Gardo Versoza returns to work after his mother's death

IMAGE 0


Gardo Versoza is bow busy with two shows on ABS-CBN: the afternoon action series Bianong Bulag and the upcoming primetime series Green Rose.


Back to work na si Gardo Versoza matapos ang malungkot na pangyayaring biglaang pagpanaw ng kanyang ina na si Mrs. Purisima "Baby" Luchangco Torres Polintan last December 10. (CLICK HERE to read related story.)

Ika-40 days ng pagpanaw ng ina ni Gardo at ng kapatid niyang si Elite Polintan, who's now U.S.-based, noong January 19. Nagpamisa muna ang aktor para sa namayapa bago tuluyang sumabak uli sa trabaho.

Nalulungkot man at madalas ay nami-miss pa rin ang kanyang ina, nilalabanan ni Gardo ang damdamin para sa ikaaayos ng sarili.

"Kailangang mag-move on, hindi na tayo bumabata," sabi ni Gardo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono last January 25.

TWO KAPAMILYA SHOWS. Dalawa ang kinatatampukang teleserye ngayon ni Gardo sa ABS-CBN—Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, Sr. Presents Bianong Bulag na nagsimula ang airing last week, at Green Rose na isasahimpapawid simula February 14.

Sa Bianong Bulag, papel ng isang martial arts instructor na nagsanay sa magkapatid na Jason Abalos (sa title role) at Joem Bascon ang naitoka kay Gardo. May kinalaman ang character niya sa sinapit ng magkapatid na napatay ang amang pulis (Dominic Ochoa) at nakatakdang maghiganti.

"Kontrabida siya, pero tahimik yung character," sabi ng 41-year old actor, who informed us of the immediate follow-up to the action series. "Mabilis lang yung kuwento nito, then yun nang kay Jolo [Revilla] ang isusunod. Baka this whole month lang."

Patapos na rin ang taping ng Green Rose, na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Jake Cuenca, at Anne Curtis.

Corporate world ang setting ng romantic soap opera kunsaan ginagampanan ni Gardo ang papel bilang isang company vice president na makakatunggali ni Ricardo Cepeda (who plays Anne's dad) at magiging hadlang sa kanyang pag-angat sa corporate ladder.

Kumusta naman ang taping nila at mga kasama sa Green Rose?

"Smooth naman, maayos ang scheduling ng mga artista," sabi ni Gardo, who's now with girlfriend Ivy Vicencio sa pamamahala ng kanyang propesyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ivy, three times a week ang scheduled taping nila. "We start at 7 a.m., matatapos yun ng 5 a.m. the next day."

Wala namang reklamo ang mag-partner, o kahit nakakaapekto din sa health nila ang grabeng puyat.

"After his mom died at nang mailibing, then after the holidays, two weeks nagkasakit si Gardo," banggit ni Ivy. "Bumigay yung katawan niya sa puyat, sa stress. Buti naka-recover na rin siya."

MOVING ON. Without his mom now, and with the company of Ivy, life goes on for Gardo. Hindi raw siya puwedeng magmukmok na lang dahil sa mga naiwang commitments at pag-aalaga ng malalaking aso na nasa iba't ibang parte ng kanilang bahay sa Pasig City.

"I got so devastated. Hindi namin expected ni utol [Elite] na iiwan na kami ni Mommy. Di ba, ang lakas pa naman niya?

"Every now and then, nami-miss ko pa rin siya, pero wala tayong magagawa. May dahilan si Lord. Hindi rin dapat mag-self-destruct."

Health-wise, ani Gardo, "Hindi naman tayo prone sa pulmonya kaya okey lang. Pagod at puyat lang kaya nagka-trangkaso ako. Pero balik uli sa dati."

Ang mga high-breed dogs ni Gardo—named Killer, Griffin, Mayor, Datu, Cardinal, at Chef—ang isa pang main preoccupation ng aktor bukod sa pag-arte.

At home, kasabay ng pag-aalaga sa mga ito, ay ang constant workouts ni Gardo to maintain his 160-lbs. weight sa taas na 5'9".

"Kailangan watch out din ako sa food intake dahil mahirap tumaba. Baka hindi na ako kunin sa TV at movies. Sana nga may offer uli sa movies, whether sa mainstream or indie," asam ni Gardo.

ON GAY ROLES. Sa isang panayam din ng PEP kay Gardo, nabanggit nito ang pagiging open niya sa pagganap ng offbeat roles, tulad ng syndicate leader sa Babae sa Breakwater na idinirek ni Mario O'Hara at manggagantsong bading sa Astig ni GB Sampedro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

About the gay role, gusto ring gawin ni Gardo, kung magkakaroon ng offer, ang isang character na mas sympathetic.

"Yung tulad sa To Wong Foo... di ba?" nasabi ni Gardo.

Isa sa mga kinaaliwan niyang Hollywood film ang To Wong Foo, Thanks For Everything! Julie Newmar (1995) na pinagbidahan ng yumaong si Patrick Swayze, sa papel ng isang drag queen named Vida Boheme. Nasa cast din sina Wesley Snipes at John Leguizamo. Directed by Beeban Kidron.

"Maganda yung pagka-portray ng gayness nila dahil sympathetic. Gusto ko ganito pag gagawa ako ng full-length gay role.

"Nung ginagawa namin yung Rubi, nabanggit ko yun kay Diether [Ocampo], 'Ano kaya gumawa tayo ng tipong gano'n, To Wong Foo? Tayong tatlo nina Tito Dante [Rivero], di ba?' Masaya 'yon!"

Tulad ni Gardo, bukas din ang isipan nina Diether at Dante—na kabilang sa magkaibang henerasyon—sa idea na nabanggit niya, lalo't may seryoso ring pagtrato ang mga ito sa kani-kanilang propesyon bilang mga aktor.

ON SEXUAL HARRASSMENT. Maging si Gardo ay hindi rin nakausap ang kaibigang aktres na si Cherry Pie Picache hinggil naman sa naging kaso ng "sexual harassment" na idinulog nito sa PAMI (Professional Artists Manageres, Inc.) laban kay Baron Geisler.

Sa extensive na pagtalakay sa isyu, na nabasa rin ni Gardo sa PEP, mayroon siyang pansariling pananaw ukol dito. Pareho niyang inalam ang mga panig nina Ed Instrella, na dati niyang manager, at ni Boy Abunda, na tumulong din sa pamamahala sa career ni Gardo.

Sabi ni Gardo, "May point sila [Ed and Boy] pareho. Pero kung titingnan mo, tama din yung nasabi ni Boy na hindi naman kasi siya nag-interview para bigyan ng pabor si Baron. Hindi siya lawyer ni Baron, kundi interviewer ng show.

"Naniniwala rin ako na hindi in-interview ng The Buzz si Baron dahil hindi lang nagpa-interview si Cherry Pie. Kung host ka kasi, gusto mo makuha rin yung both sides ng issue, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But we also have to respect Kuya Ed and Pie's decision na hindi na magpa-interview," pag-intindi rin ni Gardo.

Hindi ba niya tinanong si Cherry Pie at the height of the controversy?

"Hindi, e. Mahirap din kasi magtanong, lalo't personal na bagay," rason ni Gardo.

ALL-OUT. PEP then asked Gardo kung ano naman ang magiging reaksiyon niya kung sakaling may isang aktor—whether closet or openly gay or bisexual—na mag-take advantage at gawan siya ng inaakala niyang lampas sa hangganan ng tamang pag-arte sa taping o shooting?

Speaking for himself, Gardo seriously said, "Kasi yung sa mga na-experience ko din na mga scenes, kapag kasi medyo nagiging delikado na yung eksena, kinakausap ko na yung kaeksena ko, and then sa direktor.

"Pero minsan, may mga cases din kasi na, siguro yung pagiging professional n'yo pareho [ang umiiral], na alam n'yo na rin sa mga sarili n'yo kung saan yung boundaries, e."

Kaugnay nito, naalala ni Gardo ang eksena nila ni Arnold Reyes sa indie film na Astig (2009), na siya ang closet gay, at meron silang intimate gay love scene ng younger actor.

"Yung sa amin, grabe 'yon! Kung tutuusin, puwede rin niya [Arnold] akong sabihan na medyo crossing borders na ako. Pero sa sarili ko, wala akong masasabing nag-iisang tumawid ako.

"Pero ang hirap no'n!" natatawa lang si Gardo.

Ayaw daw niyang ipakita ang movement ng ulo niya doing a blow-job scene.

"Ayoko din siyempre na ina-aktuwal, di ba? So, dun ko na lang dadaanin sa kamay, paparatingin ko na yun ang nangyayari sa kabilang side."

Sa ganitong sitwasyon, mahalaga para kay Gardo ang tiwala ng magkaeksenang parehong lalaking aktor.

"Kaya mabilis ka ring papayag pag kilala mo na yung taong involved. Like, alam mo na at meron na kayong respeto sa isa't isa, then parang wala lang. Kumbaga, for art's [sake] lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP asked Gardo about the situation na siya ang straight guy doing intimate scene with an actor playing a gay role at nagkaroon ng "crossing boundaries" of sorts. In short, hinipuan talaga siya. How would he react?

Maingat sa pagbitiw ng salita si Gardo tungkol sa sitwasyon.

"Ibig sabihin, kunwari gay talaga siya... Siguro ikaw na rin ang magse-set ng pag-command mo ng respeto galing sa kanya.

"Siguro pag may insinuations ka, or may mga palipad-hangin ka [about sexual matters], or kung kilala ka na niya noon pa na gano'n, hindi mo rin maiaalis na tratuhin kang gano'n."

Tiniyak naman ni Gardo na walang pangyayaring humantong sa pagkabastos sa kanya ng isang gay actor, maging noong gumagawa pa siya ng sexy movies sa Seiko Films.

And speaking of Gardo's Seiko days, mas nagmarka sa manonood ang maiinit na eksena niya with female partners. Walang kaso sa kanya kung babae ang "tsatsansing."

"Pag sila, siyempre!" tawa ni Gardo. "'Tsaka siyempre, hindi mo na malalaman kung tsansing o ano, e. Kasi nung time namin [sa Seiko], parang all out, e!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN