Piolo Pascual admits real score with KC Concepcion: "I just want it out and I just want them to know that she's taken."

IMAGE 0


"Bilang lalaki, it's also a responsibility. She's not left in the dark. Hindi siya nahihirapang sumagot. I guess we both deserve it. I guess kailangan din naming gawin 'to para rin matahimik na rin yung iba," says Piolo Pascual about admitting his relationship with KC Concepcion.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Piolo Pascual sa publiko ang tunay na estado ng relasyon nila ni KC Concepcion.

"Yes!"

Ito ang naging sagot ng matinee idol nang tanungin siya ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz kahapon, January 30, kung sila na nga ba ni KC.

Sa segment na "Straight From The Heart" ay inusisa ni Charlene ang kapwa niya Tomasian na si Piolo tungkol sa love life niya.

Tanong ni Charlene kung mahal ba talaga ni Piolo si KC. Naging mahaba ang pagpapaliwanag ng aktor dito dahil ito nga ang unang pagkakataon na umamin siya tungkol sa relasyon nila ni KC.

"Ilang years or ilang interviews na rin na, sabi nga nila, 'Palagi mong dina-divert or hindi mo sinasagot nang diretso.'

"I thought, you know, I can find a way out because I have always wanted to separate my professional life and my personal life.

"But I guess I come to a point na mas gusto kong magpakatotoo, regardless of what people might say, regardless of people's judgment or opinion. I guess, the person deserves it.

"I guess because I don't just owe it to myself, I owe it to the public... But most importantly, I owe it to the public," saad niya.

Dito na nga tinanong si Piolo kung sila na nga ba ni KC.

Nang sumagot ng "Yes" si Piolo ay halos di mapigil ang palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob ng studio.

"VERY LIBERATING." Ano ang pakiramdam ni Piolo ngayong umamin na siya tungkol sa kanila ni KC?

"It's very liberating," sagot niya.

"Siguro, what we have to deal with is the... Sorry, I just have to expound about it. The reason naman why I never admit it is because may pinoprotektahan ako."

Ang tinutukoy ni Piolo ay ang kanyang anak na si IƱigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "You know how it is to have a son na hindi mo makasama. Ayaw mong mapariwara ang bata. Hindi mo kasama...

"Bata yun, he's only 13 years old. But I think, I'm decided at this point, kung anuman ang magiging reaction ng anak ko, you just have to deal with it.

"At saka siguro, para matigil na rin ang mga nagpaparinig kay Kristina. Joke!" natatawang sabi niya.

Ani pa ni Piolo, "Marami kasi ang nagpaparinig na nagsasabing may gusto sa kanya. Pero I guess, they just have to know that we've been together since last year."

Kailan ang anniversary nila?

"October 21," pag-amin ni Piolo na tila kinikilig.

Paano niya napasagot si KC?

"It took me two years. We've been going out for two years and... 'Saka na ang detalye, pero siyempre, that's one of the best days of my life."

Kung after two years pa bago siya sinagot ni KC, ano ang naging feeling niya?

"Siyempre, na-relieve. And for the first time in so many years, more than eight years, I'm getting into a relationship of commitment and I want to keep it," saad ni Piolo.

THE ONE. Si KC na ba ang babaeng gusto niyang makasama for the rest of his life?

"Siguro hindi naman ako aamin ng ganito or hindi ako magti-take ng risk kung sa tingin ko hindi ko gusto siyang makasama habang buhay," sagot ni Piolo.

Ayon kay Charlene, bilang respeto raw sa kanilang dalawa, hindi raw niya tinatanong si KC tungkol sa bagay na yun. But she sees KC as someone who is mature and kind. Aniya, mahirap 'yon para sa isang babae.

Co-hosts sina Charlene at KC sa The Buzz.

Sinegundahan naman ni Piolo ang sinabi ni Charlene.

Ayon sa 33-year-old actor, "Mahirap talaga. And I found it too unfair kasi siya yung palaging nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I told her a couple of days ago, noong nag-usap kami, 'I guess it's time for me to speak out. Ikaw ang palaging nagsasalita and alam ko na nahihirapan ka rin.'

"And bilang lalaki, it's also a responsibility. She's not left in the dark. Hindi siya nahihirapang sumagot.

"I guess we both deserve it. I guess kailangan din naming gawin 'to para rin matahimik na rin yung iba."

Ano ang message niya kay KC?

"More than anything, I'm just really thankful that she's sticking it out with me. You know, her parents, her family, they are also nice to me. Her relatives.

"Sobra-sobrang patient niya sa akin. Sobra-sobrang understanding. Sobra-sobrang pagmamahal ang nararamdaman ko na masasabi kong ibang klase ang babaeng ito.

"And I don't want to watch any other interview na nagsasabing may gusto sa kanya or gusto siyang i-date. I just want it out and I just want them to know that she's taken," pahayag ni Piolo.

Ang tinutukoy marahil ni Piolo ay ang nabalitang panliligaw diumano ni apl.d.ap ng Black Eyed Peas ng paghanga kay KC. Bukod dito ay binigyan pa ni apl.d.ap ng Tiffany bracelet ang kasintahan ni Piolo. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang term of endearment nila?

"I call her My Princess," sagot ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN