Marjorie Barretto says she's happy ex-husband Dennis Padilla has found a new love

IMAGE 0


Marjorie Barretto dismisses rumors that sister Claudine and husband Raymart Santiago have gone their separate ways. "Ah no, hindi pa sila hiwalay! They're not hiwalay, hindi talaga, swear!" she says.


Apat na taon matapos maghiwalay sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, balitang nakatagpo na raw ng bagong pag-ibig ang aktor.

Sa katunayan, may hawig pa umano ang babae kay Marjorie.

Tinanong ng Startalk TX si Marjorie kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

"Hindi ko kamukha!" sabay tawa ng aktres.

Hindi raw siya apektado ng balitang ito.

"No, okay lang. I want him to be happy so..."

Si Marjorie, is she spending Valentine's Day with someone special?

"I'm fine, I'm happy, very happy naman. Basta I'm happy, ikaw talaga, alam ko na ang itatanong mo. Happy, happy ako," ang paiwas na sagot ni Marjorie.

Samantala, ano naman kaya ang masasabi ng aktres sa persistent rumor na hiwalay na ang kapatid niyang si Claudine Barretto sa asawa nitong si Raymart Santiago?

"Ah no, hindi pa sila hiwalay! They're not hiwalay, hindi talaga, swear!" aniya.

Nasasaktan o naapektuhan ba si Marjorie sa mga intrigang hiwalayan ng dalawa?

"Hindi ako nahe-hurt kasi hindi totoo. But of course I get hurt when they say negative things about her, siyempre I get hurt."

Hindi na sila basta-basta naapektuhan ng mga intriga.

"Alam mo kaming magkakapatid sanay na kami, sanay na kami sa intriga.

"Marunong na kaming hindi magbasa at hindi makinig, alam mo yun?

"Marunong na kami i-block yung mga negative sa mga buhay namin," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN