Patrick Garcia enjoys being daddy to his son with Jennylyn Mercado

IMAGE 0


"Hindi ako makapaniwala na tatay na ako! Sometimes it's hard to believe. Pero kapag nakikita mo, mas nai-inspire ka," says Patrick Garcia about being father to his son with ex-girlfriend Jennylyn Mercado.


Ramdam na ramdam na ni Patrick Garcia ngayon ang pagiging ama sa kanyang anak na si Alex Jazz.

Tila nababawi na rin niya ang panahon na wala siya sa tabi nito at hindi siya kilala ng anak. Simula nang maging okey sila ng dating girlfriend na si Jennylyn Mercado ay regular na raw niyang nabibisita at nakakasama ang kanilang anak.

"Mas nakakasama ko na siya. Mas marami na akong time na nakakasama siya," kuwento ni Patrick nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa Chinese New Year party ni Mother Lily Monteverde sa Imperial Palace Suites noong Miyerkules ng gabi, February 2.

Napagkasunduan na rin daw nila ni Jennylyn na wala na lang fixed schedule kung kailan sila puwedeng magkasamang mag-ama.

"We decided na sa bahay na lang ni Jen, anytime, at doon na lang ako bibisita para hindi maguluhan ang bata. Gusto ko, isang bahay lang din kasi ang tumatak sa utak niya," sabi ni Patrick.

DADDY PATRICK. Ano ang pakiramdam ngayon na daddy na daddy na siya kay Jazz?

"Hindi ako makapaniwala na tatay na ako!" bulalas ng 29-year-old actor. "Sometimes it's hard to believe. Pero kapag nakikita mo, mas nai-inspire ka."

"Daddy" raw ang tawag ni Jazz sa kanya.

"I feel old!" biro niya kapag naririnig daw niyang tinatawag siya ng 'Daddy'. "Pero siyempre, masaya. I'm waiting for more words to come out on his mouth."

May time din naman daw na nagkakasama silang "mag-anak"—siya, si Jennylyn, at si AJ.

"Siyempre, kapag nasa bahay ni Jen na nandoon ako, nandoon siya. Medyo kinda awkward, pero for our son, kumbaga, gusto namin na lumaki siyang walang kulang. Parang kumpleto," ani Patrick.

Nagaalala daw si Patrick kapag nababalitaan niyang nagkakasakit si Jennylyn.

"Siyempre worried kasi mommy siya ng anak ko. Siyempre, gusto ko, okay siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung pagpapalit o pagsunod sa apelyido niya ng pangalan ng anak, napag-usapan na rin ba nila ni Jennylyn?

"Hindi muna namin pinag-uusapan yun," sabi ni Patrick. "Now, we're enjoying. In time siguro.

"But now, kumbaga, huwag muna nating pasukin 'yon. Kumbaga, isa-isa muna, huwag munang bigla-bigla."

WAITING FOR A PROJECT. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, matagal-tagal na ring walang ginagawang proyekto si Patrick. Ang huli niyang ginawa ay ang Full House noon pang 2009.

Kumusta na nga ba siya?

"Siyempre, mas gusto kong magtrabaho pa. Now that I have a son, kailangan mas mag-work ako.

"I'm still in GMA. Naintindihan naman nila ako last time na hindi ko tinanggap ang project with Jen because I wanted to spend more time with my son.

"Yun lang, I'm just waiting for the next project," sabi niya.

Kung ang project na io-offer sa kanya ay kasamang muli si Jennylyn, okay na ba sa kanya?

"Of course naman, oo," nakangiting sagot ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN