Parokya ni Edgar's Chito Miranda "congratulates" Phil Younghusband and Angel Locsin

IMAGE 0


"I'm very, very excited about that. Kasi ako, kikiligin talaga ako pag si Phil Younghusband talaga.. super fan ako ng Azkals din. Kung anuman yung meron sila... cheers! Basta masaya sila," comments Chito Miranda about the rumored romance between his friend Angel Locsin and Phil Younghusband.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda sa press conference ng Tanduay First Five 2011, na ginanap sa Century Park Hotel, Manila, kahapon, March 3,

Tinanong ng PEP si Chito kung ano ang masasabi niya sa ginagawang panunuyo ng Filipino-British football player na si Phil Younghusband sa kaibigan niyang si Angel Locsin.

Bukod kasi sa pagiging magkaibigan, matatandaang natsismis din noon si Chito sa Imortal leading lady, na ngayo'y nali-link sa forward ng Philippine football team na Azkals.

"I'm very, very excited about that," sabi muna ni Chito. "Kasi ako, kikiligin talaga ako pag si Phil Younghusband talaga... super fan ako ng Azkals din.

"Kung anuman yung meron sila... cheers! Basta masaya sila."

Nagparating din ng pagbati si Chito kina Phil at Angel dahil sa mga tinatamasang tagumpay ng mga ito sa kasalukuyan.

"Si Phil, congrats. Tuloy ang training. Kay Angel, congrats sa Imortal at tuloy ang paggawa ng magagandang movies and congrats sa inyo."

Muli, binanggit niya na masaya siya kung sakaling totoo nga ang tsismis na nagkakamabutihan na ang dalawa.

"I don't know if it's true, I don't know kung tsismis lang iyon, and honestly, I'm just happy kung happy sila," sabi ni Chito.

ROCKERS TURNED ACTORS. Uso sa mga rock band lead singers ngayon ang nagko-crossover sa pagiging aktor o TV hosts, tulad nina Rico Blanco, Kean Cipriano ng CallaLily, Marc Abaya ng Kjwan, at Jugs Jugueta ng Itchyworms. Kailan naman kaya balak ni Chito na sumunod sa mga ito?

"No, totally wala. I'd rather stick to pagbabanda na lang. I've no interest, whatsoever sa acting, hosting, or lumabas regularly sa mga ABS, or GMA or TV5, whatever," ani Chito.

Ano naman ang masasabi niya sa mga co-musicians niya na sumabak na nga sa acting at hosting?

"As long as they enjoy it like Marc Abaya, Rico Blanco, Jugs Jugueta, as long as they enjoy it. Yun ang trip nila, e, ayos lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa amin kasi, hindi namin trip yun, e. Kung yun ang trip nila, very good, congrats!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN