Karel Marquez on her role in dramaserye Babaeng Hampaslupa: "Bagay naman yata sa akin ang kontrabida."

."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg">

."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg">

IMAGE 0


Karel Marquez has been away from showbiz for four years raising two kids, Keiley Audrianna who's almost two, and Kyler Arman who's nine months old. Karel is back to play the role of Stephanie, the villainess in the TV5 soap, Babaeng Hampaslupa. "I am happy with the role... Excited ako to work again," she says.


Bagamat nagge-guest na siya sa iba't ibang shows sa TV5, itinuturing ni Karel Marquez na big comeback niya sa acting ang role niya sa kauna-unahang dramaserye ng Kapatid Network, ang Babaeng Hampaslupa, na mapapanood na simula February 7 pagkatapos ng Willing Willie.

Matapos kasi ang halos apat na taong pamamahinga sa showbiz upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya, ngayon lang ulit nagkaroon ng regular soap si Karel kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa TV5 sa pagbibigay ng trabaho sa kanya.

May dalawang anak na si Karel sa kanyang Filipino-Chinese husband na si Arman Go. Boy and girl ang babies ni Karel—sina Keiley Audrianna (girl, 1 year and 10 months) at Kyler Arman (boy, nine months).

PLAYING KONTRABIDA. Ginagampanan ni Karel sa Babaeng Hampaslupa ang role ni Stephanie, ang main kontrabida ng bidang si Alex Gonzaga.

"I am happy with the role. Bagay naman yata sa akin ang kontrabida. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro sa features ng mukha ko. Kakayanin ko naman ang role. Excited ako to work again," sabi ni Karel.

Na-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Babaeng Hampaslupa na ginanap noong January 27 sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nasa puso raw talaga ni Karel ang pag-arte kaya naman pinili niya pa ring balikan ito.

"Kahit na may pamilya na ako at priority ko sila, talagang babalikan ko rin ang showbiz. Gusto ko talagang umarte at kumanta e. Bakit ko naman ii-stop yung gusto kong gawin sa buhay kung kaya ko pa naman?"

Wala pang masyadong maikuwento si Karel about her role dahil ngayong araw, January 28, pa lang daw siya magsisimulang mag-taping para sa dramaserye. Pero base raw sa storycon nila, pahihirapan niya raw talaga si Alex sa soap.

"Merong pisikalan talaga, sampalan, sabunutan. Sobra akong naiinggit kay Alex dito kasi, kahit mahirap lang siya ay naging successful siya. Mayaman na ako rito e, kaya naiinggit ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos si Martin Escudero, magkakagusto ako sa kanya pero kay Alex siya may gusto. Kaya super galit talaga ako kay Alex at gagawin kong miserable ang buhay niya," sabi ni Karel.

WORKING FOR TV5. Bakit sa TV5 niya napiling i-revive ang acting career niya kahit na nanggaling na siya sa ABS-CBN at GMA-7?

"Basically, I just want to try it out. Kasi bago lang din sila at ngayon lang sila gumawa ng malaking soap. Sabi ko, why not? Parang I don't care naman kung nasaan ako basta kung saan ako mabibigyan ng trabaho, doon ako. Ang TV5 kasi open arams talaga sa akin."

Paano siya nakuha ng TV5?

"Kasi meron akong mga bookers. Tapos yun nag-connect-connect na. E ang comment naman nila maganda pa rin daw ako at parang di nagbago. So, yun, doon nag-start. Kaya nung nalaman nila na gusto kong bumalik, kinuha naman nila ako. So, I'm thankful for this opportunity. It's a good comeback."

Sa ngayon daw ay walang manager si Karel at freelancer siya. Per project pa lang ang pinipirmahan niyang kontrata sa TV5.

"Masaya naman ako dahil kahit wala akong manager e, kinukuha ako."

Aside from appearing in the dramaserye, mapapanood din si Karel sa Pidol's Wonderland sa episode entitled "Dyesabilbil" tungkol sa sirenang mataba na nagiging sexy at maganda.

"I'll be playing the super kontrabida ni Jasmine Curtis. For me, maganda ang ginawa ko doon kasi kahit kontrabida, fantasy naman ang dating. Sirena rin ako dito. Tapos aakitin ko yung mga taga-lupa para maging alipin namin."

SUPPORTIVE HUSBAND. Supportive naman daw ang husband niya sa kanyang career.

"Yes, very supportive naman siya. Nung sinabi ko sa kanya na gusto kong bumalik, sinabi niya lang na, 'Yan naman ang gusto mo e, bakit naman kita pipigilan sa passion mo.'

"Kaya thankful naman ako sa asawa ko na naiintindihan niya ako. Siya pa nga yung nagsasabi na, 'Uy, hindi komo't may dalawang anak ka na ay hindi ka na magpapaganda. Dapat fresh ka pa rin para pag bumalik ka sa TV maganda ka pa rin," natatawang kuwento ni Karel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para raw ma-maintain niya ang magandang katawan niya kahit na nanganak na siya ay nagba-boxing si Karel three times a week.

May balak pa ba sila ni Arman na sundan ang babies nila?

"No more, kasi girl and boy na e. Kumbaga quota na, kumpleto na yung family namin. At saka si Arman, sabi niya tama na rin daw yung dalawa."

Kahit naman daw balik-showbiz na siya ay hindi naman niya pababayaan ang mga anak niya.

"Actually, bukod sa passion ko ang acting, I'm doing this for them. Kasi siyempre kailangan din naming paghandaan ang future nila. May trabaho naman ang asawa ko. Pero gusto ko rin tumulong sa kanya, at the same time ine-enjoy ko rin yung work."

Sa ngayon daw ay may tig-isang yaya siyang kinuha para mag-alaga sa kanyang mga anak habang nasa trabaho siya. Pero pag nasa bahay naman daw siya ay hands-on siya sa mga bata.

."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg">


."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24450/karel-marquez-on-her-role-in-dramaserye-babaeng-hampaslupa-bagay-naman-yata-sa-akin-ang-kontrabida" data-desc="Karel says her husband approves of her decision to go back to showbiz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5316f404b.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN