Direk Andoy Ranay compares Kapuso Network's top leading men: Dingdong Dantes and Richard Gutierrez

IMAGE 0


Andoy Ranay enjoys working with two showbiz hotties: Dingdong Dantes in the komediserye, I Heart You Pare, and Richard Gutierrez in the movie, My Valentine Girls. "Pareho silang masarap katrabaho, dahil pareho silang matalino," he says.


Sa taping ng I Heart You Pare, ang pinakabagong komediserye ng GMA-7 na magpa-pilot na sa February 7, hindi maiwasang itanong kay Direk Andoy Ranay, director ng IHYP, tungkol sa idinidirek niyang top leading men ng Kapuso network.

Ito ay sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Si Dingdong ay dinidirek ni Direk Andoy sa I Heart You Pare. Ito ang kauna-unahang tambalan nila Dingdong at Regine Velasquez.

At the same time, tinatapos din ni Direk Andoy ang GMA Films movie na My Valentine Girls na pinagbibidahan naman ni Richard and his three leading ladies na sina Solenn Heusaff, Lovi Poe at Eugene Domingo.

When asked about the two leading men, agad sinabi ng director na hindi dapat ikumpara ang dalawang aktor dahil magkaiba sila.

Aniya, "Personality, acting range, parehong magkaiba. With Richard, I see a lot of potential, mas bata pa siya, so, marami pa siyang puwedeng magawa. Makagaan siya katrabaho. Nagtatanong siya every take kung anong execution ang gagawin. Madaling matuto.

"Si Dingdong naman, mas mature since older siya. Pero, pareho silang masarap katrabaho, dahil pareho silang matalino. Pero si Dingdong ang matagal ko nang kakilala. Mas may bonding na kami. Marami na kaming nagawa together."

Direk Andoy was Dingdong's director in Stairway to Heaven.

Nang tanungin kung sino sa tingin niya ang mas guwapo sa dalawa, mas lalong hindi nito mai-compare sina Richard at Dingdong.

Aniya, "Magkaiba sila ng looks. Magkaiba sila ng beauty."

Direk Andoy was also asked kung sino naman daw ang mas gusto niyang makasama?

"Siguro kasi, in terms of ties, mas malalim na ang pinagsamahan namin ni Dingdong. Mas marami kaming mapagkukuwentuhan. Pero si Richard, of course, I want to know him more."

On the other hand, masaya naman siya sa nakikita niyang mga episodes na nasu-shoot na nga raw nila for IHYP. Bilib na bilib nga si Direk Andoy kay Regine Velasquez na first time raw niyang naka-trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time, pero click na click. Ang galing niya at saka, kahit ano ang ipagawa mo sa kanya, kayang-kaya niya."

Ang mga bading daw na makakasama nina Regine at Dingdong sa show ay nagdaan pa sa audition.

Ayon kay Direk Andoy, "Gusto ko 'yung mga bakla. Talagang magagaling silang mag-peform, magsayaw. It's more on dancing, e. Out of 90 na nag-audition, 14 ang nakuha."

Revelation din daw para sa kanya ang chemistry ng dalawang bida.

"I never thought they would have this special chemistry. Ang dami ko pang scene na pinapagawa. E, si Dingdong... kailangan niyang batuk-batukan si Regine... itutulak niya, pero hindi niya [kayang batukan]. Matatawa na lang si Dingdong.

"Sobrang galing ng chemistry. Mahusay. Sumasabog ang dalawa onscreen."

Kuwento pa ni Direk Andoy, nang purihin din daw ni Joey Abacan ng GMA Films ang trailer ng IHYP sinabihan daw niya ito: Bakit hindi gawan ng romantic movie ang dalawa?

Aniya, "May kilig, e. Kinikilig ako."

Si Regine, when it comes to comedy, talagang kakaiba ang timing. What about Dingdong, na masasabing halos hindi talaga regular na nagpapatawa onscreen?

"Mahusay si Dingdong dito. Nagpapatawa talaga siya. Mahirap tumayming sa comedy, pero ang galing niya, e. Si Regine, alam na natin sa comedy. Pero si Dingdong has it din pala," ani Direk Andoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN