Mariel Rodriguez talks about married life with Robin Padilla and reconciliation with Toni Gonzaga

IMAGE 0


"Ang importante na lang dito, ang lesson is... Siguro pag me problema, lahat naaayos kapag napag-uusapan. Kailangan n'yo lang mag-usap!" says Mariel Rodriguez about the lesson she learned from her misunderstanding with friend Toni Gonzaga (right).


Masayang sinalubong si Mariel Rodriguez ng kanyang dating co-hosts sa Entertainment Live noong nakaraang Sabado, February 5. Bumalik si Mariel sa nasabing showbiz talk show ng ABS-CBN, hindi bilang co-host kundi bilang guest.

Nag-promote si Mariel ng kanyang kinabibilangang bagong noontime show, Happy, Yipee, Yehey!. Makakasama niya rito sina John Estrada, Randy Santiago, at ang kaibigan niyang si Toni Gonzaga.

Ito ang unang live TV appearance ni Mariel pagkatapos ng mahabang bakasyon niya mula nang ikasal sila ng action superstar na si Robin Padilla.

ROBIN'S WIFE. Unang kinumusta ng host na si Luis Manzano kung ano ang pinagkaabalahan ni Mariel sa kanyang mahabang bakasyon.

Ayon kay Mariel, "Nagpaka-wife ako. Alam n'yo namang bagong kasal kami ni Robin [Padilla], so kailangan kong maging mabuting maybahay para kay Robin.

"And I'm very happy being a wife. Very happy ang aming married life."

Kumusta siya being a wife? Maalaga ba siyang asawa?

"Of course, yes! Pero mas maalaga si Robin sa akin kesa ako ang mas maalaga sa kanya," sagot ng nagbabalik na TV host.

Kuwento pa ni Mariel, pinagluluto niya raw ng pritong saging si Robin. Nagtataka nga lang si Mariel dahil nauubos agad ang mantikang ginagamit niya sa pagpiprito ng saging, pero saka lang niya nalaman na iniinom pala ni Robin yung mantika.

RECONCILIATION WITH TONI. Tinanong naman ni Luis si Mariel tungkol sa naging alitan nila ni Toni Gonzaga, na naayos na kamakailan.

"Actually, it was really a misunderstanding. So when we have a time to talk about it, naintindihan namin kung ano talaga yung nangyari," sabi ni Mariel.

Paano ba nangyari ang kanilang pagbabati? Coincidence ba ang kanilang pagkikita or effort na magkita sila para magkausap?

"Effort!" bulalas ni Mariel.

"Pinag-usapan on both part, pero nagkaroon na rin kami ng konting text bago pa yung pagkikita na yun. Pero it's really different, e, yung talagang nagkita kami, iba talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una, it is kind of awkward, parang... We were eating, di ba? 'O, 'yan lang ba yung order mo?' May ganung factor. Siyempre, hindi mo alam, how can you just jump in to the actual situation, di ba?

"And then, nung finally nandun na, it felt good kasi nailabas mo na. Siyempre, matagal mo nang na-try mag-move-on dun, di ba?"

Totoo bang nag-text si Mariel kay Toni para bumati ng "Happy birthday"?

"Like what I said sa interview ko sa The Buzz before, sinabi ko na 'I love Toni Gonzaga' and that's true! Mahal ko talaga siya, so hindi mabigat sa loob ko na batiin ko siya on her birthday.

"So, birthday niya, gusto ko siyang i-greet. Even if I did not say it, even I did not say the message sa The Buzz, ite-text ko pa rin siya ng 'Happy birthday.'"

Kumusta na ang pagkakaibigan nila ni Toni after that gap between them?

"Actually, the nice thing is, during the time that we weren't talking, ang daming nangyari sa amin. So, kaming dalawa, iba yung journey na pinag-uusapan namin ngayon. It's a different level na rin. It's a new chapter.

"I wanna say to her na 'I'm married, ikaw kelan?' So, nagkaroon kami ng ganun na moment.

"Sabi ko nga sa sarili ko, bakit pa namin pag-uusapan yung past, e, puwede namin pagkuwentuhan yung magagandang nangyayari ngayon? Lalo na magkakasama kami sa isang noontime show na excited na excited naman talaga ako."

BIANCA GONZALES IN THE MIDDLE. Patuloy ni Mariel, "Throughout everything, sa kabila na ups and down na nangyayari sa ating pagkakaibigan, may isang taong espesyal na laging nandiyan for all of us para mamagitan sa mga nangyayaring problema sa atin."

Ang tinutukoy ni Mariel ay ang close friend nila ni Toni na si Bianca Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, naiiyak ako ngayon kasi si Bianca yung taong walang kinakampihan. She is always there to listen, she is the hopeful one.

"Example, makakakita ako ng picture namin ni Toni, sabi ko, 'Ganyan kami dati, hindi na ngayon.' Siya yung nagsasabi na, 'No! No! Maaayos pa 'yan!' Siya yung laging positive na maaayos yung lahat.

"Siya nga yung pinakamasayang tao nung nag-usap kami ni Toni. Actually, na-sad nga siya nung nag-usap kami ni Toni na wala sya. Tapos nagte-text siya ng, 'O, ano nangyari talk n'yo, please update me.'

"Si Bianca yung isa sa mga naghihintay na magkabati kami ni Toni. Actually, hindi lang naman si Bianca, marami rin mga nakapaligid na naghihintay na magkabati kaming dalawa," saad ni Mariel.

LUIS MANZANO. Bukod kay Toni, ang isa pang nakatampuhan ni Mariel ay si Luis, na dati niyang co-host sa Entertainment Live. Kaya tinanong ng current host na si Nikki Gil si Mariel kung kumusta na silang dalawa ngayon ni Luis. Ano ang na-miss nila sa isa't isa?

"Eto ha, natatandaan ko pa, nung paalis ako papuntang India, di ba, kasi nag-indefinite leave ako? Nag-BBM [Blackberry messenger] kami sa isa't isa, tanong niya sa akin, 'O, aalis ka daw?' Sabi ko sa kanya sa BM, 'Yes! Im in loveeeeeeeeee!' Nag-text pa ako sa kanya ng ganun, tapos nag-BM siya ng 'Hindi nga!' So, akala ko okay kami!" natatawang kuwento ni Mariel.

Paliwanag naman ni Luis, "Ang sa akin, eto lang, ibibigay ko sa 'yo ha, may isang instance na hindi ko naman kailangan i-elaborate yung nangyari. Pero may isang instance na kung saan nagsimula yung tampo... coz sa 'yo."

Tanong naman ni Mariel: "Bakit di mo na lang sinabi sa akin nung moment na yun?"

Makahulugan naman ang sagot ni Luis. Aniya, "Medyo alam mo yung moment na yun. Kung ano man yung sinabi namin about Mariel, it's just a piece of advice kasi kaibigan namin si Mariel. At gusto namin maging masaya si Mariel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mariel, "Yes, because I'm so happy. I don't worry about things like that, kaya sana happy din kayo para sa akin."

Sambit tuloy ni Nikki, "Sige na! Shake hands na!"

Sa pagtatapos ng interview ay sinabi ni Mariel ang kanyang natutunan mula sa tampuhang ito sa kanyang mga kaibigan

"Ang importante na lang dito, ang lesson is... Siguro pag me problema, lahat naaayos kapag napag-uusapan. Kailangan n'yo lang mag-usap!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN