Kjwan lead singer Marc Abaya is not leaving music career for acting

IMAGE 0


Singer Marc Abaya plays the "other leading man" of Regine Velasquez in the romantic comedy series I ♥You Pare. "First time ko po kasing mag-comedy, iba po yung rhythm. I find it more technical than drama," he says.


Lately ay napapanood sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas ang vocalist ng bandang Kwjan, TV host, at aktor din na si Marc Abaya.

Ngayon nga ay kabilang siya sa cast ng bagong romantic-comedy series ng Kapuso network na pinagbibidahan nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes, ang I ♥You Pare, na mapapanood na simula Lunes, February 7, sa GMA Telebabad.

Bago kasi ito ay unang napanood sa ilang drama series at reality shows ng ABS-CBN si Marc, gaya ng Ligaw na Bulaklak, Habang May Buhay, Pilipinas Got More Talent, at Magkaribal. Ngayong napapanood na siya sa GMA-7, tuluyan na ba siyang lumipat sa Kapuso Network?

Ang katanungang ito ang kaagad inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marc nang makausap namin siya sa presscon ng I ♥You Pare kagabi, January 31, sa Boiler Room sa Marikina Riverbanks Mall.

"Walang contract," sagot niya. "But all of my projects now are for GMA. Nagsimula po siya sa Party Pilipinas.

"And then, nung magtatapos po kami sa kabilang network [ABS-CBN], I felt so lucky kasi tinawagan po ako ni Direk Andoy Ranay [co-director ng I ♥You Pare with Joyce Bernal]. Siya po yung unang katrabaho ko sa kabilang station sa first soap ko. Tapos tinanong niya ako, 'Do you wanna be part of my new show?' So, yun."

WORKING WITH THE CAST. Ginagampanan ni Marc sa I ♥You Pare ang role ni Joel, ang kaibigan ni Tonya (Regine) na may lihim na pagtingin sa dalaga. Siya ang machong may-ari ng flower shop sa Vigan, na pantasya ng mga bading sa kanilang lugar.

Kumusta naman ang unang pakikipagtrabaho niya kay Regine sa isang series?

"It's very inspiring. Kasi Regine is very talented po. So nice, very humble, napaka-generous po niya and patient with me.

"First time ko po kasing mag-comedy, iba po yung rhythm. I find it more technical than drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Again, I'm very happy to work with her. And also with Dingdong, whom I grew up with. At saka po si Sir Tirso Cruz III."

Memorable nga raw ang katatapos lang nilang taping ni Tirso.

"Actually, nakasama ko pong mag-taping si Sir Tirso this week lang. Ang saya! Yung ibang sequences namin, I was trying not to laugh," sabi niya.

Kumusta naman katrabaho si Dingdong?

"He is like a bandmate po. Kasi kilala ko na po siya, Grade 6 pa lang siya, ako Grade 7 sa Ateneo. Nagbabanda po yun, he's a drummer.

"And then he also studied under my mother [Direk Marilou Diaz-Abaya] ng filmmaking. Kaya I know he's a director also," banggit ng 31-year-old musician-actor.

Tungkol sa mga bakla at drag queens ang I ♥You Pare, hindi ba siya na-culture shock?

"Hindi naman po ako na-shock kasi I grew up naman with gay men, like Ishamel Bernal and the others [mga kaibigang direktor ng kanyang ina]. Lumaki ako na they were always there. Actually, they were more with me than my male ninongs," sabi niya.

KISSING SCENE WITH REGINE. Inamin ni Marc na may kissing scene sila ni Regine sa I ♥You Pare. Pero ayaw niyang mag-detalye tungkol dito.

"May isa," sambit ni Marc. "Pero yun, abangan na lang po ninyo. 'Yan actually yung first sequence ko with her during the Vigan [Ilocos Sur] shoot po."

Nag-usap ba muna sila ni Regine bago gawin ang eksena?

"Hindi na. Wala na," sabi ni Marc.

Magkakilala na ba sila ni Regine bago pa sila nagkatrabaho sa series?

"Not so po. Sa Party Pilipinas lang. Pero si Sir Ogie [Alcasid, asawa ni Regine], I've known him a long, long time ago. Nung nagsimula po ako, nandun na siya, e. Again, I remember siya po yung idol ko e. A very nice guy."

SUPPORTIVE MOTHER. Ano naman ang reaksyon ng mommy niya, ang multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya, na kasama siya sa ganitong show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi niya pa nakikita yung teaser but she knows the script. Kasi very hands-on din po yung mga magulang ko and they give so much advice to me.

"Si Mama naman mahilig sa mga katulad ng The Birdcage [gay Hollywood movie na pinagbidahan nina Robin Williams at Gene Hackman]. Nabasa naman niya yung script. Natuwa siya for me. Very supportive naman po siya."

In the future ba gusto niya ring magdirek katulad ng kanyang ina?

"Maybe in the future po. Pero as of now, I think I need a lot more...to learn more. Sa pag-aakting pa lang, ang dami ko na pong natututunan. At alam ko, marami pa rin akong kailangang matutunan. What more with filmmaking, di ba?"

NOT STOPPING WITH HIS MUSIC. Parang mas binibigyang- priority niya ngayon ang pag-arte kaysa sa kanyang musika. Ibig bang sabihin nito ay titigil muna siya sa pagbabanda?

"No, hindi naman titigil," sabi ni Marc.

"The reason why hindi n'yo masyadong nakikita ang banda is nagre-recording po kami. Natapos po namin yung recording ng new songs this weekend lang.

"And then, ipapakita po namin sa mga record labels. So, sana po makuha nila. But if not, mag-i-independent po ulit kami. Like, since 2003, indie po kami. So, the reason why din is we've been playing more sa out-of-town gigs.

"But please wait this year. 2011 is another great, big year for me again. I have this show, I ♥You Pare, then Party Pilipinas, and Kwjan's new album."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN