Tim Yap still friends with stars he talks about on his showbiz talk show

IMAGE 0

>
"I'm a host. In the end, ang punong-abala ko talaga is to be the best host I can be. And in the end, whoever I wanna go home to, or choose to go home to, sa akin na lang yun," says Tim Yap about the gender issue.


Asahang mas lalong magiging visible ang GMA-7 sa iba't ibang events dahil nakipagsanib na ito sa eventologist na si Tim Yap para i-promote pa nang husto ang Kapuso network at ang kanilang talents.

Tumatayong creative partner-consultant ng GMA-7 si Tim. Hangarin ng tinaguriang "King of Events" na gawing mas visible ang Kapuso network sa ibang larangan.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Tim sa Chinese New Year's Eve celebration ni Mother Lily Monteverde kagabi, February 2, sa Imperial Palace Suites, T. Morat Ave., Quezon City, isa-isa niyang inilahad ang mga pinaplano niyang events para sa GMA-7.

"Ang unang event ay celebrity premiere for Valantine's and meron din kaming pinaplano na love concert. Yung mga singers ng GMA-7, parang Captain's Bar, na we sit there and listen to them sing.

"May twist kasi 'yang concept na 'yan. So, isisikreto na lang muna natin para hindi ma-preempt.

"After naman 'yan, meron naman akong gagawing isang red-carpet event. Ang balak ko kasi... that's why kailangan may contact ako from Louis Vuitton from HK or Paris, Prada, Balenciaga... to send in clothes to be worn by the GMA stars.

"Ang gusto ko for the GMA-7 stars, to feel they're stars. Ang aim ko kasi, I'll try my best to make them brighter and the event as well and getting them exposed.

"Parang na-realize ko yung role ko. I was born a bridge, alam mo yun? Nagtutulay ako ng tao. Bakit ba ako may club? I provide a venue for people to be together," saad niya.

SHOWBIZ INSIDER. Sa social events nakilala si Tim, pero ngayon ay popular na rin siya sa showbiz bilang isang insider. Host siya ng showbiz talk show sa Q11 na Tweetbiz at kabilang din siya sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Kailan niya naramdaman ang pagiging showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, I realized, ha, na yung term na showbiz, may kaunti siyang ano na, 'Uy, showbiz!' Sa akin, showbiz is another venue where you can reach people. Nagkataon lang na may camera," sabi ni Tim.

Pero yung pagiging isang showbiz insider, kailan niya naramdamang authority siya sa paglalabas ng mga balita tungkol sa mga artista?

"I started kasi with having friends sa industry. And then, after that, I did na mga shows. So, after being an insider and an observer for such a long time, I realized what other things that can be done para mapaunlad, mapaganda, mapa-progreso....

"Alam naman natin na a lot of stars, they need to be trained, become better. Sometimes kasi, they think so much of their being artista. They forget that they're artists first and foremost, di ba?" paliwanag niya.

May nakaaway o nakatampuhan na ba siyang kaibigang artista dahil sa pagiging showbiz insider niya?

"Wala, e," sagot ni Tim. "Kasi, alam mo, yung mga tsika-tsika na ganyan, alam mo naman kaagad, alam nila kaagad na walang pikunan.

"Alam n'yo naman 'yan, like sa show [Tweetbiz], tinitira rin naman kami. Hindi naman kami puwedeng mapikon. It's part of the industry.

"Kung minsan, tinitira ako. Nagtataka rin ako. 'Saan ba galing 'yon? Imbento lang naman.' Gano'n naman pala yun. Now, I realized na dapat pala hindi mapikon.

"Hindi naman sa iniingatan ko ang pangalan ko. Even you journalists, you know naman what to share and what not to share, or lahat ng bagay may timing kung kailan mo dapat i-share o hindi yung alam mo."

PIA-VIC BREAKUP. Isa sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Tim ay ang pagbubulgar nito sa hiwalayan nina Vic Sotto at Pia Guanio sa Tweetbiz, na muntik nang sumira sa pagkakaibigan nina Tim at Pia.

Inamin naman ni Tim na nagkaroon talaga ng lamat ang friendship nila ng Eat Bulaga! at Showbiz Central host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa amin naman ni Pia, ano yun, e, it took time. Pero pagkatapos naman, yung friendship namin, deeper, and alam naman namin na it goes beyond showbiz.

"Magkaibigan na kami bago pa siya nag-showbiz. And ako naman, bagu-bago pa lang akong pumapasok sa showbiz.

"And in the end naman, alam naman niya na I only want what's best for her," paliwanag ni Tim.

RUFFA-SHAINA ISSUE. Ang latest issue na kinasangkutan ni Tim ay ang paglalantad niya sa Tweetbiz sa pagtawag ni Shaina Magdayao kay Ruffa Gutierrez nang madaling-araw. Ang reaksiyon ni Ruffa sa pamamagitan ng text message nito sa kanya ang lalo pang nagpaanghang sa isyu. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi ba nagalit sa kanya si Ruffa sa pagbabalitang ginawa niya gayong matalik niyang kaibigan ang actress-TV host?

"Hindi naman," sagot ni Tim. "Hindi naman siya ang nagsabi sa akin no'n. I was just confirming and verifying the truth. And that's all I did. Inilabas ko yung truth and pinagpaalaman ko naman.

"Ang nangyari no'n sa Tweetbiz, I just showed my question and the answer. Ang nangyari kasi, yung mga lumabas na haka-haka came from other people na."

SHOWBIZ FRIENDS. Ilan saitinuturing ni Tim na mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz ay ang pamilya Gutierrez, sina KC Concepcion at Pia Guanio.

Aniya, "Marami kasi sa kanila na kaibigan ko na bago pa ako mag-showbiz. So, they look at me as really showbiz person. But they really see me as a friend."

Kung merong mga artistang iniiwasan niyang galawin, makatampuhan o makagalit, sinu-sino ang mga ito?

"Wala. Wala naman akong iniisip na 'eto hindi ko puwedeng makagalit. Kasi lahat ng tao, bilang magkakaibigan, puwede kayong magkasakitan. When you become friend with somebody, you open yourself to be vulnerable to it.

"When it comes to news kasi, lahat naman tayo meron tayong inner discernment to know the difference... Lahat naman ito, attack a topic, e, or tackle a topic. Every topic has two sides naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GENDER ISSUE. Matagal nang usap-usapan ang tungkol sa "gender issue" ni Tim. Naging laman na rin siya ng blind items na nagsasabing "gay" raw niya.

Alam naman daw ni Tim ang tungkol sa gay issue sa kanya, pero hindi raw siya apektado dito.

"Para sa akin, hindi naman ako nagte-telenobela. I'm a host. In the end, ang punong-abala ko talaga is to be the best host I can be. And in the end, whoever I wanna go home to, or choose to go home to, sa akin na lang yun.

"Ang pinaka-focus ko, or main focus ko is to be the best host. And now that I have more responsibilities bilang talent, bilang creative person, bilang broadcaster, yun muna ang iniisip ko.

"Yung intriga, sanay naman ako diyan. Sa dami naman ng... Kumbaga, in every industry, bawat mundong pinupuntahan ko, lagi namang may tumitira, lagi namang may bumabatikos.

"Eto ang laging sinasabi ko sa mga kaibigan ko, na 'Kapag tinitira kayo, you know, when darkness strikes in your life, you have to shine your inner life. Because darkness is afraid of life," saad niya.

Kapag diretsahan siyang tinanong if he's straight or not, ano ang magiging sagot niya?

"Ako, I will look at them straight in the eye and I will tell them I'm a human being. Yun ang importante. That's what I will stand by," sagot ni Tim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN