KC Concepcion surprised by Piolo Pascual's revelation about their relationship

IMAGE 0


"Nasanay na nga ako na hindi siya nagsasalita, right? And I really appreciate his statement and his words. Kasi, it's too easy to just say something. At yung sinabi din naman niya na ida-divert niya yung attention or conversation. Kanina, wala, wala akong ine-expect at all. So, thank you, PJ," says KC Concepcion about Piolo Pascual's revelation about their relationship.


Pagkatapos ng live interview ni Piolo Pascual sa The Buzz kahapon, January 30—kunsaan inamin niyang sila na ni KC Concepcion—ay inusisa naman ng kanyang co-hosts na sina Charlene Gonzalez-Muhlach, Toni Gonzaga, at Boy Abunda si KC.

"My Princess" na nga ang tawag ni Charlene kay KC dahil ito raw ang term of endearment ni Piolo sa anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kaugnay rin ng pahayag ni Piolo na noong October 21, 2010 sila opisyal na naging magkasintahan ni KC, nabanggit ni Toni na noong September 21, 2010 raw "nag-propose" si Piolo kay KC.

Pagkatapos daw ng proposal ni Piolo kay KC ay pumunta muna sa Europe ang TV host-actress para makapag-isip. Exactly one month after ay sinagot na raw ni KC si Piolo.

"Nagulat ako na sinabi pa niya ang date. Natatandaan pa niya!" natatawang sabi ni KC tungkol sa pagbanggit ni Piolo ng petsa kung kailan naging sila.

Alam ba ni KC na magsasalita na si Piolo tungkol sa kanilang relasyon?

"Hindi," sagot niya sabay iling.

Hindi nila pinag-usapan ni Piolo ang ginawa nitong pag-amin?

"No, no... not at all," sabi ni KC.

"Nasanay na nga ako na hindi siya nagsasalita, right? And I really appreciate his statement and his words.

"Kasi, it's too easy to just say something. At yung sinabi din naman niya na ida-divert niya yung attention or conversation.

"Kanina, wala, wala akong ine-expect at all. So, thank you, PJ."

THE GOOD GUY. Ayon kay Boy, sa tagal daw ng panahon, ngayon lang umamin si Piolo na he's in a relationship. Same goes with KC na ngayon lang din daw umamin publicly kaya masaya raw sila para sa dalawa.

Sabi naman ni KC, "I'd like to thank everybody sa mga nagmamahal sa amin ni PJ. Sa lahat ng supporters. He's really a good guy...a really, really good guy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod na ang tanong kay KC kung ano ang nangyari pagkatapos ng live interview ni Piolo.

Tumuloy kasi si Piolo sa dressing room ni KC at nag-usap sila.

Ano ang napag-usapan nila? At ano naman ang term of endearment ni KC kay Piolo?

"Hindi n'yo naman sinasabing may interview portion po pala ito. Puwedeng namnamin ko po muna?" nakangiting sabi naman ni KC.

Pero kuwento ni Toni, nang matapos daw ang interview ni Charlene, alam daw nilang lalapitan ni Piolo si KC kaya binigyan nila ito ng space.

Niyakap daw ni Piolo si KC nang mahigpit at pagkatapos ay lumuhod sa dalaga.

Toni asked KC kung ano ang sinabi ni Piolo sa kanya.

"Wala...wala siyang masabi. Wala rin akong masabi.

"Of course, of course... Naku, kung alam n'yo lang, ang dami naming pinagdaanan for the past..."

Months?

"Yes," pag-amin ni KC.

Years? tanong naman ni Boy.

Tumango lang si KC.

Bakit siya teary-eyed?

"Hindi, inantok lang ako!" biro naman ni KC.

Pero hindi na nga nito napigilan na may luhang lumabas.

Sabi naman ni Toni, it's because it's all worth it ang lahat ng pinagdaanan nila.

Is she overwhelmed?

"Yeah, kasi ang dami naming pinagdaanan. And it's really a surprise that he's been very honest about things. "

May proposal na bang nangyari sa kanila? May singsing na ba?

"Kakapangyari pa lang...huwag muna nating pag-usapan," sabi ni KC.

Dagdag niya, "He's sincere. Alam mo yun, mararamdaman mo naman kung sincere yung tao. Kung totoo yung sinasabi niya.

"And I've always said this before, when PJ talks, when people decides something, napag-isipan na niya yun.

"Ang daming pinagdaanan ng utak niya, ng puso niya, ng katawan niya. Alam mo yun?

"Kaya ang dami niyang pinagdadaanan, it reached a certain point sa dami ng pinagdaanan niya.

"So, thank you, PJ, for being honest today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lahat ng nagmamahal sa amin, thank you po talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN