Regine Velasquez (Part II): She wants to finish her much-delayed movie with Aga Muhlach

IMAGE 0


Regine Velasquez on making a movie with husband Ogie Alcasid: "Do you think it's a good idea for us to do a movie together?" She comes up with a better idea. "Ang gusto ko, sitcom. Kaming dalawa. Sitcom about newly weds na parang may pagka-reality show pero hindi. Ano pa rin, fiction pa rin pero parang kami talaga."


Ang madalas na pag-ulan ang dahilan kung bakit na-delay ang shooting ng indie film na Mrs. Recto.

Ito ang sabi ni Regine Velasquez sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nuong Huwebes, January 27, during the taping of her new show on GMA-7, ang I Heart You Pare.

"Medyo na-delay lang kami nang konti kasi nung time na ginagawa namin iyon, it kept raining. E bilang sa Recto kami nagsu-shoot, hindi namin puwedeng dayain.

"Okay lang yun kasi the character is... kumbaga medyo may pagka-timeless siya," paliwanag ni Regine sa indie movie niyang Mrs. Recto, na si Dante Garcia ang direktor. "Unlike yung sa amin ni Aga."

She was referring to her third movie with Aga Muhlach under Viva Films and directed by Joyce Bernal. The project has been plagued with delays due to conflicts in their schedules.

"Parang kailangan kasi di ba 'pag romantic comedy siyempre nagkakaroon na ng ibang style, may iba ng team-up so parang..." pagpapatuloy ni Regine.

At nagpakasal pa siya.

"Yeah, may ganun na so parang..."

Nawala na ang kilig?

"Hindi naman, I'm sure nandun pa rin yung kilig. Andun pa rin yung kilig kasi may magic naman kaming dalawa but sana lang matapos na," aniya.

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Aga pero wala raw silang gap. In fact, inimbitahan niya ang aktor sa kasal nila ni Ogie Alcasid.

"I invited him pero he said that he couldn't go. Nagpasabi siya kaya okay iyon. Tsaka kami ni Aga, even if I don't speak to him for a long time, we're okay. We got over [what happened] before na nabubuwisit ako sa kanya," ang tumatawang pahayag ni Regine.

"Tapos na ako sa ganun, natapos na kami dun sa phase na yun. Friends na kami, super-friends na kami."

Would she consider doing another movie with Robin Padilla?

"Hindi ko lang alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about a movie with Ogie?

"Do you think it's a good idea for us to do a movie together?" tanong ni Regine.

"Ako, ang gusto ko, sitcom. Kaming dalawa. Sitcom about newly weds na parang may pagka-reality show pero hindi. Ano pa rin, fiction pa rin pero parang kami talaga... Parang exciting, nakakatawa yun, e.

"Gusto ko ipakita yung totoong wedding talaga, mga ganun."

DREAMS. May mahihiling pa ba si Regine sa buhay niya bukod sa anak?

"Nung isang araw nag-usap kami ni Ogie. Sabi ko, 'Honey, meron ka pa bang dreams?'

"Tiningnan niya ako nang matagal, medyo mga five minutes. Oo, mga five minutes, pinag-isipan niya, 'Dreams e, dreams ito, okay?' Matalinghaga ang pagkakatanong ko.

"Ang sagot sa akin, 'Hon, gusto kong magka-abs!'

"So sabi ko, 'Huh? Okay!'

"Tapos sabi niya wala ka bang masasabi sa dream ko?' Sabi ko, 'Wala naman, dream mo yan, e.'

"Hindi ko na nai-share yung dream ko. Kasi magka-abs lang yung kanya, ano ang itatapat ko? Abs din?" ang muling natatawang kuwento ng Songbird.

Pero ano nga ba ang dreams pa ni Regine?

"I was going to say to him, since we're human, we always have dreams, right? But I think for the first time in my life, I don't have yung malaking project in mind, a big dream that I want to pursue — for the first time in my life.

"Coz I always have a dream... There was never a time na maiisip ko na wala akong dream. I always have a goal," aniya.

"Iyon—goal pala yung word na hinahanap ko. I always have a goal kasi that's how you make yourself better. For the first time, iyon nga, I don't have a goal.

"Iyon sana yung sasabihin ko sa kanya kasi di ba parang how poetic, no? After nung abs... nakalimutan ko. Hindi na lang ako nagsalita," at muling natawa ang Songbird.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER 25TH ANNIVERSARY CONCERT. Napag-alaman din ng PEP na hindi na matutuloy ang birthday/25th anniversary concert niya sa April.

"Unfortunately we couldn't get a venue. Wala e, masyado nang malapit [ang petsa]."

How about ang concert grounds ng Mall Of Asia?

"Sabi ni Cacai [Velasquez-Mitra, Regine's sister/manager] it's too big, masyadong malaki... siyempre ang dami mong iaarkila, ang dami mong aayusin so masyadong toxic for her. So anyway, ang next niya ay October, so sabi ng asawa ko, sige."

Paano kung buntis na siya?

"Ang sabi ni Cacai kung iyon lang naman ang gagawin ko at wala akong ibang gagawin, okay lang. So even if I get pregnant, it will be okay.

"We'll try to do it in October, if it's still okay for me to do a concert, even if, kunwari lang naman, sakaling mabuntis ako.

"Coz I'm assuming that I'm going to be, so hopefully... pero kung medyo mahihirapan ako, huwag na lang. Malalaman ko naman yun sa first trimester of the pregnancy," sagot ni Regine.

WORK ON VALENTINE'S DAY. Saan sila magse-celebrate ni Ogie ng Valentine's Day?

"Magtatrabaho ako; tama ba yun?" sagot ni Regine.

Malamang ay may taping siya ng I Heart You Pare sa February 14.

Ang bagong serye ay magsisimula nang ipalabas sa February 7 sa GMA-7.

Samantala, tinanong naman namin si Regine kung ano ang masasabi niya sa tila pangunguwestiyon ng iba sa pagkakapili kay Ogie na mamahala sa pag-aasikaso sa entertainment sa selebrasyon ng 25th anniversary ng People Power o EDSA Revolution ngayong Pebrero.

"Hindi ko alam, wala akong alam, no comment ako. And it's better for me not to say anything," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN