Tirso Cruz III easily transforms into his drag-queen role once surrounded by gays

IMAGE 0


"Kailangan i-ano ko lang yung mindset ko na pag nilagyan na ako ng makeup... mga one-hour and a half yung makeup namin, basta pag naka-makeup na ako, in character na ako, bading na ako," says Tirso Cruz III about his gay character in I ♥ You Pare.


Aminado si Tirso Cruz III na humingi siya ng guidance ni Direk Andoy Ranay para sa gay role niya sa bagong primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare.

Sa tagal na raw kasi niya sa industriya, ngayon lang siya nakagawa ng all-out gay role sa isang TV series.

"I'm still in the learning process, e," sabi ni Pip sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I ♥ You Pare noong Lunes, January 31, sa Boiler Room sa Riverbanks Marikina.

"Ako nga, very dependent nga kay Direk Andoy. Sabi ko nga, 'Direk, ha, bantayan mo kami baka nalalaglag kami sa character.' Or, 'Direk, you help us out sa lingo, yung gay lingo, the way we move, the way we react. Mga kyundian [landian] namin para talagang believable.

"Kasi siyempre, mahirap yung gano'n na lalabas ka at magpapanggap ka. Kung hindi saleable yung pagpapaganggap mo, hindi ka makakatulong sa show at sa whole ensemble, di ba?" paliwanag ng veteran actor.

MAKEUP, HEELS, & WIG. Maliban sa pagsusuot ng mataas na heels at sa consistency ng kanyang character, wala na raw ibang naengkuwentro pang hirap si Pip sa kanyang role.

"Kailangan i-ano ko lang yung mindset ko na pag nilagyan na ako ng makeup...mga one-hour and a half yung make-up namin, basta pag naka-makeup na ako, in character na ako, bading na ako.

"And then, alam mo pag dito na kami sa Boiler. Yun pa lang 20 drag [queens] na nandito, tapos yung mga staff namin, so talagang kahit saan ako bumaling, ang dali kong kumopya.

"Kumbaga, ang dali kong ma-influence, lalo na kapag nakikita kong naggagalawan na yung mga kasama ko dito sa set. Lalo na yung ready na silang mag-show, naglalandian na sila.

"Yun nga lang, yung kailangan nga lang, talagang i-guide or bantayan kami kasi baka medyo nawawala na or baka sobra na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Laking pasasalamat naman ni Pip na hindi na siya ni-require ng serye ng mag-tuck in ng kanyang kaselanan gaya ng ginawa ni Ryan Agoncillo nang gawin nito ang serye niyang Lady Dada sa TV5 noong nakaraang taon.

"Hindi naman kinailangan, pero may mga damit kami na minsan nakikita or bumabakat si Junjun!" tawa niya.

"Minsan pinapalagyan naming ng belt para hindi makita, or yung clothes tinutupi namin. Hindi pa naman ako nagsusuot ng tights. Pero leggings, oo, pero nilalagyan naman kami ng mahabang dress.

"Ang dusa lang yung makeup, heels, and wig. Di ba, mula umaga hanggang gabi naka-wig kami? Kaya nga minsan, kapag umaga kami nag-umpisa, pagdating ng lunch break, 'Puwede bang alisin muna?'

"Yun, pag-alis mo no'ng wig, parang nakahinga yung ulo namin. Tapos ang kati! Kutkut kami nang kutkut sa ulo namin, kamot kami nang kamot.

"After break, isusuot na naman uli namin yung wig, hanggang gabi na naman yun. At pag dinner break, doon na lang uli namin tatanggalin, then balik na naman."

EXPERIENCES WITH GAYS. Hindi naman itinanggi ni Pip na noong kabataan at kasagsagan ng kasikatan niya ay nakaranas na rin siya ng pagpaparamdam ng mga bading na nagkakainteres sa kanya.

"Maraming mga nag-aanong mga bading no'ng nag-uumpisa ako, no'ng kumakanta ako. Pahawak-hawak lang, touch-touch lang, pinch-pinch.

"Pero wala akong naging yung sinasabing karelasyon? Wala. Kilala naman nila na friendly lang ako sa mga bading.

"Walang mga nag-attempt na...alam mo na. Yung mga porma-porma lang. Hindi naman sila pushy. Uunahan mo na lang na 'friends lang tayo,'" kuwento niya.

Mula raw nang mag-umpisa si Pip sa showbiz, malapit na siya sa mga bading.

"Oo naman. Di ba, kahit wala pa ako sa showbiz noon, nakakakita na ako ng mga badingan? Nag-umpisa ako sa club, I go around, kumakanta ako sa mga lounge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, no'ng pumasok na ako sa showbiz, yung mga shooting-shooting, makikita mo sila. Sa bawat set, hindi mawawala ang mga bading—dalawa, tatlo, o marami pa, di ba? Mga nagmi-makeup sa iyo."

Hindi niya ba naisip noon na subukang makipagrelasyon sa bading?

"Never," mabilis na tugon ni Pip.

"Ngayon, baka gusto nila akong i-try!" pabiro niyang sagot.

"Hindi, mga kyundi-kyundi [landi-landi] lang, parang yung mga bading sa The Library."

GAY ROLE. Napapailing lang si Pip dahil kung kailan daw siya nagkaedad ay saka naman siya nabigyan ng gay role.

"Nakakatawa kasi nga, di ba? Sabi ko nga sa kanila, 'Hoy, i-research ninyo, ha, clearly na kami yung mga mature na bading. Pag-aralan n'yo, ha, kasi there are certain gay lingos that was in use in '80's na hindi na ginagamit ngayon.'

"One classic example of a gay lingo si 'Chapter!' Bihirang-bihira mo nang maririnig ngayun yun. 'Chaka' na yung ipinalit. Or yung 'Atsufa-flak! Atsutsu!' Wala na yung mga ganyan ngayon. Ang uso ngayon yung 'Waley, gibsung!'"

Natawa at naaliw raw ang pamilya ni Pip nang una siyang makita in drag.

"Tuwang-tuwa sila, tawa sila nang tawa. Si Lyn [Ynchausti, his wife], yung mga anak ko—si Bodie at saka si Djanin. No'ng minsan nga, pumunta sila dito, may pictorial yata kami or shoot somewhere dito sa QC. Dumaan sila dito, tawa sila nang tawa.

"Kahit noong unang pictorial namin, no'ng ipakita ko sa anak ko, ipinadala ko sa kanya. Tapos naalala ko na bawal pa pala kaya hinabol ko. Sabi ko, 'Huwag mo munang ipo-post diyan, bawal pa, mapapagalitan ako!'" kuwento niya.

Hindi itinanggi ni Pip na tinawagan niya ang kaibigang si Bembol Roco, na gumanap din ng gay character sa serye rin sa GMA 7 na Beauty Queen. Pero nilinaw ni Pip na hindi niya ginaya o naging peg ang character portrayal ng kaibigang veteran actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN