Piolo Pascual and Derek Ramsay are not leaving the Kapamilya network

IMAGE 0


Piolo Pascual (left) and Derek Ramsay have denied reports that they are moving to another network. In a separate statement, the two hunky actors say they are very happy with ABS-CBN.


Marami ang naalarma sa magkasunod na balitang lilipat na raw ng ibang network ang dalawa sa pinakasikat na male stars ng ABS-CBN na sina Piolo Pascual at Derek Ramsay.

Sa kaso ni Piolo, may lumabas na report noong December 2010 na "isang bilyong piso" raw ang offer ng TV5 sa matinee idol. Isang offer na mahirap daw tanggihan kaya "done deal" na raw ang paglipat ni Piolo kapag natapos na raw ang kontrata nito sa ABS-CBN.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Piolo mismo sa isang presscon noong December 8. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa aktor, "I'm very much a Kapamilya. I've been a Kapamilya all my life so it's unfair to talk about it."

Ngayong buwan ay muling lumitaw ang balitang paglipat ni Piolo kaya minarapat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang humahawak ng career ng aktor—ang talent arm ng ABS-CBN na Star Magic.

Sa isang text message na ipinadala sa PEP ng publicist ng Star Magic na si Thess Gubi kahapon, January 27, sinabi nitong: "Re Piolo, it's not true. He's very much a Kapamilya."

Sa kasalukuyan ay regular na napapanood si Piolo sa primetime series na Noah at sa Sunday musical-variety show na ASAP Rocks. Nakatakda ring gumawa ng pelikula sa Star Cinema, kapareha si Kim Chiu.

DEREK RAMSAY. Ngayong linggo naman pumutok ang balitang lilipat na raw ng TV5 ang hunky actor na si Derek Ramsay.

Kasabay nito ang usap-usapan na si Derek daw ang napipisil ng GMA-7 na gawing leading man ni Marian Rivera sa upcoming epicserye nitong Amaya.

Pero sa text message mismo ni Derek sa isang blogsite ay pinabulaanan niya ang balibalitang iiwan na niya ang ABS-CBN.

Ayon kay Derek, "There is no truth to that, I am under contract with ABS-CBN and I am very happy. And I am the type of person who fulfills his obligations before anything else."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, kinunan din ng PEP ng pahayag ang manager ni Derek na si Joji Dingcong. Pinabulaanan din ng talent manager ang kumakalat na balita tungkol sa kanyang alaga.

"Not true. Derek is co-hosting The Biggest Loser with Sharon C [Cuneta] in Ch 2. He is also set to star in a soap with Kris A [Aquino], Anne Curtis, and Diether [Ocampo]," saad ni Joji sa text message na ipinadala niya sa PEP kagabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN