Jasmine Curtis Smith downplays possible sibling rivalry with Anne Curtis

IMAGE 0


Jasmine Curtis Smith, according to TV5 head of Creative and Entertainment Production Perci Intalan, is the "Face of 2011" and the network has long term plans for the 16-year-old actress.


Bagamat kulang pa sa tulog ay masiglang humarap si Jasmine Curtis Smith sa entertainment press sa isang solo press conference na ipinatawag para sa kanya ng TV5 kaninang tanghali, January 25, sa Alex III restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.

Umaga na natapos ang taping ni Jasmine para sa TV remake ng Utol Kong Hoodlum kaya minarapat ng kanyang handlers na pagpahingahin muna ang 16-year-old actress sa Rembrandt Hotel na katapat lang ng presscon venue.

Hectic ang schedule ni Jasmine sa mga darating na araw dahil nakatakda siyang umuwi ng Australia on February 4 para ituloy ang kanyang pag-aaral.

Plano ring lumipad ng production crew ng Utol Kong Hoodlum sa Australia para kumuha ng ilang eksena na isasama nila sa ilang episodes ng nasabing programa na pagbibidahan ni JC de Vera.

Ang Utol Kong Hoodlum, originally, ay isang pelikula na pinagbidahan ng action star na si Robin Padilla, katambal si Vina Morales noong 1991.

SCHOOL FIRST. Sinabi ni Jasmine na isang malaking dahilan kung bakit siya pumayag na maging bahagi ng Kapatid network ay dahil pinahalagahan nito ang kanyang kahilingan na kung maaari ay hindi makasagabal sa kanyang pag-aaral ang trabaho bilang artista.

Noong una kasi ay marami ang nag-akala na sa ABS-CBN pipirma si Jasmine. Ito ay dahil lumalabas siya sa noontime variety show na Showtime kasama ang kanyang ate na si Anne Curtis.

"TV5 offered me the best deal anyone my age could ask for. Kasi 'yon nga, nag-aaral pa ko and, of course, education is one of the best things you'll have in your teenage life because it's something that you'll really need in the future.

"And TV5 said that they are willing to work around my studies and also at the same time give me the opportunity to experience showbiz and acting, hosting, dancing, everything that I enjoy.

"So, it was such a great offer that I just really couldn't let it pass. Like, before, I said I didn't want to join showbiz since I want to finish high school kasi it might interfere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, now, rest assured it's really not gonna interfere with my school at all because they really promised to only get me when I'm free from school talaga," paliwanag ni Jasmine.

ENJOYING THE LIMELIGHT. Aminado si Jasmine na noong nakaraang taon lang niya naisipan na seryosohin ang posibilidad na sundan ang yapak ng kanyang ate at tuluyang pumasok sa showbiz.

"Simula po nung last year, na-enjoy ko po talaga 'yong pag-a-acting. Kasi po sa school po namin, compulsory ang mag-take ng drama class for two to three years.

"So, nung una, hindi ko talaga nae-enjoy. Feeling ko nape-pressure ako because compulsory 'yong subject," kuwento ni Jasmine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"But last year," patuloy niya, "we have a performance sa school and sobrang na-enjoy ko 'yong paglabas. Tapos may audience na nanonood and kailangan i-execute ang isang role. Tapos, pagkatapos nun, papalakpakan ka.

"So, parang ang gandang feeling na na-appreciate nila 'yong pinaghirapan mo."

Tiyempo naman daw dahil during the time na nahihilig na siya sa pag-arte ay nalaman niya through her mother at current manager na si Betchay Vidanes na interesado ang TV5 na kunin siya para maging isa sa talents nito.

Nagpapasalamat naman si Jasmine dahil merong acting coach na present palagi sa set para gabayan siya pagdating sa mga atake na dapat niyang gawin sa ilang eksena.

Nakatulong din nang malaki ang acting workshops na kanyang sinalihan para lubos niyang matutunan ang kailangang proseso para mapadali ang pag-arte sa harap ng kamera.

SUPPORTIVE ATE. Hindi naman naniniwala si Jasmine na ang pagpasok niya sa showbiz ay maaaring magdulot ng sibling rivalry sa pagitan nila ni Anne Curtis.

Naiintindihan ni Jasmine na madalas na siyang ikukumpara simula ngayon sa kanyang ate dahil pareho na silang nasa entertainment business.

"I think hindi ko naman po talaga 'yon maiiwasan kasi given naman po na pareho kaming in the same industry. Kaya po for me, parang normal na po 'yon, kasi kahit naman po siguro hindi kayo artista, pinagkukumpara pa rin po ang mag-siblings," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very supportive daw si Anne sa kanyang desisyon na mag-artista na rin.

"Never niya ako pinilit. Sabi niya, 'Kung di mo kaya, 'wag mo na lang gawin or kung napapagod ka, or kung kailangan mo ng tulong, ask mo lang ako,'" dagdag ni Jasmine.

"Kasi, 'yon nga, napagdaanan na rin niya and mas alam niya 'yong industry kesa sa akin. Kaya very little influence 'yong pag-join ko sa showbiz from her.

"But 'yong pag-grow ko sa showbiz, malaki talaga 'yong influence niya kasi along the way, tinutulungan niya talaga ako."

Ano naman ang naging payo ni Anne sa kanya pagdating sa trabaho at sa pag-manage na rin sa mga intriga na karaniwang pinagdadaanan ng kahit sinong artista?

"Sabi niya po sa akin, 'Good luck na lang sa puyatan.' Kasi, sobrang hilig ko pong matulog," nangingiting sagot ni Jasmine.

"Pero sabi niya rin po na kung gagawin ko 'to, dapat buong puso, walang hesitation. And if ever siguro may gagawin akong role na hindi dapat gawin ng normal na tao, gawin mo na lang, plunge yourself into it kasi that's what I want myself, and it's good to stick to your words."

Pagdating naman sa mga intriga ay ito ang sinabi ni Jasmine: "Natatakot din po ako kasi hindi ko pa alam kung paano i-handle ang mga controversies.

"Pero siguro if ever the time comes, at least meron naman pong magku-comfort sa akin 'tsaka magbibigay ng support, tulad ni Ate dahil napagdaanan niya na rin.

"So kahit na scary siya, somehow, may comfort pa rin, magiging masaya ka pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN