Marvin Agustin ventures into producing with Bruno Mars concert

IMAGE 0


Marvin Agustin has partnered with Kris Aquino and Boy Abunda for the upcoming concert of Bruno Mars. It will take place on April 7 at the Waterfront Hotel, Cebu City while the April 8concert will be at the Araneta Coliseum.


Ngayong January 30 ang birthday ni Marvin Agustin.

Ayon sa mahusay na actor, nang makausap siya ng ilang entertainment press sa thanksgiving presscon ng Beauty Queen sa 17th floor ng GMA Network Center last Friday, January 28, magse-celebrate siya with a family dinner sa kanyang bahay at hindi sa isa sa may 10 restaurants na pag-aari niya at ng mga kasosyo niya.

"Iyon lamang ang chance ko na makasama ang family ko at ang dalawang anak ko, sina Sebastian at Santiago," sabi ni Marvin.

"Naging busy kasi ako sa taping ng Beauty Queen at ako rin kasi ang nakikipag-coordinate sa mga taong kausap namin para sa two-night concert dito ni Bruno Mars sa April 7 and 8."

Ang R&B singer-songwriter ay ang featured vocalist sa kantang "Nothin' On You" by B.o.B. at "Billionaire" ni Travie McCoy. Peter Hernandez ang tunay na pangalan ni Bruno Mars. Ang nanay niya ay isang Filipina, samantalang ang tatay niya ay mula Puerto Rico.

Gaganapin ang April 7 concert sa Waterfront Hotel in Cebu City samantalang ang April 8 concert ay gagawin sa Araneta Coliseum.


May birthday wish ba si Marvin?

"Sana po maging successful ang first venture ko as a concert producer."


Parang wala siyang kapaguran sa pagnenegosyo. Bukod sa restaurant business, ngayon ay isang concert producer na siya, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda. At may mga TV at movie projects pa siya.


TWINS ARE IN GRADE 1. "Kailangan po, kasi papasok na sa big school ang kambal ko. Hindi biro iyon, dalawa iyong ipagbabayad ko ng tuition," nakangiting wika ni Marvin.

"But I'm very excited kahit alam kong mahal ang ibabayad ko. Sabi ko, iyon na ang regalo ko sa sarili ko, ang mabigyan ng good education ang mga anak ko at mapalaki sila nang tama.

"Kung excited sila nang samahan ko kumuha ng entrance examination sa International Catholic School sa Ayala Alabang, mas masaya ako. Parang kailan lang sila isinilang, lalaro-laro sa bahay ko, nag-nursery, prep, pero heto at papasok na sa Grade 1 ang mga anak ko," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


On January 31, simula na ng final week ng Beauty Queen at last taping day na rin nila ng soap na kasama sina Iza Calzado, Katrina Halili, TJ Trinidad, Luis Alandy.

UNFORGETTABLE. May mami-miss ba siya?


"Mami-miss ko po lahat ng mga kasama ko sa soap, kasi ang kukulit naming lahat sa set, bonding talaga kami. Kung minsan akala nga ng executive producer namin, hindi kami seryoso sa ginagawa namin.

"Mami-miss ko rin iyong pagdating ng 12:00 midnight, tapos na kami mag-taping kay Direk Joel Lamangan," sagot ni Marvin.


"Hindi ko malilimutan yung first time nakagalitan ako ni Direk Joel. Hindi ko kasi maibigay iyong intensity na gusto niya sa character ko na si Donald.

"Ito yung magwawala ako kasi pagkatapos kong ibigay lahat kay Maita [played by Iza Calzado], iiwanan pa rin niya ako," aniya.

"Humingi ako ng ilang minutes kay Direk para mag-internalize at nang ready na ako saka kami nag-take.

"Hindi ko na namalayan ang ginawa ko dahil nadala ako ng character ko na obsessed sa pagmamahal kay Maita. Ang EP na lamang namin ang nagsabi sa akin na first time daw ni Direk Joel pumalakpak after ng take," kwento ni Marvin.


After taping, iniimbita ba niya ang kanyang co-stars na kumain sa kanyang restaurant?

"Hindi na po, kasi at 12:00 midnight, sarado na ang restaurant. Kaya bago ako pumunta sa set kapag may taping kami, bumibili na lamang ako ng pagkain na malapit sa area ng location namin."


BONUS. May balitang babalik siya sa ABS-CBN, lalo pa nga at kumita Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Biro tuloy kay Marvin, nabigyan ba siya ng bonus ng Star Cinema?


"Yes, nabigyan po ako ng bonus, pero hindi po totoo na lilipat ako sa ABS-CBN. Pinayagan lamang ako ng GMA network na mag-appear sa movie ni Ate Ai-Ai [delas Alas]. May contract pa ako sa GMA at mananatili po akong Kapuso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May kasunod na project si Marvin after Beauty Queen pero hindi pa raw pwedeng sabihin.

Wish din niya this year na mas maraming movies siyang magawa. Na-invite nga raw sa Mons International Film Festival in France ang movie niyang The Red Shoes pero hindi pa niya alam kung ipadadala siya ng Unitel Pictures.


Kasama rin si Marvin sa family drama na Ikaw ang Pag-ibig na dinirek ni Marilou Diaz-Abaya. Distributed by Star Cinema, ang pelikulang ito ay ipapalabas sa mga sinehan simula February 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN