Willie Revillame, who turns 50 tomorrow, treats Shalani Soledad as "first lady"

IMAGE 0


TV host Willie Revillame turns 50 tomorrow, January 27. Instead of a grand birthday party, he decided to spend his golden day by giving away cash prizes, house and lot, and cars to the lucky viewers of Willing Willie.


Bukas, January 27, ang 50th birthday ng TV host na si Willie Revillame.

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ginagawang pag-amin sa real score sa kanila ng kanyang co-host sa programa na si Shalani Soledad.

May balita pa ngang may bahay na raw na bibilhin si Willie para maging "love nest" nila ni Shalani. Ito raw ay in case magpakasal na silang dalawa. At ang napili raw na bahay ni Willie ay nasa Forbes Park, Makati.

"Basta malalaman n'yo pag may karelasyon na ako. Hindi naman ako heartthrob para magpa-cute pa," sabi ni Willie nang makausap ng entertainment press pagkatapos ng programa niyang Willing Willie sa TV5 kagabi, January 25.

Basta ang tingin niya raw kay Shalani ay "first lady" na iniingatan at sineseryoso.

WILLIE'S WISH. Wish lang daw ni Willie sa kaarawan niya ay "happiness" sa buong mundo.

Hindi rin maitago ang kaligayahan ngayon ng TV host. Biro nga niya: "Masaya ang bird ko!"

Ayon pa kay Willie, wala siyang plano na mag-party sa kanyang kaarawan dahil pare-pareho lang naman ang nakikita niya. Ipamimigay na lang daw niya sa mga nangangailangan ang gagastusin niya kung magse-celebrate siya.

Sinabi rin ng TV host na lahat ay nasa ayos kung sakaling mawala na siya sa mundo. Equally divided daw ang mamanahin ng kanyang mga anak.

Sinabi rin daw niya sa kanyang lawyer na may ilang bagay siyang ipagagawa na kahit wala na siya ay makakatulong sa sambayanan. Hindi man daw ang henerasyon ngayon at baka ang magiging anak nila ang makikinabang.

Balak daw niya kasing magpagawa ng eskuwelahan at hospital para sa mga mahihirap.

BIRTHDAY SPECIAL. Ang Enero 27 ay hindi lamang maituturing na espesyal para kay Willie Revillame kundi pati na rin sa mga tagahanga niya na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa Willing Willie.

Ang isang buwang selebrasyon ng kanyang kaarawan ay ginawa pang mas engrande sa mismong araw nito, dahil sa pagbibigay ni Willie ng bahay at lupa at isang milyong piso sa mga contestant ng programa, na tuluyan nang mababago ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban pa dito, hindi natatapos ang pamimigay ng halos dalawampung kotse sa isang buwang selebrasyon dahil malaki ang tsansa na mayroon na namang mag-uuwi ng bagong sasakyan bago matapos ang gabi.

Dapat din daw tutukan ang "Wiltime Bigtime" segment dahil dalawang milyong piso ang puwedeng mapanalunan sa jackpot round. Ang nasabing papremyo ay paniguradong makakapagpabago sa kinabukasan ng masuwerteng maglalaro.

Kasabay ng pamimigay ng naglalakihang papremyo, ang birthday episode ni Willie sa Huwebes ay dadaluhan ng mga nagniningningang bisita na makikisaya sa ika-50 kaarawan ng host ng Willing Willie.

Kabilang dito sina Aga Muhlach, John Estrada, Randy Santiago, Richard Gomez, at ang Side A na magsasama-sama upang gawing masaya at memorable ang espesyal na araw ni Willie.

Mayroon ding special performances sina Jay-R at Kris Lawrence.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN