Zanjoe Marudo says Bea Alonzo is not jealous over his sexy scenes in Kristine

IMAGE 0


Magkatabing pinanood nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang pelikulang Bulong bilang suporta sa mga kaibigan nilang sina Vhong Navarro at Angelica Panganiban, na mga pangunahing bituin ng pelikula.


Marami sa couples sa Kapamilya network ang dumating sa premiere ng Bulong sa Cinema 10 ng SM Megamall kagabi, February 1.



Ilan sa mga ito ay sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, Billy Crawford at Nikki Gil, at Zanjoe Marudo at Bea Alonzo.



Matapos ang pelikula ay umalis agad ang mga nabanggit na pero sandali silang na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.



Sa panayam ng press kay Zanjoe, nabanggit nito na wala pa siyang planong iregalo kay Bea sa darating na Araw ng mga Puso.



"Iniisip ko pa, e," saad niya.



Sapat na raw kay Zanjoe na makasama si Bea sa araw na ito.



"Siguro kahit makasama ko siya, kasi sobrang busy siya," sabi niya.



Tanong pa ng press, hindi kaya nagseselos si Bea sa mga sexy scenes ni Zanjoe sa primetime series na Kristine, na umiinit na nang umiinit ngayong patapos na ito?



"Naku hindi, hindi. Pare-parehas naman kaming nasa industriyang ito. 'Saka alam ko, bawat eksena, maiintindihan niya," sagot ni Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN