German Moreno clarifies rumors surrounding Nora Aunor's return to PHL

IMAGE 0


Veteran TV host German "Kuya Germs" Moreno addresses some issues concerning the reported return of Superstar Nora Aunor (inset, top) to the Philippines and the transfer of his former sidekick Shalala (inset, bottom) to TV5.


Mag-aanim na taon nang naninirahan sa U.S. si Nora Aunor. Pero ayon sa bali-balita ay ngayong "first quarter" ng 2011 ay magbabalik na sa Pilipinas ang Superstar.

Kaya naman nang mamataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang malapit na kaibigan ni Nora na si German "Kuya Germs" Moreno sa presscon ni Richard Gutierrez para sa My Valentine Girls, tinanong namin siya kung totoo ngang uuwi na ng bansa ang Superstar.

"Hindi ko alam. Ang sabi niya, first week ng February. Ang labo pa.

"As of now, hindi pa siya tumatawag ulit. Dapat nakaplano ang pagdating niya at may gagawin siyang trabaho dito," sabi ng veteran TV host.

Nilinaw rin ng Master Showman na mali yung kumakalat na balitang pinanghihingi niya ng pamasahe ang Superstar.

"Wala namang ganun. Para namang kinakawawa nila si Guy," sabi niya.

Ang idini-deal daw niya ay bigyan ng plane ticket at matitirhan si Nora pag kailangan ng serbisyo niya rito sa Pilipinas.

"Wala naman kasi siyang matutuluyan dito. Wala na lahat yung mga properties niya," paliwanag ni Kuya Germs.

Siya ba ang tumatayong manager ni Nora?

"No... Sa akin lang humihingi ng advice. Ako ang magga-guarantee. Kasi natatakot sila, yung mga network.

"Yun ang sinasabi ko kay Guy nang diretso—yung security ng pagtatrabaho niya, walang sabit. Ang sagot niya, 'Minsan sa kanila naman nanggagaling ang problema, e. Hindi sila sumusunod sa usapan.' Yun mga ganun."

Kumusta na ang boses ni Ate Guy?

"In singing... problema. Kung sa mga drama, puwede. Nagsasalita naman siya," ani Kuya Germs.

Nag-iba ba talaga ang boses ni Nora?

"Nung bagu-bago yung nangyari, gumagaralgal ang boses. Ang need para bumalik ay mag-therapy kung ano ang bawal, huwag muna gagawin. Like for example, sigarilyo, pag-inom.

"Dati naman daw siya nag-i-smoke, hindi naman daw nakaapekto sa boses niya. Naapektuhan daw nung operahan siya talaga," saad ni Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Kuya Germs ay ang cosmetic surgery na ginawa kay Nora ng isang clinic sa Japan noong isang taon. Ayon sa kampo ni Nora, ito raw ang dahilan kung bakit nasira ang boses ng aktres.

Tinanong din ng PEP si Kuya Germs tungkol sa isyu na nagulo na raw ang negotiation para sa pagtatrabaho ni Nora sa TV5.

"Ay, hindi ko alam," sabi ng TV host.

"Nagkausap naman kami ni Noel [Ferrer]. Wala naman siyang sinasabi na nagulo ang negotiation."

Honestly, confident ba si Kuya Germs na walang aberyang mangyayari kapag magtrabaho si Ate Guy?

"Oo naman," mabilis na sagot nito.

"Nangyari naman yan nun sa ABS. Sabi sa akin ni Charo [Santos-Concio], kailangan magpunta ako sa taping. Natuloy naman yung ABS niya nung araw.

"Minsan sinasabi ko Guy, 'Ako ang sasagot diyan, mamaya mapahamak ako.' Sumusunod naman siya sa akin," kuwento pa ni Kuya Germs.

Ang ginawang serye noon ni Nora sa ABS-CBN ay ang Bituin (2002-2003).

ON SHALALA. Inusisa rin ng PEP kay Kuya Germs ang paglipat ng sidekick niya sa TV at radyo na si Shalala sa TV5.

Ayon sa veteran TV host, hindi pormal na nagpaalam sa kanya si Shalala na iiwanan na siya nito.

"Kay Mike Enriquez siya nagpaalam dahil may contract siya kay Mike, pero sa akin hindi. Siguro tuma-timing siya para magpaalam, pero hindi niya magawa," sabi ni Kuya Germs.

Kahit casual daw ay hindi nagpaalam si Shalala na hindi na siya magraradyo.

"Pero nangyari na nga, ano pa ang magagawa?" aniya.

"Pero maganda ang nangyari sa kanya, happy ako dun. Pero tingnan niya ang puno't dulo kung saan ang pinanggalingan ng kanyang suwerte.

"Feeling ko, victim ako ng sistema na inuunti-unti na inalis si Shalala. Hindi ko akalain na pati radio ay maapektuhan, akala ko sa TV lang.

"Dumarating siya three times a week na lang, then ni ha ni ho, hindi ako nakakatanggap ng salita na hindi na siya darating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinagsabihan ko siya na kung nagagawa niya sa akin 'yan, malay mo, magawa rin niya [sa iba] someday. Ina-advice ko na to be professional, magsabi siya ng totoo."

Sa kabilang banda, ina-acknowledge naman ni Shalala na kung wala si Kuya Germs ay wala siya ngayon. Laging sinasabi ni Shalala na malaki ang utang na loob niya sa beteranong TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN