Ruffa Gutierrez confirms getting a call from Shaina Magdayao about John Lloyd Cruz

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez (right) has confirmed a report that Shaina Magdayao (left) called her at two in the morning to ask about her and John Lloyd Cruz (middle).


Mukhang umiinit na naman ang love-triangle issue sa pagitan nina Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao, at John Lloyd Cruz.

Si Shaina ang present girlfriend ni John Lloyd, na ex-boyfriend naman ni Ruffa.

Ito ay matapos ipalabas sa showbiz talk show ng Q11 na Tweetbiz kagabi, January 25, ang kumpirmasyon ni Ruffa through text sa host na si Tim Yap.

Ayon kay Ruffa, totoong tumawag si Shaina sa kanya ng alas-dos ng madaling-araw kamakailan, at si John Lloyd nga raw ang dahilan ng pagtawag ng young actress.

Out of curiosity kasi ay tinext ni Tim si Ruffa para kumpirmahin ang naturang isyu.

Ito ang naging text ni Tim kay Ruffa: "Hey Ruffa just want to verify the tabloid item that shaina magdayao called you to ask about john lloyd? Is it true?"

Ang sagot na text naman ni Ruffa: "Realllyyy?? Who said?? Yes she called but I was half asleep next to my girls (hellow it was 2am!) so I couldn't talk. Simply told her that if she had a problem... to go ask JL not me. That's all I'm gonna say Timmie. Pasensiya na. Kaloka!"

Muntik na nga raw magkaroon ng sagutan sa phone ang dalawa, ayon kay Ruffa. Pero inalala lang daw ni Ruffa ang kanyang mga anak na katabi niya noon.

Bukod dito ay madaling-araw na, kaya sinabihan na lang daw niya si Shaina na si John Lloyd na lang ang kausapin nito.

Siguradong mauungkat na naman ang nakaraan at masisimulan ang bagong isyu sa tatlong celebrities matapos ang text na ito ni Ruffa.

Matatandaang nauna nang naisyu si John Lloyd noon na tumatawag pa rin kay Ruffa kahit girlfriend na niya si Shaina.

Idinenay ito ni John Lloyd, pero kinumpirma naman ito ng kaibigan ni Ruffa na si Dra. Vicki Belo dahil nasaksihan daw ito mismo ng huli nang minsang magkasama sila ni Ruffa sa Europa para magbakasyon. Kaya sa huli ay inamin din ito ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni John Lloyd noon na lalayuan na niya si Ruffa para matigil na ang isyu sa kanila.(CLICK HERE to read related story.)

Pero dahil nga sa pagtawag ni Shaina kay Ruffa, lumalabas na may koneksiyon na naman si John Lloyd sa dating karelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN