Regine Velasquez says although she's a fan of international singers, she will choose a Pinoy concert over a foreign act

IMAGE 0


"Kawawa nga naman ang mga local artists natin na nagsu-show din tulad sa Valentine's Day or on any special day sa ating bansa. Hindi lang naman kasi ang audience ang nawawala kundi pati ang sponsors... Pero kailangan ngang may maayos na usapan. Hindi naman puwedeng bawalan mo sila dahil wala naman sa batas iyon, 'di ba? Tsaka kung titingnan mo rin, nakakatulong din ang pagpasok ng foreign acts kasi it makes money for our country as well," says Regine Velasquez on Kuh


Sumasang-ayon ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa pakiusap ni Pop Diva Kuh Ledesma na sana ay mabawasan ang mga foreign acts na pumapasok sa ating bansa para mabigyan naman ng importansya ang mga local artists natin.

Pero sabi nga ni Regine sa press launch ng bago niyang romantic-comedy series sa GMA-7 na I ♥ You Pare na mahabang usapan nga raw ang dapat mangyari para magkaroon ng maayos na pagkakaunawaan between OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) at mga producers ng mga foreign acts sa bansa.

"Kuh has a point and we respect that," Regine told members of the press including PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kawawa nga naman ang mga local artists natin na nagsu-show din tulad sa Valentine's Day or on any special day sa ating bansa. Hindi lang naman kasi ang audience ang nawawala kundi pati ang sponsors.

"Imbes na matulungan ng mga sponsors ang local shows, doon sila sa mga foreign acts, kasi nga mas mabenta ang tickets.

"Pero kailangan ngang may maayos na usapan. Hindi naman puwedeng bawalan mo sila dahil wala naman sa batas iyon, 'di ba? Tsaka kung titingnan mo rin, nakakatulong din ang pagpasok ng foreign acts kasi it makes money for our country as well."

Inamin ni Regine na siya mismo ay nanonood ng mga foreign acts. Lalo na kung paboritung-paborito niya.

"Hindi ako magpapakaplastik. Nanonood ako ng mga foreign acts. Fan ako ng mga international singers, e. Kasi nga minsan mo lang naman sila mapanood dito sa atin, e.

"Pero kapag ganyan na may kasabay naman na local shows, ang local show ang pinapanood namin. Parang suporta ko na rin yan sa mga singers natin."

Dapat nga raw ay mas maging aware ang local audience sa mga shows ng mga local artists ng bansa. Pero dahil sa unstable economy ng bansa, mabibilang lang daw ngayon ang mga nagsu-show na local artists sa malalaking venues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I remember before noon mga late-'80s and early '90s, sunud-sunod ang mga shows ng mga artists natin. Sila ang nagsu-show parati noon sa Araneta Coliseum, Folk Arts Theater, ULTRA. Even sa mga small venues like Birdland, Tavern-on-the-Square, Circus Circus, Captain's Bar — puro mga singers natin.

"Kasi nagiging guest pa nila ako noon hanggang sa nag-stage na rin ako ng mga sarili kong shows. Kaya ang audience noon, mas excited sila to watch and listen to OPM.

"Before nga kasi, yung mga foreign singers nababalitaan lang sa diyaryo, sa radyo kapag pinapatugtog ang music nila. Wala pang Internet noon, 'di ba? Tapos may plaka pa noon at cassette tape. Napaghahalata ang edad ko!" sabay tawa pa niya.

"Ngayon kasi because of the digital age, mas nakakalamang ang mga foreign singers. People already see their music videos on YouTube. Kahit yung mga concerts nila abroad, napapanood na rin.

"Kaya we can't blame these people who are willing to pay for expensive tickets para mapanood ang paborito nila. Kasi gusto nilang ma-experience yung ganda ng concert ni Beyonce, Mariah Carey, Usher, Taylor Swift, Justin Bieber at kung sinu-sino pa."

Pinagtanggol nga ni Regine ang kanyang mister na si Ogie Alcasid na siyang presidente ngayon ng OPM na wala naman daw itong sinabing pinagbabawalan niya ang pagpasok ng mga foreign acts sa bansa.

"In fairness, wala namang sinabing ganyan si Ogie. Kahit na panoorin niyo pa ang mga interviews niya. Very careful nga siya sa mga sagot niya kasi ayaw niyang maka-offend ng mga producers. Eh, yung ibang producers kasi, kaibigan namin. Kaya he wants to be fair din naman sa mga sagot niya.

"Ogie said na gusto niya na may equal opportunity ang mga local producers natin. Especially when it comes to the sponsors. Minsan nga kasi, nauubusan ng sponsors kapag may foreign acts. Kawawa naman ang mga producers ng local shows. May mga nalulugi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But Ogie never said na bawal, kasi siya nga mismo may Valentine show siya at guest ako. Mabuti naman at maganda ang sales ng tickets despite the fact na may mga kasabay na mas malalaking shows."

Anyway, sa February 7 na nga ang simula ng I ♥ You Pare sa GMA-7 kunsaan ka-partner ni Regine si Dingdong Dantes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN