Baron Geisler's manager shows proof that the actor entered a rehab facility

IMAGE 0


" "Para rin sa kabutihan niya yun. Siguro naman tutulungan pa siya ng industry, bibigyan siya ng chance sa pagbabago. Positive naman siya, positive din naman ako na makakapasok pa siya ulit [sa showbiz]," says Arnold Vegafria about his talent, Baron Geisler (in photo), who entered a rehab facility last January 30.


Baron Geisler, hindi raw totoong nagpapa-rehab?

Ito ang panibagong intriga sa controversial actor na matapos aminin ang pagkakalulong sa alcohol ay pumayag na sumailalim sa rehabilitation program sa loob ng tatlong buwan.

Pero nilinaw ito ng manager ng aktor na si Arnold Vegafria sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central, na ipinalabas kahapon, February 6.

Ayon kay Arnold, "Si Baron, last Sunday [January 30] pa, nasa rehab na siya. Siguro nagtaka lang sila because three days muna siya na nag-stay sa Medical City for his medical check-up. One of the requirements 'yon bago siya pumasok sa rehab center, na kailangan clear lahat ng tests."

THE EVIDENCE. Ipinakita ng talent manager sa Showbiz Central ang mga dokumentong nagpapatunay sa mga naging paghahanda at pagpasok ni Baron sa rehab.

Una na ang resulta ng kanyang medical check-up.

"Fortunately, lahat ng mga tests niya ay all negative. Ini-expect ko nga na baka merong problema... Drug test niya, negative... Even HIV, negative. So, wala...wala siyang ano. And then Sunday, ipinasok na siya."

Sumunod na ipinakita ni Arnold ang affidavit of voluntary submission, na nagsilbing admission slip ni Baron para sa residential treatment program ng rehab center na ang pangalan at lokasyon ay mananatiling confidential sa publiko.

"I cannot tell you kung nasaan siya, e, kasi bawal, e. Hindi puwedeng sabihin, isa sa mga waiver na pinirmahan namin," paliwanag niya.

Ipinakita rin ni Arnold ang kasunduan o agreement sa pagitan ng rehab center at ni Baron, kabilang ang kanyang inang si Gracia Geisler, na kanilang pinirmahan noong January 29, 2011. Nakasaad dito na kabilang sa addiction recovery program ang pagsasailalim ng aktor sa spiritual and moral counselling.

"Ito ang katibayan na nasa loob na siya and he will stay there for three months. So, siguro, ihinto na nila yung pang-iintriga na hindi totoo siyang magpapa-rehab.

"Isa sa mga requirements 'yan ng PAMI [Professional Artists Managers Inc.] 'tsaka ng TV network na kailangan para pagbalik niya, makapagtrabaho pa siya," saad ng manager ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkasundo ang PAMI at si Arnold na sasailalim sa isang rehabilatation program si Baron. Ito ay pagkatapos maghain ng reklamo ang aktres na si Cherry Pie Picache at ang manager nitong si Ed Instrella sa PAMI dahil sa pambabastos diumano ng aktor sa aktres sa taping nila ng Noah. (CLICK HERE to read related story.)

Bukod sa pagpasok ni Baron sad rehabilitation program ay hiniling din ng PAMI ang isang public apology mula kay Baron, na ginawa naman ng aktor noong January 21 sa pamamagitan ng kanyang interview kay Karen Davila sa Headstart at sa press conference na ipinatawag ni Arnold. (CLICK HERE to read related story.)

Pinagbawalan din ng PAMI ang kanilang mga hawak na talents na makipagtrabaho kay Baron hanggang sa panahong "fully rehabilitated" na ang aktor.

MONTHLY FEE. Nilinaw rin ni Arnold ang isyung wala nang pondo si Baron para sa kanyang pagpapa-rehab.

Makikita sa agreement na ang serbisyo ng rehab center ay merong monthly fee na P30,000. Bukod pa rito ang admission fee na P5,500 para sa medical and psychological assessments.

"May pera siya, nagtrabaho naman siya ng isang taon, marami naman siyang naipon.

"Well, supposedly magpapatayo siya ng bahay para sa mommy niya, so prinayoritize na muna niya yung sa rehab niya bago siya bumili ng bahay.

"Para rin sa kabutihan niya yun. Siguro naman tutulungan pa siya ng industry, bibigyan siya ng chance sa pagbabago.

"Positive naman siya, positive din naman ako na makakapasok pa siya ulit [sa showbiz]," saad ni Arnold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN