Toni Gonzaga and Mariel Rodriguez renew their friendship after four-hour conversation

IMAGE 0


"Sa loob ng apat na oras na yun, I'd like to believe it in my heart, siya rin, we ended it on a good conversation. It was a good talk and everything was clear. Everything in my heart... She said everything na nasa puso niya," says Toni Gonzaga about her four-hour conversation with Mariel Rodriguez (inset).


Muling magkakasama sa isang show ang magkaibigan na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.

Ito ay sa upcoming noontime show ng ABS-CBN kunsaan makakasama rin nila ang dating hosts ng Magandang Tanghali Bayan na sina John Estrada at Randy Santiago.

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sina Toni at Mariel dahil diumano sa mga sinasabi raw ni Mariel laban kay Toni. Pero noong Sabado, January 30, ay nagkaharap at nagkausap na ang dalawa ng apat na oras.

THE MEETING. Kuwento ni Toni sa The Buzz kahapon, January 31, "I came from Pampanga, I had a pictorial. Iniisip ko na kung ite-text ko siya [Mariel] at kung ano ang sasabihin ko.

"Kasi, after six, seven months, after what we've been through, kahapon at kagabi lang talaga kami magkikita.

"So, I finally prayed about it and composed a text message sa kanya. Finorward ko na 'Sana yung pagkikita natin mamaya, we could talk a lot of things. And I just wanna start over.'

"Kasi, ang thinking ko, the mere fact that Mariel said yes to this project, and I said yes to this project, means something to us. It's an indication. We're starting off clean slate.

"Last night, it happened, around 9 p.m. It was arranged by Ms. Linggit [Tan, ABS-CBN head of TV production]. Kasi, si Ms. Linggit ang nakikipag-usap sa ating lahat, di ba?

"Tapos, sinabi ko nga sa kanya, before everything na mangyayari man, gusto ko na magkausap muna kami ni Mariel, na kaming dalawa lang.

"Actually, today, before I did The Buzz, I was already texting her and I told her na 'May VTR sa ating dalawa about last night and I just want to inform you... And whatever it is that I'm going to say will be from my heart.'

"Tapos ang text pa niya, Okay, cute mo!'" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWKWARD MOMENT. Sa pag-uusap ba nila ni Mariel, na-iron out na nilang lahat ang naging isyu sa pagitan nila?

"Nakakatawa. Ikinukuwento ko kay Miss Nancy [executive producer ng The Buzz], yun na yata ang pinaka-awkward na moment sa buong buhay ko.

"So, habang papalapit ako sa private room, pini-prepare ko na ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

"Kuya Randy [Santiago] and John [Estrada] were there. 'Okay, tapos na kami. Kayo naman.'

"Tapos, nakita ko si Mariel. She's wearing a nice na top and nice na baggy jeans. Tapos tumayo lang siya. Sabi niya, 'Hi Toni!' 'Hi Ma.'

"May awkwardness kasi umalis na silang lahat. Tapos, niyakap ko siya, tapos yumakap din sa akin si Ma.

"Naaalala ko noon, we're trying to be normal. Sabi niya, 'Pumayat ka.'

"Sabi ko, 'Oo nga, e. Oy, ikaw, hindi nagbago...'

"Tapos sabi niya, 'Kumusta na ang kapatid mo, si Cathy [Alex Gonzaga]?'

"Sabi ko, 'Okay lang. Ikaw, saan ka na nakatira?'

"Parang bago lang kaming nag-meet!" natatawang kuwento pa rin ni Toni.

Dagdag niya, "Sabi ko nga, during the course of our conversation, sa loob ng apat na oras, sa panghuli na kaming natapos magkaiyakan.

"Sabi ko, 'Aminin mo, nag-try pa tayong magpaka-okay noong umpisa.'

"Sabi niya, 'Hindi ko nga alam, pati kapatid mo tinanong ko.

"'Ako nga, tinanong kita kung saan ka nakatira.'

"Yun talaga ang pinakahindi mo alam ang sasabihin. Until the thoughts came, tapos ayun...

"Then, I started asking questions and she started answering questions, and she started asking questions.

"And then, minsan, hindi pa nga namin natatapos ang pagkain, bigla na lang siyang maiiyak. Maiiyak na ako.

"Tapos, nawalan na kami ng ganang kumain. Umiyak na lang kami. Siyempre, ang dami rin nangyari. Ang dami rin na-involve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, siguro ang pinakapangit lang na nangyari, ang daming na-involve. Yung media, maraming nasabi against both of us. Siya rin, sinabi rin niya ang piece niya.

"Sa loob ng apat na oras na yun, I'd like to believe it in my heart, siya rin, we ended it on a good conversation. It was a good talk and everything was clear.

"Everything in my heart... She said everything na nasa puso niya.

"And sabi ko nga, we were given this big blessing [new noontime show]. And I think it's a big responsibility on our part to set aside our personal emotion. To start anew. Clean slate lang. Maayos lang.

"Kasi, I've worked with her for six years na and Mariel said na, 'Alam mo ba, ikaw ang pinakauna kong kaibigan sa showbiz?'

"Kasi, noong nasa [GMA] 7 pa kami, nagpunta pa kami ng Canada together to do the Extra Challenge episode. So, that was our first time na magkakilala and it's almost eight years now na magkakilala kami."

BIANCA GONZALEZ. Nabanggit din ni Toni si Bianca Gonzalez na matalik din nilang kaibigan ni Mariel.

Alam daw ni Toni na si Bianca ang napapagitna sa kanilang dalawa ni Mariel.

"Na-realize ko while talking to her [Mariel], si Bianca, she's the middle person. May mga times na siya ang naiipit.

"I'd like to apologize to her. Nasisigawan ko si Bianca na, 'Wala na talaga, Bianca!'

"Tapos si Mariel, 'Oh, my god, Toni, ako rin, sinigawan ko si Bianca! Ako rin, tigilan mo na kasi, Bianca.'

"So, sabi ko, we need to apologize to her.

"Sabi pa ni Mariel, dumating na raw ang time na gusto niyang sabihan si Bianca, 'Sabihin mo kung kanino ka kampi! Mamili ka sa aming dalawa!' Gusto na raw niya ng ganoon.

"But Bianca, of course, kept her belief na maaayos ang lahat. At yun, naniwala naman ako na maayos na at nabigyan kami ng chance to start all over again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN