Louise delos Reyes' dad suffers a stroke on the set of Alakdana; he's recovering in a hospital

IMAGE 0


Louise delos Reyes says she saw her father faint. "Nandun siya sa may monitor malapit kay Direk Mac [Alejandre], tapos sabi niya naiinitan daw siya, na parang nahihilo, tapos nasusuka siya. Tapos tinapik niya yung mommy ko, tapos sabi niya nahihilo daw siya. Tapos nakita ko parang naghihiwalay na yung mga mata."


Bilang menor-de-edad, todo-bantay ang parents ni Louise delos Reyes lalo na sa set ng Alakdana na pinagbibidahan ng batang aktres.

Pero base sa report ng StarTalk TX nuong Sabado, January 29, na-stroke pala ang ama ng young star.

Ayon sa kuwento mismo ni Louise: "Nandun siya sa may monitor malapit kay Direk Mac [Alejandre], tapos sabi niya naiinitan daw siya, na parang nahihilo, tapos nasusuka siya.

"Tapos tinapik niya yung mommy ko, tapos sabi niya nahihilo daw siya. Tapos nakita ko parang naghihiwalay na yung mga mata niya tapos nasusuka na siya.

"Tapos nilalayo ako, medyo nilalayo ako para huwag akong mag-alala."

Hindi raw agad ipinaalam kay Louise ang nangyari pero pagkatapos ng taping ay sumugod agad siya sa ospital na pinagdalhan sa ama.

"Sabi ko, 'Daddy pagaling ka ha, kasi nami-miss na kita parang... kasi sila yung lagi kong kasama, so kapag ganito... kasi minsan nakakalimutan ko na hindi ko pala sila kasama, parang, 'Nasaan ba sila? Ay, oo nga pala, nasa hospital.'

"Kasi sa part ko parang... ang hirap, kasi sa magkakapatid parang ako na yung halos walang time magbantay, tapos siyempre gusto kong nakikita yung daddy ko, kung ano ba yung lagay niya," ang umiiyak na pahayag ni Louise.

"Sana magpagaling na siya. Kahit hindi niya ako... kasi natamaan din yung mata niya so parang medyo hindi siya nakakakita, malabo, pero sana naririnig niya ako, pagaling na siya, mahal na mahal ko siya.

"Sana, sana makalabas na siya sa hospital para makasama ko na siya ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN