Luis Manzano on rumor the he was spotted 'kissing' Jasmine Curtis: "Nakakadiri talaga yung isyu!"

IMAGE 0


"Para sa akin, nabastos si Jasmine dahil may mga tao na nagpi-feeling tsismosa, na hindi naman talaga alam yung nakita nila, yet kampante sila na magkalat ng katangahan! So, pakiusap ko, kung gagawa sila ng tsismis, sana siguraduhin na lang muna nila!" says an obviously peeved Luis Manzano.


Aminado ang TV host-actor Luis Manzano na napikon siya sa naisulat na diumano'y nahuli sila ni Jasmine Curtis, ang TV5 talent at nakababatang kapatid ni Anne Curtis, na naghahalikan sa loob ng kanyang sasakyan.

Paliwanag ni Luis, "Pag naiisip ko yung isyu, nandidiri ako. Kasi naiisip ko, parang hinalikan ko yung little sister ko na si Andi. Kasi halos magkasing-edad lang sila ni Jasmine. So, kadiri lang.

"I mean, everything in itself, yung instance, sabihin nating totoo yun, magkakasama kaming nag-dinner, ako, si Anne, si Jasmine...basta marami kami. I think that was a Saturday.

"Ako, kailangan ko nang umuwi kasi may ASAP pa ako the next day. So, si Jasmine, sabi sa akin, 'Okey lang ba sumabay?' kasi may P.O.5 din siya kinabukasan.

"So, okey, sabay kami, hinatid ko siya. Beso, hug, alis. Nothing more, nothing less.

"So, hindi ko alam kung sino yung naggagaling-galingan na nakakita raw sa amin na naghahalikan!

"Nakakapikon talaga kasi, kumbaga, ang pagmamahal ko kay Jasmine, parang sa little sister ko. At sa akin, hindi ako papayag sa kahit sino na mabastos ang little sister ko, I mean si Andi.

"Para sa akin, nabastos si Jasmine dahil may mga tao na nagpi-feeling tsismosa, na hindi naman talaga alam yung nakita nila, yet kampante sila na magkalat ng katangahan!

"So, pakiusap ko, kung gagawa sila ng tsismis, sana siguraduhin na lang muna nila!" naiinis na sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, January 31, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.

Pero siya ba ay hindi posible na magkagusto sa mas bata sa kanya? Si Luis ay turning 30 na this year, while Jasmine is only 17.

"Ayokong sabihin na hindi ako magfu-fall sa mas bata. Pero mahal na mahal ko si Jasmine as a little sister, so that takes her out of the equation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakadiri talaga yung isyu, nakikita natin kung gaano kamalisyoso yung ibang mga tao!" sabi pa niya.

SOULMATE. Very vocal si Luis sa pagsasabi na soulmate sila ni Anne Curtis. Hindi ba siya natatakot na ma-misinterpret siya ng iba, lalo na't committed na sa iba si Anne—sa model at young entrepreneur na si Erwan Heussaff?

"Hindi," sagot ni Luis.

"Sabi nga namin ni Anne, what we have, our relationship is something very special. Nalagpasan na namin ang lahat, from, you know, romanticaly involved. Basta, kumbaga, ang dami na naming pinagdaanan.

"And for us, we can say naman na being soulmate does not necessarily mean that you have to be in a romantic relationship.

"Kumbaga, it happens that you get along no matter what. Poprotektahan ko siya [with] the last bit of my being. At alam ko na ganun din siya.

"Pero hindi porke't sinasabi namin na soulmate, e, kailangan romantic na ang pagmamahalan namin. And sinabi naman namin—even Anne would admit—na, let's just say mahanap na namin yung talagang para sa amin, kailangan din nilang maintindihan kung paano kami ni Anne."

Hindi kaya sa bandang huli ay sila pa rin ni Anne?

"We have no idea what's in store," sagot ni Luis. "Pero I know now, Anne is very, very happy. And for me to answer that na diretsahan, medyo that would be a bit disrespectful sa kanyang love life."

ANGEL LOCSIN. Si Angel Locsin ang huling naging girlfriend ni Luis. Nang maghiwalay ang dalawa ay nag-effort si Luis na magkabalikan sila ni Angel, pero wala ring nangyari.

Ang sinasabing dahilan, na ayaw lang daw aminin ni Angel, ay dahil may bago na raw itong minamahal sa katauhan ni Chito Miranda, lead vocalist ng Parokya Ni Edgar. Pero hindi naniniwala si Luis na may relasyon sina Angel at Chito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kong sabihin na barkada lang naman sila. Ginawan lang sila ng isyu. Ako mismo, sabi ko naman, nakasama ko sila.

"I said it before, knowing Angel, if let's say may ganung sitwasyon, hindi niya kami ilalagay sa alanganin na sitwasyon, di ba?

"So alam ko talaga na isang tropa lang sila," sabi ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN