Sharon Cuneta not worried about KC and Piolo: "They are both smart, alam nila ang hirap ng pagiging taga-showbiz na may relasyon."

IMAGE 0


As a mother, masaya na si Sharon Cuneta na inamin ni Piolo Pascual ang relasyon nila ni KC sa publiko. "Kasi normal yun. Matatakot ako pag ayaw niyang ipakita ang anak ko, secret or something. I trust them both. KC is an adult and has grown into a lovely human being so if I trust someone, it's my daughter," she says.


Sa nakaraang interview kay Sen. Kiko Pangilinan sa bagong branch ng Mesa Grill Restaurant this week, naging usap-usapan ang kapansin-pansin na pag-iwas daw nito magbigay ng komento kung boto ba siya o hindi kay Piolo Pascual bilang boyfriend ng stepdaughter niyang si KC Concepcion.

Masasabing anak na rin ang turing ni Sen. Kiko kay KC kung kaya't di maiiwasang mahingan ng reaksyon ang senador sa pag-amin ng dalawa sa kanilang tunay na relasyon sa ngayon.

Sa nakarang pictorial ni Sharon Cuneta sa studio ni Raymund Isaac para sa The Biggest Loser last March 16 ay agad naming tinanong ang Megastar kung ano ang masasabi niya na mukhang hindi raw boto ang asawa nito sa bagong boyfriend ng panganay na anak.

"Si Kiko ganito yan, kahit let's say gusto niya talaga yung boyfriend ng anak ko ke si Piolo 'yan o hindi, wala ng lalaking nabubuhay ang mas gagaling pa kahit na santo na sana maging asawa ng anak ko. Ganyan ang sasabihin niyan, kunwari ganyan-ganyan pero pag nandiyan naman si PJ, very like niya kasi before pag nakakasama namin siya minsan, enjoy naman siya," paliwanag ni Sharon.

Tulad ng amang si Gabby Concepcion, aminado si Sharon na hindi pa naipapakilala nang pormal ni KC si Piolo bilang boyfriend nito sa kanyang ina.

"Yung totoo, hindi ko pa sila talagang nakasamang magkasama mula nang maging sila, kasi ang dami nilang ginagawang dalawa, separately and together. Siguro they see each other, pareho silang busy, tapos ako rin so sobrang hirap magtugma ng mga sked namin.

"Hindi na namin inoobliga yung mga bata, I'm sure magkikita rin kami, makakakain kami nang sabay-sabay na walang tatayo, na hindi mali-late."

"Before naman na maging sila, pag pupunta siya sa bahay, very ano naman kami ni Kiko sa kanya. Ayoko nang pag-usapan ang iba pang okasyon kasi pribado, dapat pribado. Kung ako, ikukuwento ko, pero siyempre it's respect for them also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHE TRUSTS KC AND PIOLO. As a mother, masaya na si Sharon na inamin ni Piolo ang relasyon nila ni KC sa publiko.

"Kasi normal yun. Matatakot ako pag ayaw niyang ipakita ang anak ko, secret or something. I trust them both. KC is an adult and has grown into a lovely human being so if I trust someone, it's my daughter."

Tinanong din namin si Sharon kung pabor ba siya na showbiz ang naging boyfriend ng anak. Bilang ina, hindi ba siya nagwo-worry na pinupukol ng mga intriga sila KC at Piolo?

"Hindi ako nagkukulang ng paalala kay KC. Si Piolo, I'm sure nadaanan na niya yan e... Basta ang anak ko babae, yung mga maibabahagi ko sa kanya ay yung mga experiences ko.

"Alam mo, iba-iba ang tao. Puwede naman siyang mag-asawa ng doctor or attorney tapos napakalungkot naman ng buhay niya. Hindi dun nababase yun e. I think the two of them, they understand each other," aniya.

"They are both smart, alam nila ang hirap ng pagiging taga-showbiz na may relasyon. Pero I'm sure alam nila ang solusyon dun. Yun ngang two years na lumalabas sila, di ko alam yun.

"Ako hindi ako worried basta hindi sila worried. I keep telling KC to stay strong. Pag nagpa-apekto ka, tuloy-tuloy na yan. Ang nakakaalam at nakakakilala ay silang dalawa. Kahit kami di namin alam yun, you feel it in your heart.

"Protect what you have, don't allow anyone to destroy it. Kung mayroong sisira dapat galing sa inyo, hindi sa labas kasi dinaanan ko yun," ang sabi ni Sharon.

NEW FAMILY MEMBER. Napag-usapan din ang legal adoption ng batang si Miguel.

"Ongoing na siya... Alam naman ng [publiko] na hindi kami masamang tao at mahal na mahal namin yung bata. We're praying na sana mapadali, by the end of the year, para mayroon na siyang travel permit. He's 16 months old, magse-17 months na siya," kwento ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagawin din pala ni Mega ang The Sharon Cuneta Show Special na magsisimula this coming March 20.

"I'm happy about it kasi it's purely musical. Dapat abangan yung unang episode. Nandun sila Mike Hanopol, Mackoie, Jett Pangan, Angeline, Raimund Marasigan, at si Aiza Seguerra."

Then there's her new show, The Biggest Loser.

"I'm really excited kasi napanood ko yung pre-interviews nila — yung kapiraso. They presented it to me sa isang meeting namin tapos nakaka-touch yung istorya ng bawat isa. Mayroon silang kanya-kanyang rason [ng pagpapayat].

"Ang napanood ko, di pa yata sila informed na sila na yung napili. I'm excited kasi I'd like to meet all of them, gusto kong ma-encourage silang kahit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN