Alex Gonzaga says she does not mind being compared to sister Toni: "Hindi naman siya gagawa ngayon ng drama."

IMAGE 0


To prepare for the lead role in Babaeng Hampaslupa, a new drama series on TV5, Alex Gonzaga attended acting workshops with Gina Alajar at Malu De Guzman, and received coaching from directors Eric Quizon at Joyce Bernal on the set.


Marami ang nagtatanong kung paano nakayanan ni Alex Gonzaga na magdrama sa pinagbibidahan niyang teleserye na Babaeng Hampaslupa. Bungisngis kasi at kikay ang image ng Prinsesa ng TV5 Primetime.

Series of workshop daw ang ginawa niya with Gina Alajar at Malu De Guzman. Mino-motivate din siya nina Direk Eric Quizon at Bb. Joyce Bernal at may workshop din daw sila sa set.

"Mahirap talaga pati yung location," sabi ni Alex.

The young actress revealed they even went to a garbage dump where the stench was unbearable and where she accidentally stepped on poop.

"Tapos paiiyakin ka pa. May mga basura. Dun sa Smokey Mountain," kuwento niya.

"Tapos may uling... ang sakit pala sa ilong," aniya.

May pressure ba ang pagbibida niyang ito?


"Pinapawisan na nga ang kili-kili ko. Pero excited na lang ako sa reaksyon ng tao, sana magustuhan ako," tugon niya.

Ano ang reaksyon niya sa tsismis na hindi siya ang first choice sa Babaeng Hampaslupa at si Angel Locsin daw?

"Wow, ka-level ko si Angel," sabay tawa ni Alex.

"Hindi, okey lang yun. Kahit ano, basta ako yung mapapanood. Kahit pang-ilang option pa ako basta ako ang nakagawa at ako yung last," deklara niya.

Pero base sa pagkakaalam namin, si Alex talaga ang original choice.

Ang tsismis na si Valerie Concepcion ang magiging bida ay hindi rin totoo. Main kontrabida ang offer kay Val na tinanggihan ng kanyang kampo dahil may pangako ang ABS-CBN ng isang regular serye sa kanya.

Ang leading men ni Alex sa serye ay sina Alwyn Uytingco at Martin Escudero. Hindi ba siya naghangad na sana ay mas sikat ang kapartner niya para makatulong lalo sa pag-angat ng Babaeng Hampaslupa?

"Hindi naman. Okey naman sila. Si Alwyn nakasama ko sa BFGF, si Martin, first project niya ito sa TV5, di ba? So, happy tayo na sila ang nakasama ko kasi mababait naman sila," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung wala sila Alwyn at Martin, sino ang mga gusto niyang makapartner?

"Konti lang naman kami [sa TV5]. Sana si JC [De Vera], si Carlo [Aquino], I think TV5 na rin. Yung mga yun," sagot niya.

Binigyan ba siya ng pointers ng kapatid niyang si Toni Gonzaga sa pag-arte?

"Oo. Nag-research din ako sa YouTube sa mga artista, kung paano sila umiyak, kasi hirap akong umiyak.

"Tapos tinanong ko Ate ko, binigyan niya ako ng music sa iPad niya para ma-motivate ako na umiyak. Tapos sabi niya, manood ako ng mga nakakaiyak na eksena tapos tinuturuan pa niya ako ng technique," kuwento niya.

Anong mga technique?


"Pumikit daw muna ako," kwento niya.

Tingin ba niya ay mas magaling na siyang umarte kay Toni?

"Uy, hindi naman. Siguro mas bata lang ako sa kanya. Uy, mas bata ako sa kanya!" pabiro niyang sagot.

Okey lang ba na i-compare siya kay Toni?

"Dati na akong kinu-compare sa kanya. Okey lang na ikumpara ako sa kanya dahil hindi naman siya gagawa ngayon ng drama," saad pa ni Alex.

Kumusta na sila ni Kean Cipriano?

"Wala," mabilis niyang sagot.

Nami-miss ba niya?

"Hindi. Wala kaming away. Alam ko may dine-date siya. Wala talaga," pagdi-deny niya.

Hindi siya nanligaw?

"Hindi. Ayaw ni Mommy Pinty ng ganyan. Ayaw ni Mommy Pinty na mag-boyfriend ako. Naku kasi... naiyak na ako," sabay tawa niya.

Choice ba niya na ayaw pa niyang mag-boyfriend?

"Oo. Wala pa naman kasing nanliligaw rin, ano?" ang pabiro niyang sabi.

"Ang golden rule namin, pag ayaw ni Mommy Pinty, ayaw talaga. Kahit anong gawin naming pilit ng Ate ko, kung ayaw niya, dapat sundin yun," sambit pa niya.

Wala bang effort si Kean para magustuhan siya?

"Wala. Kumakanta lang siya sa banda. Yun ang effort niya," makahulugan pa niyang sagot.

Kung ano man ang nangyari sa kanila ni Kean ay hindi raw niya ito paghuhugutan sa Babaeng Hampaslupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, mababaw lang siya. Mababaw lang yon, para paghugutan ko. Hindi gaano," pabirong sagot ni Alex.

Kasama niya sa Babeng Hampaslupa na magsisimula sa February 7 sina Susan Roces, Alice Dixson, Jay Manalo, Bing Loyzaga, Freddie Webb, Christian Vasquez, Karel marquez, Celso Ad Castillo, Vandolph, Jenny Quizon, Susan Africa, Julio Diaz, Dolphy Jr., Anne Villegas at Sheila Marie Rodriguez.

Dahil sa pagte-taping ni Alex ng seryeng ito, pansamantala siyang mawawala sa Loko Moko U pero tuloy pa rin siya sa Juicy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN