kasi, lahat naman ng ito, hindi ko naman plinano. Katulad ng sinasabi ko noon, hindi ko alam, nangyayari lang siguro lahat ng ito dahil ito na ang nakatakdang mangyari talaga."

2010 has been a great year for Vice. Pero ayon kay Charlene, she feels that 2011 would even be a greater year for the comedian.

"Wow, salamat naman," nakangiting sabi ni Vice.

"Yun nga ang ikinanenerbiyos ko. Katulad noong New Year, umiiyak ako. Kasi si Bianca [Gonzales], nag-tweet siya, 2010 daw was really Vice Ganda's year.

"So, sabi ko, 'Oh, my God! Tapos na ang 2010 na sinasabi nilang year ko. So, ibig sabihin, tapos na.'"

STILL WITH OGIE. Sinagot din ni Vice ang isyung maghihiwalay na raw sila ng landas ng kanyang manager na si Ogie Diaz.

Sabi ni Vice, "E, balang-araw naman lahat maghihiwa-hiwalay. Pero hindi sa paraan ng gusto ng ibang nag-iisip.

"Maghihiwalay siguro kami na baka in the future mag-retire na ako or mag-retire siya. Pero hindi sa pamamaraan na gusto nila na sa ngayon, mag-away kami sa pera or sa ibang katsipang isyu."

So, okay sila ni Ogie ngayon?

"Sobrang okay kami," sagot ng resident Showtime judge.

Ano naman ang masasabi niya sa isyung nag-away raw sila ng kanyang manager dahil sa pera?

"Ay, hindi ho kami nag-aaway sa pera. Sobrang katsipan!" sambit ni Vice.

"Hindi man ako yumaman, pero hindi ako makikipag-away dahil sa pera. Ganoon din si Ogie.

"Hindi ko alam kung saan nila kinukuha yung isyung 'yan. Sabi ko nga, itong mga taong ito, hindi busy kaya gumagawa na lang ng pinagkakabisihan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

With all the success that he is getting, gaano na kayaman ngayon si Vice?

"Feeling ko, ako ang pinakamayamang tao sa buong mundo!" diretsong sagot ni Vice.

Sa figure?

"Ay, teka naman, Mama... Alam mo, Miss Charlene, honest naman ako, pero minsan, kailangan kong piliin kung kailan ako magiging honest.

"Baka mapahamak ako sa BIR [Bureau of Internal Revenue] kapag sinagot ko 'yan. Charoz! Charoz lang!" natatawa niyang sabi.

FINDING LOVE. Ngayong successful na siya, mas mahirap bang maghanap ng love?

"Yung true love, siguro," sabi ni Vice.

"Sabi ko nga, sa estado ko ngayon, finding a way to have a simple life is the more complicated thing to do.

"Ang hirap magtiwala. Hindi mo na alam kung kanino mo ibibigay ang pagmamahal mo, ang pagtitiwala.

"Nakakatakot na rin kasi sobrang kumplikado ng mundong ginagalawan."

Was there a time that he bought love?

"Yes, I think...and I'm proud to say that," sagot niya.

"Kung yun ang makakapagpasaya sa akin, bakit hindi ko gagawin?

"Kung hindi ako bibili, sinong bibili? E, di malungkot ako. E, di ako na lang."

Tanong ni Charlene: "When you fall in love, do you fall in love with your heart or your head?

"With my heart," sagot ni Vice. "Oo... Kasi, kung magaling ka naman, kahit i-give up mo ang career mo, makakabalik ka pa rin."

Hindi siya takot mawala ang career?

"Oo, kasi nagsimula naman ako, wala lahat ng ito. Pero naka-survive ako, di ba?

"Siguro kung mawawala ulit, makaka-survive ulit ako. Kasi nga, kung dati naka-survive ako, e, di mas lalo na ngayon na mas matalino at mas malakas na ako," sabi niya.

On a scale of 1 to 10, how beautiful is Vice Ganda?

"Ten!" mabilis na sagot niya.

"Di ba? Bakit mag-iisip pa ba ako? Kung hindi ko bibigyan ng 10 ang sarili ko, sino pa ang magbibigay?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWTIME JUDGES. Tinanong din ni Charlene si Vice tungkol sa judges sa noontime show ng ABS-CBN na Showtime. Dahil siya ang resident judge ng programa, sino ang top three judges para kay Vice mula nang magsimula ang Showtime?

Una sa listahan ni Vice si Gladys Reyes.

Paliwanag niya, "Kasi, yung naging relasyon namin ni Gladys, beyond the show. Kahit wala na siya, konektado pa rin kami sa isa't isa.

"At saka, malalim. Kahit hindi ako nagsasalita, nauunawaan na niya ako, sa tingin pa lang. Para kaming magkapatid."

Pangalawa raw si Jhong Hilario.

"Kasi, sa sobrang tagal niya sa Showtime, naging buo na ang relasyon namin. Hindi naging maganda agad.

"Pero sa sobrang tagal niya talaga, naging maganda na yung relasyon namin. Ganun din, nagtuluy-tuloy, tumagos, at pagkatapos, iba na ang naging samahan naming dalawa."

Nang wala nang mabanggit si Vice, binanggit ni Charlene ang PBA player na si Paolo Hubalde. Napanood daw kasi ng TV host na first time na umiyak ni Vice nang ma-vote out si Paolo sa show bilang hurado.

Bakit nga ba siya umiyak nang matanggal bilang judge ang Barako Bull player?

"Hindi ko alam!" natatawang sabi ni Vice na tila kinikilig.

"Siguro kasi, naghinayang lang talaga ako. Nanghinayang lang ako sa maaari pang mangyari sa amin kung nagtagal pa siya. At siguro, mas magiging close kami sa isa't isa."

Na-in love ba siya kay Paolo?

"Oo... Hindi talaga ko nag-iisip, 'no!" sabi ni Vice.

Ano ang sabi ng asawa ni Paolo?

"Hindi ko naman kakilala ang asawa niya. Bakit ko naman aalamin pa? Hindi kami magkakilala.

"Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang sasabihin ng asawa niya. Basta mahal ko siya.

"Pero wala naman akong planong sirain ang pamilya nila. Mahal ko lang siya.

"Sa akin lang yun. Hindi ko naman sinasabing mahalin niya rin ako," saad ni Vice na may halong biro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VICE'S LOLA. Sa likod ng pagpapatawa ni Vice ay may pinagdadaanan siya ngayon. Kamakailan kasi ay na-stroke ang kanyang lola. Paano siya naaapektuhan ng pangyayaring ito?

"Sobrang laki ng effect sa akin ng pangyayaring yun, sobrang laki na nagulo ang utak ko. Hindi ako nakatulog.

"Yung lola ko, yun ang parang nanay ko. Mas maraming beses na yun ang nakasama ko kaya mas close ako do'n.

"Kaya kapag nagkasakit ang lola ko, parang ako rin ang nasasaktan. Kapag hindi maganda ang kalagayan ng lola ko, parang ako rin. Yung lola ko at ako, iisa."

Ano ang kasalukuyang lagay ng lola niya ngayon?

"Nakakausap ko siya, pero hindi na kasi siya nakakapagsalita. Parang ang pagkakaintindi ko, yung bahagi ng utak niya na may kinalaman sa speech niya, yun ang naapektuhan. So, kapag nag-uusap kami, nakatitig na lang siya."

Ano ang wish niya para sa lola niya?

"Extension ng buhay niya," sagot ni Vice.

"Extension ng buhay niya na magkasama kami nang maluwag na ang buhay namin. Hindi na kasing hirap ng dati.

"Kasi yun ang nakakaawa sa lola ko, sa nanay ko na nagkasama kami na ang hirap-hirap ng buhay namin. Ngayon na kahit papaano nakakaluwag-luwag ako, hindi naman kami magkakasama.

"Gusto kong maramdaman din nila yun na, 'Uy, maluwag na tayo.'"

Regret?

"Regret ba? Hindi ko alam kung regret. Pero ang daming panahon na naipagkait sa amin," sabi ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN