KC Concepcion on saying 'yes' to Piolo Pascual: "It was worth giving him a chance because mare-regret ako kung hindi ako nag-try."

IMAGE 0


"Naninibago ako kasi nakikita ko na siya palagi... At saka parang mas nararamdaman mo na nandiyan siya. Sana hindi lang hanggang this Sunday, sana next week, ganoon pa rin," says KC Concepcion about her relationship with Piolo Pascual now that they are open about it.


Isang linggo pagkatapos ng pag-amin ni Piolo Pascual tungkol sa tunay na relasyon nila ni KC Concepcion ay kinumusta ng co-hosts niya sa The Buzz si KC kahapon, February 6. (CLICK HERE to read related story.)

Pinasalamatan muna ni KC ang co-host niyang si Charlene Gonzalez-Muhlach sa naging pag-handle nito ng interview kay Piolo.

"I never really thanked Charlene properly. But I know that it would have been different kung si Tito Boy [Abunda] ang nagtanong or si [Toni Gonzaga] dahil for sure, mapi-pressure siya [Piolo]. Thank you for that interview," sabi niya.

Tungkol naman sa pag-amin ni Piolo, sinabi ni KC na, "It's ano, naninibago ako kasi nakikita ko na siya palagi."

Mas open na sila?

"Oo, at saka parang mas nararamdaman mo na nandiyan siya. Sana hindi lang hanggang this Sunday, sana next week, ganoon pa rin," nakangiting sabi ni KC.

Hirit naman ni Boy, kung sila raw siguro ni Toni ang gumawa ng interview, baka raw ang sumunod na nito ay "kasal na." May konek daw yun sa nangyari na pagkatapos umamin ni Piolo, tinawag na ni Toni si KC na "Mrs. Pascual." Dahil daw do'n, ang dami nang nag-akalang kasalan na ang kasunod.

Sabi naman ni KC, "Hindi naman... Now, naiintindihan ko ang sa 'yo [Toni] na kapag tinatanong kita, 'Kailan kayo ikakasal?' Ikaw, parang, 'Huwag muna, huwag muna.' Nagpa-panic ka. Mahal ka naman ni Paul [Soriano, Toni's boyfriend], mahal mo naman si Paul. Ngayon, naiintindihan ko."

Ayon naman kay Boy, hindi nakapagtataka na inaakala ng mga tao na kasal na ang kasunod sa dalawang taong nagmamahalan.

Dugtong naman ni Charlene, bagay naman daw kasi sina KC at Piolo, at saka tinanong ang co-host kung ano ba ang dahilan at sumagot na rin siya ng "yes" sa panliligaw ni Piolo after two years?

"Bilang pinag-igib ko muna siya ng tubig, pinagsibak ng kahoy!" natatawang biro ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dugtong niya, "He's a good guy. Hindi mo mapi-fake yun. It was worth giving him a chance because mare-regret ako kung hindi ako nag-try.

"And I think, it's same with him. It's something na kapag binitawan mo, iisipin mo, 'What if nai-try ko, 'no? What if hindi muna ako nakinig sa ibang tao?'

"Yun na nga po, sana po, ngayong ginawa niya yung ginawa niya last Sunday, sana po, alagaan niya po tayo. Masayang-masaya po," saad ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN