Angel Locsin on Phil Younghusband: "He makes me happy sa ngayon."

IMAGE 0


"Ako kasi, parang naiisip ko na itong trabaho natin, minsan mainit ka, minsan hindi. Masakit na minsan nasasabihan ka ng tao na laos ka na. Para sa akin kasi, ano ang ibig sabihin ng laos, di ba?" says Angel Locsin about comments that she is "laos."


Sinadya ng The Buzz host na si Boy Abunda si Angel Locsin sa set ng malapit nang magwakas na teleserye nila ni John Lloyd Cruz na Imortal.

Isa-isang sinagot ni Angel ang mga katanungan sa kanya ni Boy.

Bilang isa sa biggest stars sa Pilipinas, ano ang ginagawa nito kapag hindi na kaya ng katawan niya?

"Noong medyo bata-bata ako, titigil na lang ako. Pero ngayon kasi, sa dami ng walang trabaho, kailangan ko na lang talagang magpasalamat.

"Actually, kapag nararamdaman ko yung pagod, ayan na ang self-pity, pumapasok na. 'Thank you, Lord, yun na lang talaga ako,'" sabi ni Angel, who will turn 26 on April 23.

Natawa naman si Angel sa tanong ni Boy kung mahirap ba ang taguriang "pinaka-seksing babae sa Pilipinas."

"Hmmm...masarap na mahirap. Masarap dahil hinahangaan ka ng mga tao. Hindi ka nila inaaway because you're hot. Mahirap, dahil parang kailangan mong i-maintain."

Takot ba siyang tumaba, tumanda?

"Well, ilang beses na akong tumaba. Well, trabaho na rin siguro... Paano ba? Ngayon kasi, wala talaga akong time na mag-workout. Sa akin kasi, walang isyu, e," sabi ng aktres.

Takot ba siyang tumanda?

"Alam mo, Tito Boy, ang weird, never kong na-picture out ang sarili ko na tumanda. I don't know... Kasi sa ngayon, hindi ko pa nai-imagine kaya siguro ang bilis ko ring kumilos ng mga panahon na ito. Gusto kong ma-achieve lahat. Parang ganoon.

"Hindi rin naman ako takot mamatay nang maaga. Para sa akin, kakaibang experience din yun [pagtanda]."

Natatakot ba siyang malaos?

"Ako kasi, parang naiisip ko na itong trabaho natin, minsan mainit ka, minsan hindi. Masakit na minsan nasasabihan ka ng tao na laos ka na. Para sa akin kasi, ano ang ibig sabihin ng laos, di ba?"

Napagsabihan na ba siyang "laos"?

"Minsan kasi online, may mga ganoon. Pero hindi ko naman sila kilala kaya okay lang. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin. Hindi naman ako masasaktan nang ganoon kadali," sabi ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER DAD'S HEALTH CONDITION. Recently ay naospital ang ama ni Angel na si Mr. Angel Colmenares, na labis na nagpaalala sa aktres at sa kanyang pamilya. Pero ayon kay Angel, okay na raw ito ngayon.

"He's okay na. Naano talaga ako, natakot talaga ako. Si Daddy, hindi nagkakasakit yun. Tapos, biglang kailangan namin siyang dalhin sa ICU. Sobrang biglaan.

"Natakot talaga ako and guilty. Kasi yung time na yun, dire-diretso talaga ako. Wala akong time na bantayan siya. Nahiya ako sa mga kapatid ko kasi lahat sila nandoroon, nagpupuyat.

"Alam ko na tina-try nila ako na intindihin. Pero ayokong umabot sa puntong tanungin nila ako, 'Nasaan ka?'" saad niya.


LUIS MANZANO. Hindi rin mamatay-matay ang isyu sa pagitan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano. Diumano'y may nakakita sa kanilang magkasama recently at nasa loob daw ng kotse ni Luis si Angel.

Ano nga ba ang totoo sa isyung ito?

"Medyo malayong mangyari na ako yun. Hindi totoo yun. Mas possible pa siguro na ibang babae or kabarkada niya yung nakasakay sa kotse.

"But we're friends," sabi ng aktres.

Hindi ba siya nagtataka na sila pa rin ni Luis ang pinag-uusapan?

"Actually, hindi ko po alam," sagot ni Angel.

PHIL YOUNGHUSBAND. Kinumusta rin ni Boy ang sinasabing pagkakamabutihan nila ng Azkals player na si Phil Younghusband. Ayon sa TV host, kaibigan niya si Phil at nakakausap niya ito at sa palagay niya, Phil really likes Angel.

May pag-asa ba ito sa kanya?

"Masyado pang maaga para isipin," nakangiting sagot ni Angel.

Nanliligaw o nagpaparamdam na ba ito sa kanya?

"Hindi ko alam kung panliligaw yun, but lagi kaming magkausap ngayon. Palagi siyang nagti-text sa akin."

Nagkakausap sila nang madalas, nagkikita rin ba sila nang madalas?

"Minsan sa schedule yun, di ba? Minsan kapag Sunday, yung pinaka-off day namin, nagkikita kami. Church. Niyaya niya akong mag-church," pag-amin ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala na ba niya si Phil?

"First time pa lang naming magkita. Siyempre, niyaya lang naman niya ako sa tweet, e. So, ayoko namang mag-expect.

"So, 'Ikaw, kung gusto mong makipagkita, pumunta ka sa bahay ko. Puwede mong kausapin ang pamilya ko. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Nandodoon ang pamilya ko, mga kaibigan ko, tingnan natin kung ano ang mangyayari.'

"Pero na-appreciate ko yun, matapang siya. Hinarap niya lahat yung family ko," kuwento ni Angel.

Ayon kay Angel, hindi pa naman siya naipapakilala ni Phil sa kapatid nitong si James Younghusband at sa pamilya nito.

Sa tagal na rin na wala siyang dine-date or special someone, puwede bang si Phil na ito?

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko... Pero ano, he makes me happy sa ngayon!" natatawang sabi ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN