Kyla reacts to nasty tweeter: "God bless you. Siguro kailangan mo lang ng hugs and some love."

IMAGE 0


Kyla decided to block messages being sent by an abusive tweeter. "Hindi niya ako ma-sendan ng tweet, hindi niya ako ma-send-an ng messages so she tweeted Rich [Alvarez] and some of my friends... So I got a little pissed, a little bit, for like a minute, so I sent a message, a general message na parang naiinis ako," she narrates. "Actually mali iyon. I shouldn't have done that pero nainis lang talaga ako."


Kilalang tahimik at hindi palaaway ang R&B Princess na si Kyla. Pero hindi na napigilan nito ang mag-react sa isang basher na naninira sa kanya sa social networking and micro-blogging site na Twitter.

"More on personal e, below the belt . Naapektuhan ako for, like, a minute kasi nainis ako," pahayag ni Kyla sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX nuong Sabado, January 29.

Napaka-persistent daw kasi ng taong ito sa panlalait sa R&B Princess.

"No, hindi ko siya kilala tsaka hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Actually nag-sent siya ng a few messages to me. E hindi ko pa nga alam, si Rich [Alavrez] pa nga ang nagsabi. Tapos binlock ko na lang siya. Hindi ko na inano, hindi ako interesado, they don't matter to me."

Maging ang kanyang cager boyfriend na si Rich Alvarez ay pinapadalhan din ng basher na ito ng mga tweets.

"Hindi niya ako ma-sendan ng tweet, hindi niya ako ma-send-an ng messages so she tweeted Rich and some of my friends that I tweeted that day. So I got a little pissed, a little bit, for like a minute, so I sent a message, a general message na parang naiinis ako.

"Actually mali iyon. I shouldn't have done that pero nainis lang talaga ako."


At bilang pagtatangagol sa kanyang girlfriend, nag-post din si Rich ng message patungkol sa basher na ito.

"Nag-tweet siya at sabi niya, 'You just made yourself look really stupid!'

"Ganyan-ganyan, walang magawa sa buhay. Pero after that wala na. Siguro normal reaction ng isang boyfriend na nilalait yung girlfriend, pero after nu'n okay lang," says Kyla.

Ngayong February 11 ay magkakaroon ng repeat ang successful concert nina Kyla at Jay-R na Soulmates sa Establishment sa The Fort.

At para daw huwag na siyang maliitin ng kanyang basher, inimbitahan pa ni Kyla ito na manood ng kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman yung dahilan mo, kung bakit siya nagse-send ng message at naghe-hate, sige, I'm sending you hugs and love, a lot of love.

"God bless you. Siguro kailangan mo lang ng hugs and some love.

"Manood ka ng concert, bibigyan kita ng ticket."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN