Mayor Herbert Bautista happy for Ogie Alcasid and Regine Velasquez-Alcasid

IMAGE 0


"I'm really very happy that Regine and Ogie, si hepe, e, nagkatuluyan na at officially ay nagpakasal na. So, I wish them luck. And doon sa magiging anak nila, e, sana maging ninong ako!" says Mayor Herbert Bautista about Ogie Alcasid and Asia's Songbird.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Quezon City Mayor Herbert Bautista last Tuesday, February 1, sa Bulwagang Amoranto ng Quezon City Hall.

Si Mayor Herbert ang nag-induct sa bagong officers and board members ng Philippine Movie Pres Club (PMPC), isang grupo ng entertainment writers.

Nanumpa bilang bagong halal ang mga sumusunod: Melba Llanera (President); Mell Navarro (Vice President); Rodel Fernando (Secretary); Mildred Bacud (Asst. Secretary); Boy Romero (Treasurer); Blessie Cirera (Asst. Treasure); Fernan de Guzman (Auditor); at Sandy Es Mariano (PRO).

Ang Board of Directors ay binubuo nina Julie Bonifacio, Roldan Castro, Joe Cesar, John Fontanilla, Romel Galapon, Rommel Placente, at Ador Saluta.

TOURISM IN QUEZON CITY. Pagkatapos ng oath-taking ceremony, nakausap ng PEP ang alkalde ng Quezon City. Isa sa mga napag-usapan namin ay ang bagong hakbang na gagawin niya para sa turismo ng lungsod na kanyang pinamumunuan.

"Siguro by next week or two weeks, ilu-launch na namin sa tulong nila Kuya Dick—si Konsehal Roderick Paulate—si Konsehal Alfred Vargas, si Konsehal Gian Sotto, si Konsehala Precious Hipolito-Castelo, at yung iba pang mga konsehal, and ang atin pong Vice Mayor na si Joy Belmonte.

"Pinag-uusapan po namin na gumawa kami ng isang malaking tourism plan for Quezon City, na merong historical [purpose], merong domestic tourist plan para sa mga kababayan nating mga nasa probinsiya, na 'Dito kayo, ito yung tour ninyo.'

"Punta kayo sa Channel 7, punta kayo sa Channel 2, puntahan ninyo ang Channel 5. Ito ang museum ng Mowelfund, ito yung FPJ Studios.' Baka meron ding museum si FPJ dun.

"So, that is isang malaking pakete, isang malaking package for them. So, tinatahi na namin yun ngayon.

"It's a tour na hopefully with all of these people... Iba-iba kasi ang may-ari, e, mai-coordinate naming mabuti."

AIMING FOR GUINNESS RECORD. Sa February 12 naman, may isang malaking Valentine celebration sa Quezon City na ang isa sa goal ay mailagay ang naturang siyudad sa Guinness Book of World Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, meron," pagkumpirma ni Mayor Herbert. "Meron kaming isang activity na I think gagawa ng pinakamalaking heart-shaped cake, tapos meron din yung mga parang lobo na papel.

"Supposed to be, iimbitahin namin yung Guinness. Pero may bayad pala yun, e. So, ang gagawin namin, ido-document lang nating lahat, tapos isa-submit natin sa kanila.

"At kapag wala pang ano, then hopefully we are able to get the Guinness World Record for that particular event or activity."

Isa raw ito sa kaabang-abang na event ng Quezon City para sa Araw ng mga Puso.

"Oh, yes! That's part of our tourism campaign. Kasi gusto rin nating makilala ang Quezon City na isang destinasyon, na isang siyudad na lungsod na maunlad at mapayapa at masayahing mga tao.

"Ang pinu-promote po namin dito yung happiness, yung happiness nating lahat. So, iyon ang importante," saad niya.

REGINE & OGIE. Noon ay na-link si Mayor Herbert kay Regine Velasquez, na ngayon ay kasal na kay Ogie Alcasid.

Ano ang masasabi ni Mayor Herbert sa pagpapakasal nina Regine at Ogie?

"Oo nga! E ,wala tayong magagawa, dahil alam mo naman boss natin si Ogie, e.

"Sa grupo namin, pag nagkikita kaming mga komedyante... That time, si Anjo [Yllana], si Willie [Revillame], si Paolo Contis, si Keempee [de Leon], lahat 'yan, we will go to the house of Ogie at kuwentuhan lang. Kuwentuhan-kuwentuhan... si Michael V nandoon din.

"And Regine would be there. Hindi naman nakikipagkuwentuhan, may mga inaasikaso siya. Yung mga misis-misis naman nung iba ang kinakausap niya.

"So, we knew it all along. And I'm really very happy that Regine and Ogie, si hepe, e, nagkatuluyan na at officially ay nagpakasal na.

"So, I wish them luck. And doon sa magiging anak nila, e, sana maging ninong ako!" natatawang sabi ni Mayor Herbert.

Ipinaliwanag din ni Mayor Herbert kung bakit hindi siya nakapunta sa kasal nina Ogie at Regine noong December.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat pupunta ako, kaya lang I think I was in Berlin [Germany] already that time. I represented the city and Southeast Asia for a conference," sabi niya.

MISSING BISTEK.Isa sa pinakasikat na komedyante si Mayor Herbert bago siya tuluyang kinuha ng mundo ng pulitika. Nakilala nga siya sa kanyang palayaw na "Bistek."

Talaga bang tinalikuran na niya ang showbiz?

"Hindi naman. E, kaya lang, talagang marami akong ginagawa ngayon," paliwanag ng actor turned politician.

So, open pa siya sa posibilidad na mag-artista ulit?

"If there are any [projects], mas maganda," sabi niya.

Or guestings muna sa TV shows?

"Oo iyon, iyon."

Willing siyang i-revive ang career niya bilang isang komedyante?

"Mas malaki kita dun, e!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN