Mark Herras remains strong despite losing his grandmother

IMAGE 0


"Siyempre, dun tayo sa ano, e, sa mabigat ang pakiramdam. Actually, hindi lang naman ako, kundi the whole family. Pero kailangan kasing maging matapang for us, for the family," says Mark Herras about the death of his grandmother, Dolores Santos.


Ipinamalas ni Mark Herras ang kanyang professionalism dahil kahit nagluluksa siya sa pagkamatay ng kanyang lola ay patuloy pa rin ang pagsayaw niya sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas kahapon, January 30.

Pumanaw ang lola ni Mark na si Dolores Santos noong January 21, alas-tres ng umaga, dahil sa cardiac arrest. Si Lola Dolores ay 78 years old.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Lola Dolores noong Biyernes, January 28.

MORE THAN A LOLA. Malaking dagok ang kaganapang ito sa buhay ni Mark dahil malaki ang impluwensiya ni Lola Dolores sa kanyang apo.

Ayon sa tiyuhin ni Mark na si Hermi Santos, "Parang naging ina rin kasi siya, hindi lang lola. She's more than a lola to Mark, na even ngayon na may career na siya, huwag hindi na may marinig na negative ang Mamang ko about Mark, kakausapin sa phone 'yan, ganun."

Kuwento naman ni Mark sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central, "Siya [Lola Dolores] kasi yung... Kasi si Mamang, isa sa mga family members namin na nagiging dahilan kung bakit nagkakasama-sama kaming lahat.

"Siyempre, dun tayo sa ano, e, sa mabigat ang pakiramdam. Actually, hindi lang naman ako, kundi the whole family. Pero kailangan kasing maging matapang for us, for the family."

Isa siyempre sa nakiramay kay Mark at sa pamilya nito ang kasintahan ng young actor na si Ynna Asistio.

Ani Ynna, "Ang hirap din sa akin na makita siyang [Mark] sobrang lungkot. Kasi sobrang inaalagan siya ni Mamang, bata pa lang po siya.

"Mas okay na po siya ngayon kasi natanggap na po niya yung nangyari kay Mamang. Pero siyempre kailangan rin po niyang maging malakas para sa family niya."

BACK TO PERFORMING. Hindi nakapag-perform sa Party Pilipinas si Mark last week. Pero kahapon, isang araw pagkatapos mailibing ni Lola Dolores, muling sumabak si Mark sa dance stage kahit nagluluksa pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapansin ang kalungkutan sa mukha ni Mark sa backstage ilang oras bago siya mag-perform. Pero nang humarap na siya sa kamera, the actor-dancer retained his usual energy and level of performance and professionalism.

At maluwag na sa kanyang dibdib na ikuwento ang masakit na pinagdaraanan.

"Okay naman, okay naman. Siyempre, nandun pa rin tayo sa stage na iniisip ang mga memories.

"Pero hangga't maaari, ayoko nang mag-isip ng masyadong nakaka-down. Kasi nga, marami rin ang nagsasabi, kahit hindi lang family member, na masaya na si Mamang.

"Nag-usap-usap na rin kaming magpipinsan na from now on, mas titibayan namin yung samahan ng pamilya. Mas aayusin namin, mas... alam mo yun, mas magsasama-sama kami kahit hindi basta special occasion lang.

"Kasi si Mamang, ano yun, hindi siya yung... Kasi may iba na may paboritong apo, may paboritong anak. Siya, ipinaparamdam niya sa lahat ng anak at apo niya na pantay-pantay yung pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay niya," saad ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN