Ruffa Gutierrez on meeting with Shaina Magdayao: "Private na lang yun and I hope it remains that way."

IMAGE 0


"Yung ibang tao, sana kung ano ang sinabi ng management nila, huwag na nilang dagdagan pa. Kasi, nag-usap na kami and we're gonna keep quiet about the issue," says Ruffa Gutierrez about her "private meeting" with Shaina Magdayao.


Muli na namang nabuhay ang isyu sa pagitan nina Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao, at John Lloyd Cruz dahil sa pagtawag sa telepono ni Shaina kay Ruffa ng madaling-araw.

Pero dahil katabi raw ni Ruffa ng mga oras na yun ang dalawang anak na natutulog, hindi raw gaanong nakapag-usap ang dalawa. Bagamat sinabihan daw ni Ruffa si Shaina na kung may problema ito ay si John Lloyd ang dapat niyang kausapin. (CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay nito, kinumpirma ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career nina Shaina at John Lloyd—na may naganap nang "pribadong pag-uusap" sa pagitan nina Ruffa at Shaina. Naging maayos naman daw ang pag-uusap ng dalawa.

Sa taped interview ng The Buzz kay Ruffa na ipinalabas kahapon, January 31, ay kinumpirma niya ang naganap na meeting.

"Oh, yes, that's true. Pero nagkausap na kami ni Tita Mariole [Alberto, Star Magic head] about that.

"I guess, nagsalita na rin ang Star Magic about the issue. So, para sa akin, I would like to take the high road and not talk about it.

"Isipin na lang ng mga tao kung ano ang gusto nilang sabihin. Basta ang importante sa akin, I'm happy at walang problema sa amin."

Nagbigay rin ng pahayag si Ruffa sa paulit-ulit na pagdawit ng kanyang pangalan sa relasyong John Lloyd at Shaina.

"Oo, paulit-ulit na lang. Siguro this 2011, I'll just continue being happy. Continue being positive about my love life.

"Ako naman ang tinawagan. Tanungin n'yo na lang sila.

"Basta ako, kung ano ang pinag-usapan namin, private na lang yun and I hope it remains that way.

"At yung ibang tao, sana kung ano ang sinabi ng management nila, huwag na nilang dagdagan pa. Kasi, nag-usap na kami and we're gonna keep quiet about the issue," saad ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS AQUINO. Samantala, nagkaayos na pala si Ruffa at ang nakatampuhan niya noong si Kris Aquino. Aksidente kasi silang nagkita sa birthday party ng isang common friend nila last week sa Resorts World.

Kuwento ni Ruffa, "Tamang-tama, yung friend ko, sinabi na nandoon daw si Ai-Ai [delas Alas]. Hinanap ko si Ai-Ai, nandoon lang sa likod ko. Talagang talon, tili kami ni Ai-Ai."

Dating co-hosts sina Rufa at Ai-Ai sa defunct morning show ng ABS-CBN na Ruffa and Ai.

Patuloy ni Ruffa, "Tapos, nandiyan na si Kris. So, sabi ko, 'Hi Kris.' Sabi naman niya, 'Hi!'

"Alam kong sincere siya. We know naman how frank Kris is. Kung ayaw niya ako, puwede namang talikuran niya ako or puwede namang um-escape.

"So, sabi ko, 'O, bati na tayo, ha. Hindi ka na galit sa akin?'

"Sabi niya, 'No!'"

Hindi na raw nila pinag-usapan pa ni Kris kung anuman ang naganap noon sa The Buzz. Matatandaang sa huling appearance ni Ruffa bilang co-host ng The Buzz ay nagkaroon sila ng tampuhan on air. (CLICK HERE to read related story.)

"I'm very happy na okay na lahat," sambit ni Ruffa.

"At least, peace na kami. It's a few little baby steps that we're gonna take."

Sabi pa ni Ruffa, open siya to the possibility of working with Kris again.

"Ako, walang problema at all to work with Kris, or to work with anyone. Para sa akin, wala naman akong kaaway," sabi niya.

May message din si Ruffa para kay Kris.

"Hi Kris, I'm so happy na binati mo ako at tinanggap mo ang hello ko.

"Actually, alam ko naman na napakabait mo at isa kang tao na hindi nagtatanim ng galit. So, I'm very happy na hindi mo ko tinalikuran and everything's okay.

"Like Tito Boy Abunda said, we move in the same circle, dapat we should never burn bridges."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN