Jillian Ward names Richard, Dingdong, and Aljur as her crushes

IMAGE 0


After the Christmaserye Jillian: Namamasko Po!, child wonder Jillian Ward will next be seen on the movie My Valentine Girls. Her next TV project will be the return of Captain Barbell where she will play the sidekick of Richard Gutierrez.


Very visible ngayon ang child star na si Jillian Ward hindi lamang sa TV kundi maging sa pelikula.

Pagkatapos ng kanyang pinagbidahang Christmaserye sa GMA-7 na Jillian: Namamasko Po!, sunod naman siyang mapapanood sa pelikulang My Valentine Girls ng Regal Films at GMA Films.

Ayon kay Jillian, hindi siya napapagod kahit sunud-sunod ang projects niya. Tinitiyak daw kasi ng production na nakakatulog siya pag wala siyang ginagawa.

"Minsan inaantok po ako, pero natutulog ako kapag walang ginagawa. O kaya naglalaro ako ng iPad, o kaya nanonood ako sa portable DVD player ng Spongebob, Cinderella, at Snow White...

"O kaya, hinihiram ko yung laptop ng mommy ko, tapos nanonood ako ng YouTube. Marunong na po kasi ako mag-type sa laptop."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa presscon ng My Valentine Girls kagabi, February 3, sa Imperial Palace Suites. Ang maganda kay Jillian ay napaka-bibo nitong sumagot sa mga tanong sa kanya.

Marami rin ba siyang dolls?

"Marami po, pero dalawa lang yung may gown. Isa po yung princess at isa po yung gown lang."

Nag-aaral na ba siya?

"Home study po. Tinuturuan po ako ng tita ko pag wala akong taping kasi teacher daw siya."

Gusto niya ba mag-aral sa school, yung maraming classmates?

"Opo, gusto ko po! Para po may mga classmates ako!"

May crush na ba siya?

"Ano ba yung crush? Yun ba yung hinahangaan?" balik-tanong ng five-year-old child actress.

Tinanong din ni Jillian ang mommy niya na katabi lang niya, at nang sabihin nito na "paghanga" ang ibig sabihin ng crush ay sinagot na nito ang aming katanungan:

"Gusto ko si Kuya Richard [Gutierrez], Kuya Dingdong [Dantes], at saka si Kuya Aljur [Abrenica]."

Bakit silang tatlo?

"Kasi mababait at guwapo sila," sagot ni Jillian.

Sino naman ang pinaka-close niya sa kanyang co-stars sa My Valentine Girls—Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff, o Eugene Domingo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat po sila, kasi lahat sila mabait sa akin."

Sino sa kanilang apat ang sa palagay niya ay bagay kay Kuya Richard?

"Si Ate Rhian" mabilis na sagot ni Jillian. "Bakit? Kasi bagay silang dalawa."

Ano ang next show niya after Jillian: Namamasko Po!?

"Yung Captain Barbell po, ako yung kasama ni Kuya Richard doon," sagot ni Jillian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN