Alwyn Uytingco laughs off talks that ABS-CBN didn't push for him because of his gay roles and feminine features

IMAGE 0


"Kung tumatak po sa kanila na bakla ako at naniwala silang bakla ako, tatanggapin ko na lang po yun as a compliment na naging totoo ako sa kanila, at naparamdaman ko sa kanila na bakla ako. Pero kung iisipin nila na totoo akong bakla, opinion na po nila yun," says Alwyn Uytingco.


May follow-up project na ang young actor na si Alwyn Uytingco sa TV5.

Ngayong magtatapos na sa ere ang weekly afternoon series na BFGF, sasaluhin naman siya ng bagong show na pagbibidahan nina Ms. Susan Roces, Alice Dixson, at Alex Gonzaga—ang Babaeng Hampaslupa.

Gagampanan ni Alwyn dito ang role bilang kababata at best friend ni Alex hanggang sa magkaroon siya ng pagtingin dito.

Ang sunud-sunod na projects ni Alwyn ay isang maliwanag na indikasyon na aalagaan siya ng TV5.

Pero bago ang paglabas niya sa Kapatid network ay nagsimula at nagtagal bilang talent ng ABS-CBN si Alwyn. Naging masaya ba si Alwyn sa status niya sa Kapamilya noong nandoon pa siya?

"Masaya naman po ako," mabilis na tugon niya. "Pero hindi naman natin maitatanggi na may mga ups and downs. Sabi nga nila, 'weather-weather.'

"Ako naman, hindi ko naman sila masisi. Paano kung hindi naman ako suitable sa character o sa show? Hindi naman nila ako ipipilit talaga."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa unang presscon ng Babaeng Hampaslupa noong January 24 sa Cravings restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Hindi ba siya nagtaka kung bakit hindi siya binigyan ng chance na i-buildup ng Kapamilya network?

"Hindi ko naman po sila sinisisi. Okey naman po sa akin. Kasi ako, naniniwala naman ako na may kanya-kanya tayong panahon," sabi ni Alwyn.

GAY ROLES. Gumanap na bading si Alwyn sa movie franchise na Ang Tanging Ina Mo at may mga ilang nilabasan din siyang shows sa ABS-CBN, gaya ng Maalaala Mo Kaya, na gay rin ang character niya.

Bukod sa gay roles, isa sa sinasabing dahilan kung bakit hindi siya na-push ng Kapamilya network ay dahil hindi siya mukhang lalake.

Anong masasabi niya rito?

Natawa muna si Alwyn bago sumagot.

Aniya, "Lahat kasi ng mga actor, lalo na dito sa Pilipinas, ay dumadaan sa gano'ng proseso. Ang aim ko talaga ay versatility, na gusto ko talaga na kahit anong character, magagampanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siguro kung tumatak po sa kanila na bakla ako at naniwala silang bakla ako, tatanggapin ko na lang po yun as a compliment na naging totoo ako sa kanila, at naparamdaman ko sa kanila na bakla ako.

"Pero kung iisipin nila na totoo akong bakla, opinion na po nila yun."

Marami na raw ginawang roles si Alwyn na hindi siya gay at naniniwala siyang hindi nalimitahan ang pagiging aktor niya mula nang gumanap siyang bading.

"Sa BFGF, hindi naman po ako bakla," sabi niya. "Actually, ang peg nga ng character ko sa BFGF, parang John Lloyd Cruz.

"Hindi ko masasabing nalimitahan. Alam ko naman po sa sarili ko na hindi ko hahayaang mangyari yun.

Tatanggap pa ba siya ng gay character?

"Ngayon po kasi talaga, ang sabi ko huwag na, e. Tapos na ako doon.

"Tutal napatunayan ko naman sa Tanging Ina na ganyan, at sa TV ginawa ko na rin. Siguro babawasan ko na.

"Pero kunwari may isang project na kailangan ako, okey lang din sa akin. Pero as much as possible, huwag muna," saad niya.

KEAN'S LOOK-ALIKE. Ngayong malapit nang maghiwalay ang landas nila ng lead vocalist ng Callalily na si Kean Cipriano kapag nagwakas na ang BFGF, magkakaroon na siguro ng sarili niyang identity si Alwyn.

Aminado si Alwyn na magkamukha talaga sila ng singer turned TV actor.

"Oo nga, e, para talaga kaming magkapatid. Minsan nga pinagtitripan na nga lang namin ni Kean, na sinasabi ko na magkapatid kami, gano'n.

"Ako, okey lang sa akin kasi lalo na nag-e-excel din naman yung tao sa kanyang chosen career. Masaya ako at proud din naman ako sa kanya," sabi ni Alwyn.

May mga pagkakataon bang napagkamalan siyang si Kean?

"Madaming beses, maraming beses. Hindi lang sampung beses! Maraming-maraming beses!

"Lalo na kapag hindi ako nagsusuklay. Actually, yun ang nag-push sa aking magsuklay para magkaroon naman kami ng difference!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon niya pag napagkakamalan siyang si Kean?

"Sinasabi ko na lang na kapatid ko po yun," tugon niya habang nangingiti.

Hindi ba siya nao-offend?

"Noong una. Noong mga umpisa," pag-amin ni Alwyn.

"Sabi ko, 'Sino ba 'yang Kean na 'yan?' Sabi nila, 'Hindi, di ba, ikaw yung nasa Callalily?'

"Sinasabi nila ako yun. So, sinasabi ko talaga na 'hindi po ako yun.'

"So, doon ako na-o-offend. Parang pinipilit ng ibang tao na ako yun, e, hindi naman ako yun."

Nasaktan ba siya dahil siya ang unang nag-artista, pero si Kean ang mas nakilala ng tao?

"Hindi ako na-offend sa point na yun. Pero lalo na kasi no'ng nakilala ko na siya, at nakatrabaho ko na siya, at nakilala ko kung ano siya at kung paano siya makisama, nawala, e.

"Yun nga, sinasabi ko na nga pinagti-tripan ko na lang. Kini-claim ko na lang na magkapatid kami. So, wala na sa akin yun."

Nagkaroon daw sila ng bonding ni Kean sa set ng BFGF dahil pareho silang mahilig sa music at nagkakasundo rin sila sa maraming bagay.

Bilang pagpapatunay ni Alwyn sa nabuong barkadahan nila ni Kean, naikuwento niya, noong nasa Cebu siya dalawang linggo na ang nakakaraan ay pinuntahan niya ang singer sa pinagtutugtugan nito.

ALWYN & ALEX. Bagamat ang team-up nina Kean Cipriano at Alex Gonzaga ang unang itinulak ng TV5, mukhang tiwala ang network sa magandang chemistry nina Alwyn at Alex, lalo't sila na ang magkapareha sa Babaeng Hampaslupa.

"Ang pagkakaalam ko po talaga, pati si Kean kasama dito, e," banggit ni Alwyn.

"Ang alam ko po gano'n. So, doon ako nalungkot sa part na yun. I was expecting na yung tandem naming tatlo [sa BFGF], maki-carry over sa ibang show, yung magtutuluy-tuloy.

"Eventually, siyempre may kanya-kanya tayong mga trabaho. Tulad niya, si Kean kasi hindi siya makakapag-compromise dahil sa mga gig niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang, pero nalungkot lang ako sa part na yun," sabi ni Alwyn.

Malabo na ngang makasama pa si Kean sa mga unang episodes ng serye dahil nakapag-taping na sina Alex at Alwyn.

Ang makaka-love triangle nina Alwyn at Alexay si Martin Escudero.

May mga nagsasabing mahihirapang lagyan ng romantic angle ang dalawa para may mapag-usapan sa kanilang serye dahil may kanya-kanya silang love life.

Ang girlfriend ni Alwyn ay ang Kapuso actress na si Jennica Garcia, samantalang si Alex ay may rumored non-showbiz boyfriend na nagngangalang Jeron.

Ano ang reaksiyon dito ni Alwyn?

"Siguro depende rin po yun sa actor. Kung maipapakita niya sa eksena na mahal niya yung tao, tulad ng sinasabi sa akin ni Direk Joyce [Bernal, second unit director ng Babaeng Hampaslupa] na kapag nandoon tayo sa trabaho at sa eksena, dapat mahalin mo talaga ang tao as your character.

"Sa tingin ko, kaya naman as long as you're professional. May challenge," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN