Jason Francisco and Melai Cantiveros almost broke up countless times

IMAGE 0


"Aminin ko, minsan, natutukso ako sa ibang babae. Pero hindi po ako mahilig sa mga sobrang magaganda. Wala akong tiwala, sa totoo lang, kasi lalo pa sa showbiz. Hindi ko alam, baka char-char lang. Hindi totoo," says Jason Francsico.


Bidang-bida na ang tambalang Melason—Melai Cantiveros at Jason Francisco—dahil may sarili na silang serye sa ABS-CBN, ang upcoming afternoon series na Mana Po.

"Medyo pressure dahil first time naming magbida," sambit ni Jason nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Banana Split.

"Hindi ko alam kung maaga pa kaming nagbida, di ba? Pero nag-workshop naman kami dahil yung role namin, medyo iwas sa pagkatao namin, e.

"May comedy pa rin, pero mas angat dito yung serious ba, yung drama. May comedy, romance, at aksyon."

May kissing scene ba sila ni Melai dito?

"Niloloko kami ni Direk [Soxie Topacio]. Maghanda raw kami dahil may mga ganoon daw," nangingiting sabi niya.

Bukod sa Banana Split at Mana Po, may indie movie rin daw silang ginagawa ni Melai under kay Direk Soxie na pinamagatang Pureza.

Ano na ang naipundar niya sa dami ng projects niya?

"Meron po akong hinuhulugang lupa sa probinsiya, sa Mindoro," banggit ni Jason.

FIRST ANNIVERSARY. Isang taon na ang relasyon nila ni Melai sa February 8, Martes. Nagsimula ang kanilang relasyon nang magkasama sila bilang housemates sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Double Up.

Ano ang plano nila sa kanilang first anniversary?

"Wala pang plano," sagot ni Jason. "Natataon kasi na may trabaho. Lalo si Isay, halos walang pahinga kasi.

"Yung taping namin ng Mana Po, MWS [Monday-Wednesday-Saturday]. Itong Banana Split, Tuesday at Thursday. Tapos Sunday, shooting namin nung indie film. Tapos yung Friday niya, may Kapamilya Exchange, parang challenge.

"Ang nangyayari na lang, pag maagang natatapos ang meeting, kumakain na lang sa labas."

Sa isang taon nila ni Melai, ano ang pinakamabigat na pinag-awayan nila?

"Ang mabigat naming pinag-aawayan, nagsisimula sa maliit," sabi ni Jason.

"Halimbawa, yung sobrang lokohan. Kasi masyado siyang makulit. Pag seryoso ka na, lalo ka pa niyang kukulitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang, wala pa naman yung mga serious. Mga tampuhan lang."

GALIT-BATI, GALIT-BATI. Totoo bang muntik na silang maghiwalay?

"Maraming beses na. Kasi dito sa showbiz, mahirap, parang marami kang naririnig," pag-amin niya.

Sino sa kanilang dalawa ang nakikipaghiwalay?

"Minsan ako, minsan siya," sagot ni Jason.

"Kasi minsan, parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin na lang dahil paulit-ulit. Minsan daw ay may nagsasabi na may babae raw ako. Ngayon, may lumalabas na naman na may babae raw akong pinopormahan. Kesyo may nag-tweet daw na may evidence daw siya na ka-text ko siya.

"Kadalasan ganyan, e. Gusto makipaghiwalay ni Melai dahil sa selosan. Nawawalan na siya ng tiwala."

Ano ang isinasagot niya kay Melai?

"Ang sabi ko, 'Di maniwala ka kung maniniwala ka. Nasa sa iyo 'yan.'

"Minsan isang araw lang naman yun. Kinabukasan, okey na naman. Hindi naman nagtatagal sa amin yung mga ganyan, e."

Pero faithful ba talaga si Jason kay Melai?

"A...opo," sagot niya.

Ba't parang galing sa ilong ang sagot niya?

"Minsan, alam mo, matukso ka naman talaga," pag-amin ni Jason.

"Aminin ko minsan, may mga nakaka-text ako minsan na gustong makipagkaibigan. Pero sa huli ay mare-realize ko na ano...na parang hindi naman maganda.

"Gusto ko makipagkaibigan. Pero kung babae kasi, iba na ang nangyayari," paliwanag niya.

Sinasabi ba niya ito kay Melai?

"Hindi, kasi pag sinasabi mo, nag-iiba na yung usapan. Minsan sabi ko sa kanya pag natukso ako, sasabihin ko sa kanya, tapos nagalit!" nangingisi niyang sabi.

Hindi ba siya lumabas na ibang babae kasama niya?

Natawa muna si Jason bago sumagot. Aniya, "Iniisip ko talaga. Meron, pero mga lalaki kami. Yung mga tropa ko sa PBB, sina Tibo, Pareng Paul Jake.

"Aminin ko, minsan, natutukso ako sa ibang babae. Pero hindi po ako mahilig sa mga sobrang magaganda. Wala akong tiwala, sa totoo lang, kasi lalo pa sa showbiz. Hindi ko alam, baka char-char lang. Hindi totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas magaling na lang sa taong kakilala ko. Hindi naman super-maganda, pero mabait naman at kilala ko nang lubusan," sabi niya.

IS MELAI THE ONE? Sa tingin niya ba ay sila na ni Melai ang magkakatuluyan?

"Naiisip ko 'yan, pero sa ngayon, nangingibabaw pa rin talaga ang pamilya ko, e. Sa totoo lang, gusto ko talaga na may kasama, inspirasyon, pero nangingibabaw pa yung responsibilidad ko sa pamilya ko dahil panganay ako.

"Hindi ko muna iniisip yung mag-asawa. Basta pag magkasama kami ni Melai, happy kami. Go with the flow at maayos yung relasyon namin."

Pero si Melai na ba ang gusto niyang pakasalan someday?

"Opo. Siya kasi yung babae na puwede mo ibahay," sagot ni Jason.

Ano ang reaksiyon niya sa interview noon ni Melai sa Bottomline With Boy Abunda kunsaan inamin niyang hindi na siya virgin?

"Alam ko naman. Sa bahay [PBB house] pa lang, ikinukuwento niya," mabilis niyang sagot.

Hindi importante sa kanya kung virgin o hindi ang isang babae?

"Opo. Kasi iba na ngayon. Si Melai kasi, alam ko kung ano nangyari. Love niya kasi yun. Three years po sila noon. Hindi naman niya ibinigay yun na parang nakipag-inuman lang.

"Hindi pa kami noon, ikinukuwento na niya sa loob ng bahay. Sobrang open kasi siya sa bahay. Sa lahat ng housemates namin, ikinuwento niya. Mas marami nga lang siyang kuwento sa akin na personal.

"Siya kasi yung taong pag galit, galit. Pag masaya, masaya. Pag totoo, totoo. Hindi siya marunong mahiya, e."

Sa loob ng one year, date-date lang ba ang nangyayari sa kanila?

"Opo. Kasi natatakot siya na baka mabuntis siya, lalo pa ngayon na marami pa trabaho. May nanghula kasi sa kanya na mabubuntis siya kaya lalo siyang natakot.

"Pero secret na lang namin kung meron, kasi special naman yung ginagawa namin. Hindi naman basta-basta na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko magka-baby pag nakapagpatayo na ako ng bahay sa Mindoro at may konti nang naipon. Yun, puwede ko na siguro siyang madisgrasya.

"Okey lang na pa-easy-easy kami ngayon dahil napakahirap ng buhay," saad ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN