Yasmien Kurdi on seeing Baron Geisler at his January 19 arraignment: "Para akong nakakita ng demonyo."

IMAGE 0


Yasmien Kurdi says her school is supportive of her decision to file harassment charges against Baron Geisler (inset): "Yung mga prof [professors] ko po full-support po talaga sila sa akin so okay naman po sila. Sabi nila basta be strong ganun, tapos mas magandang ituloy para sa right mo bilang isang babae."


Relo ang iniregalo kay Yasmien Kurdi ng kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio when the actress celebrated her 22nd birthday last Tuesday, January 24.

"Tamang-tama po kasi meron po siyang 'second hand,' at kailangan ko po yun pag kumukuha ako ng pulse rate!" ang natatawang sinabi ni Yasmien sa taped interview sa kanya ng Startalk TX on Saturday, January 29.

Matatawag ding surprise gift ang pagpiprisinta ng kanyang abugado sa mga kaibigan nitong pintor upang ipinta si Yasmien. The painting session took place last Thursday.

"Gift po ito para sa birthday ko. Tsaka na-excite po ako kasi ang dami pong naikuwento ni Atty. Topacio tungkol sa... ang gagaling daw talaga ng mga kaibigan niyang mag-paint, sobra!

"Tapos, sabi ko, huwag lang nude, Diyos ko," ang tumatawang sinabi ni Yasmien.

Samantala, bilang mag-aaral na nahaharap sa problema (hinggil sa kaso ng acts of lasciviousness na isinampa ni Yasmien sa aktor na si Baron Geisler), buo ang suportang tinatanggap ni Yasmien mula sa pinapasukang paaralan.

"Yung mga prof [professors] ko po full-support po talaga sila sa akin so okay naman po sila. Sabi nila basta be strong ganun, tapos mas magandang ituloy para sa right mo bilang isang babae."

Nagkaharap si Yasmien at Baron nuong January 19 at the latter's arraignment sa Bocaue Municipal Trial Court.

Ano ang naramdaman ni Yasmien ng mga sandaling iyon?

"Naiinis lang ako na nagagalit. Nung nakita ko siya, parang, Diyos ko, para akong nakakita ng demonyo (bleep), alam mo yun? Para akong nakakita ng demonyo (bleep)!

"Yung mukha niya pa lang parang demonyo (bleep) na, alam mo yun?

"Tapos tiningnan niya ako, ngumisi pa siya , alam mo yun?

"Hindi man lang siya... hindi man lang siya nag-sorry or something, ngumisi pa siya. Paano kang hindi maiirita sa tao?"

Laking gulat ni Yasmien nang sinampahan siya ni Baron ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act sa Ombudsman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kampo ng aktor, wala raw katotohanan ang mga paratang ni Yasmien laban sa kanya.

"Actually, pati po sina [Chief Superintendent Yolanda] Tanigue, pati yun po, kinasuhan din po nila, na ginagawa lang nila yung trabaho nila," aniya.

Yolanda Tanigue is the first female Chief Superintendent of the Philippine National Police (PNP) and head of the Women and Children Concerns Division.

"So parang ewan ko kung ano yung kinorap ko sa kanya, tapos sa Ombudsman pa," pagpapatuloy ng aktres.

"Hindi ba dapat sa government officials?"

Ayon naman sa abugado ni Yasmien na si Atty. Topacio, "Alam ninyo, bulok na yung style nilang yan, e. Sapagkat ginawa din nila yan dun sa mga prosecutors ni Miss Patricia Martinez, ginawa rin po sa akin."

Ito naman ang paliwanag ng abugado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan ukol sa naturang kontra-demanda nila:

"Ang gumawa nitong kaso na ito, yung mga pulis, so they are public officials, di ba? Pulis ng Bulacan, tapos tinulungan sila ng Provincial Prosecutor ng Bulacan, so mga public officials ito.

"Para kampihan o bigyan ng hindi nararapat na benepisyo si Yasmien Kurdi tsaka yung kanyang abugado na si Atty. Topacio.

"E, beneficiary siya ng actuation ng government officials, e. Sila nagsimula, e. Nakipagsabwatan na lang sa kanila yung mga pulis, at binigyan rin ng unwarranted benefit sila ng Provincial Prosecutor," paliwanag ni Atty. Alentajan.

"Akalain mo? Wala namang acts of lasciviousness yan."

Hindi naman natuloy noong Lunes ang dapat sana'y pagpapa-rehab ni Baron. Sa halip, ipapa-check up daw muna ni Baron ang kanyang liver na maaaring naapektuhan ng pag-inom ng alak.

"Magpapa-check siya ng lahat—liver, blood pressure, heart, etc. kasi magku-kuwan na siya ng athletics ngayon," sabi ni Atty. Alentajan.

Ayon naman kay Atty. Topacio: "Dahilan na lang niya yan. As long as hindi niya inaamin na merong dapat gamutin sa kanya, hindi po magbabago yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatapos namang pahayag ni Yasmien: "Humusga na lang po kayo sa mga ginagalaw niya tsaka inaaksyon niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN