Isabel Oli to play Richard Gutierrez's love interest in Captain Barbell

IMAGE 0


Isabel Oli describes her role in upcoming TV series Captain Barbell: "Si Richard [Gutierrez] yung magiging parang ka-loveteam [ko]. Abangan na lang nila yun kasi parang may konting twist sa character ko," she says in a taped interview aired on StarTalk TX.


Sa ikatlong pagkakataon, magsasamang muli sa isang proyekto sina Richard Gutierrez at Isabel Oli.

Ito ay sa nalalapit na pagbabalik sa telebisyon ng Captain Barbell.

"Si Richard yung magiging parang ka-loveteam [ko]. Abangan na lang nila yun kasi parang may konting twist sa character ko," unang pahayag ni Isabel sa taped interview sa kanya na ipinalabas kahapon sa StarTalk TX, January 29.

Bakas ang excitement kay Isabel dahil makakasama niya muli ang kanyang Sugo leading man na si Richard.

Isa pa sa nagpapasaya kay Isabel ay ang bumubuting kalagayan ng kanyang amang may sakit.

Kung matatandaan, taong 2009 nang ma-diagnose itong may sakit na cerebellar degeneration.

Ayon sa wiki.medpedia.com, "Cerebellar degeneration is a disease process in which neurons in the cerebellum—the area of the brain that controls muscle coordination and balance—deteriorate and die."

At sa ngayon, ayon kay Isabel...

"He's okay, he's here now. He's here with me.

"Nandito rin kasi ang mom ko. Siguro mga Chinese New Year aalis din sila. Sa Singapore naman sila, six months naman sila doon, so parang paganun-ganun sila."

Sa Singapore kasi naka-base ang mga magulang ng aktres kaya kapag may pagkakataon ay nagbabakasyon ang mga ito sa Pilipinas.

Dagdag pang sinabi ni Isabel tungkol sa kundisyon ng ama.

"He's okay, he's stable naman. Pero nandun pa rin ang sakit niya pero okay naman siya, he's doing okay."

Nang kumustahin naman ng Startalk TX ang love life ni Isabel ay ito ang sagot niya...

"Wala, ganito, okay lang ako, I'm happy. I'm happy, single ako. "I'm happy, I'm not dating anyone."

Ang balita kasi, si Isabel ang constant date ng dating mister ni Kris Aquino, ang basketbolistang si James Yap.

"Huwag na, huwag nating pag- usapan yun. Okay na yun, wala na. Okay na yun, okay lang, okay lang," pakiusap niya.

Naging matindi ang intriga linking Isabel and James, at nalampasan na raw ito ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, hindi naman totoo yun, so huwag na, quiet na lang," ang natatawang sinabi niya.

"Ayoko nang mag-comment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN