Jennylyn Mercado's manager on Mel Pulmano's acquittal: "There may be no justice in the courts, but there is such a thing as karma."

IMAGE 0


Jennylyn Mercado (above) reaction to the court's decision to acquit former road manager Mel Pumano (inset): "Well siyempre, nakakalungkot. Masakit para sa akin yung parang binale-wala kami. Pero I think, kung dito walang hustisya, I think sa itaas, pagkatapos ng buhay natin meron." For her part, Mel said, "At least napatunayan ko rin na hindi po talaga ako yung may sala... Simula't simula naman hindi ako nagtanim ng galit hanggang ngayon. Kung nandiyan n


Acquittal o pagpapawalang-sala ang naging pasya ng korte sa kasong qualified theft through falsification of documents na isinampa kay Rowena 'Mel' Pulmano, ang dating personal assistant ng aktres na si Jennylyn Mercado.

Charges were filed noong October 28, 2008 dahil sa diumano'y paggamit ni Mel sa pera ng aktres na aabot sa halagang 460 thousand pesos.

January 25, 2011, ginanap ang promulgation o public declaration sa Regional Trial Court Branch 77 sa Quezon City sa sala ni Presiding Judge Honorable Vivencio Baclig.

"Masaya naman po, at least napatunayan ko rin na hindi po talaga ako yung may sala," ang naging pahayag ni Mel after the court's decision.

May dalawang taon na ring nakapiit sa Camp Caringal ang dating road manager ni Jennylyn matapos itong sampahan ng patung-patong na kaso ng aktres at manager nito.

"Simula't simula naman hindi ako nagtanim ng galit hanggang ngayon. Kung nandiyan nga sana si Jennylyn, naisip ko na gusto ko pa nga siyang yakapin kahit anong naging desisyon. Sayang wala siya, e. Dahil wala naman sa akin," dagdag pang pahayag ni Mel.

Matapos basahin ang pasya, ibinalik na sa Camp Caringal si Mel kung saan siya mananatiling nakapiit habang dinidinig pa ang ibang mga kasong isinampa laban sa kanya.

MANAGER'S STATEMENT. Nagbigay na rin ng pahayag ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila sa isyu. Ito ang ilang bahagi ng kanyang statement:

"Ikinalulungkot namin ni Jen ang decision ng korte na acquittal ni Mel sa qualified theft na kaso sa kanya. Walang pinirmahan si Jen na 19 checks na nag-clear sa bangko. Hindi rin nabigyan ng halaga ng korte ang testimonya ng handwriting expert na hindi nga pirma ni Jen ang nasa 19 na cheke. Ito lang ang masasabi namin, malinis ang konsensiya namin ni Jen, na wala kaming kinalaman sa mga ginawa ni Mel.

"Whatever she is saying against us are pure lies, intended to cover up her criminal acts. There may be no justice in the courts, but there is such a thing as karma, which no one can escape from. Mararamdaman na lang niya yun, at ng kung sino man na kasabwat niya. And I have some idea who they are."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At upang ihayag naman ang kanyang nararamdaman tungkol sa nangyari sa kaso, live na nag-guest si Jennylyn sa Startalk TX kahapon, February 5.

Kasama rin ni Jennylyn na nag-guest sa show ang kanyang abugadang si Atty. Joji Alonzo.

PATRICK AND AJ. Una munang pinag-usapan ay ang tungkol sa mga papuri ni Patrick Garcia sa isang interview tungkol sa pagiging mabuting ina ni Jennylyn sa anak nilang si Alex Jazz o AJ.

Worried din daw si Patrick dahil lately, ay nagiging masasakitin ang aktres.

"Siyempre ano e, baka mahawa si Jazz, siyempre ako ang nag-aalaga kay Jazz so... most of the time, nasa akin yung bata. So siyempre nakakatakot din, mahirap din pag nagkakasakit yung anak mo, di ba?"

Year of the rabbit si Jennylyn at may hula sa kanya na magiging prone siya sa pagkakasakit. Naniniwala ba siya sa hulang ito sa kanya?

"Huwag naman," aniya.

"Wala namang mawawala kung susunod tayo sa mga pangitaing ganyan. Pero siyempre nasa tao na rin naman yun e. Nasa iyo rin naman yun, sa pag-iingat mo sa sarili mo kung ano ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo.

"Ikaw rin naman ang gagawa ng path mo, e."

Okay naman raw ang kalusugan niya ngayon, dagdag ni Jennylyn.

MIXED FEELINGS. Dito na tinanong sa aktres kung ano ang naging damdamin niya sa naging desisyong acquittal kay Mel Pulmano.

"Well siyempre, nakakalungkot. Masakit para sa akin yung parang binale-wala kami. Pero I think, kung dito walang hustisya, I think sa itaas, pagkatapos ng buhay natin meron," sagot ni Jennylyn.

Ano ang naging feeling niya sa sinabi ni Mel na kung naroroon siya ay yayakapin siya nito? Kung halimbawang naroroon siya at niyakap nga siya ni Mel, ano ang magiging reaksyon ni Jennylyn?

"Hindi ko alam, siguro mixed emotions. Hindi ko po masasabi kung anong pakiramdam [ko] kasi wala ako dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kung nangyari man yun, pagkatapos nun puwede ninyo akong interbyuhin, masasabi ko kung anong pakiramdam ko. Pero ngayon, hindi ko po alam," ang naiiyak na sagot ni Jennylyn.

Tinanong naman si Atty. Joji kung ano pa ang mga kasong kinakaharap ng dating RM ni Jennylyn at kung paano nila pinaghahandaan ito?

"She's facing two more cases. Yung isa is still qualified theft, which is non-bailable. Tapos yung pangalawa, is an estafa case for checks that were returned because of lack of sufficient funds amounting to 1.37 million [pesos]. And another one for BP 22 [ang Batas Pambansa Bilang 22 or bouncing checks law]," ang sagot ng abugada ni Jennylyn.

I TRUSTED HER. Dalawang taon nang nakakulong si Mel; wala pa ba sa puso ni Jennylyn ang pagpapatawad?

"Siyempre po, tao lang naman ako e, di ba? Kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pang mga tao... Siyempre kahit papaano sa tagal na rin niyang nakakulong — dalawang taon na rin yun.

"Siyempre may pamilya siya, nakakaawa, pero kailangan niya rin siyempre pagbayaran yung mga nagawa niya.

"Tsaka ang laki nung naging hirap ko sa buhay e, nung time na nangyari yung situation na yun na hindi talaga tama," ang umiiyak na pahayag ni Jennylyn.

"Kasi pinagkatiwalaan ko talaga siya e, tsaka minahal ko siya na para talagang tunay kong nanay."

DEEPLY HURT. Malalim rin kasi ang pinagsamahan nila ni Mel.

"Oo naman po, alam naman po ninyo yun, nakikita naman po ninyo yun kahit sa set, parati ko siyang kasama. Yung talagang masakit po para sa akin na nagagawa pala sa 'yo ng tao na mahal mo rin, na yung mga bagay na ganun na hindi rin talaga maganda."

Kaya nasasaktan pa rin si Jennylyn?

"Siyempre po, siyempre po, masakit po talaga."

Saan siya nasasaktan; sa desisyong acquittal o sa nangyari?

"Pareho, pareho po!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At this point, nagpahayag si Atty. Joji: "Hindi ganun kadali. Yung pagpapatawad is probably there, but the problem is, si Jennylyn is also facing criminal charges because of what Mel did. Yung mga naisyuhan ng bounced checks for example, dinemanda siya [Jennylyn] for estafa kahit wala siyang kasalanan.

"So hindi ganun kadali.

ESTAFA CASE. "Finile-an siya [Jennylyn] ng estafa case pero napa-dismiss namin. Yung isa is another case for BP 22 for a bounced check.

"Hindi namin ma-disprove kasi yung original nung tseke nandun sa nagku-complain, ayaw namang iprisinta in court," pahayag ng abugada.

Tinanong din si Atty. Joji kung ano ang susunod nilang hakbang.

"Well, we're definitely pursuing yung qualified theft case [which is] ongoing. Dito kasi medyo nahirapan kami dahil wala nga talagang naka-witness na nagpa-falsify siya ng signature.

"At dun naka-focus yung judge," aniya.

"Yung qualified theft is through falsification kaya kailangan... ang sabi ng judge, well it's discretionary, kasi nasa huwes kung anong ebidensiya ang kanyang hinahanap.

"Na-prove naman namin na ang mga tseke kay Mel pumunta, na-prove namin na may dinepositong mga tseke sa kanyang sariling account, sixty thousand and twenty thousand [pesos].

"Na nagbayad siya ng mga PLDT, MERALCO at cable [bills] na gamit ang mga tseke ni Jennylyn."

Kung halimbawang hindi nademanda si Jennylyn, maiiba kaya ang sitwasyon?

Ayon kay Atty. Joji, "It would have... yeah somehow meron sigurong pagkakaiba."

Nang hingan naman si Jennylyn ng mensahe para kay Mel, tumanggi itong magbigay ng anumang mensahe para sa dating RM.

"Siguro ano na lang, siguro, Diyos na lang ang bahala sa lahat," aniya.

"Ili-lift up ko na lang sa Kanya ang desisyon."

Ang pahayag naman si Atty. Joji: "Lahat kasi ng ito parang lumalabas na si Mel is throwing the blame at Becky Aguila, na si Becky ang nagpa-utos, si Becky ang mastermind, which is really ridiculous kasi sa lahat ng mga inutangan niya, sinabi naman outright na huwag sabihin kay Becky na nangungutang, at ginagamit ang pangalan ni Jennylyn."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN