Melai Cantiveros treats Pokwang as her "mama" in showbiz

IMAGE 0


Melai Cantiveros is now officially a noontime show host. The former Pinoy Big Brother Big Winner will soon be seen in ABS-CBN's upcoming Happy, Yipee, Yehey!


Magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman ni Melai Cantiveros nang malaman niya na kasama siya sa mga host ng bagong noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey!


Nakatakdang ilunsad ang nasabing programa sa darating na Sabado, February 12, sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.

Makakasama ni Melai sa show sila John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez, at Toni Gonzaga.

Noong Biyernes, Februray 4, ay nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ng pagkakataon na makausap si Melai while on break sa pictorial na ginawa sa The Room studio sa Panay Avenue, Quezon City.

"Kinakabahan ako pero excited ako kasi parang hindi ito basta-basta na noontime show. Kinakabahan ako pero kakayanin ko kasi kasama ko naman sila Bianca [Manalo], tsaka si Kuya Jobert, tsaka si Kuya Bentong [ng Banana Split]—kami yung pang-gulo," sabi ni Melai.

A day before the actual pictorial lang pala nalaman ni Melai na kasama siya sa Happy, Yipee, Yehey! kaya wala pa siyang ideya kung ano ang magiging papel niya sa programa na siyang papalit sa Pilipinas Win na Win! na nagpaalam sa telebisyon noong December 31, 2010 matapos ang limang buwang pag-ere.

NO RIFT WITH POKWANG. Pinabulaanan ni Melai ang usap-usapan na may tampo sa kanya ang komedyanang si Pokwang dahil sa kanya ibinigay ang hosting slot ng show.

May mga nag-akala kasi na kasama si Pokwang sa bubuo sa bagong noontime show dahil na rin sa malawak nitong hosting experience pagdating sa mga noontime shows, katulad ng Wowowee at Pilipinas Win na Win!


"Hindi naman yun mag-isyu-isyu!" bulalas ni Melai.

Tinatanggap lang daw niya kung ano ang ibigay ng kanyang home network kaya wala namang dahilan para sumama ang loob sa kanya ni Pokwang.

"Si Ate Pookie [palayaw ni Pokwang sa showbiz], para ko na nga siyang mama dito sa showbiz," dagdag ng dating Pinoy Big Brother Big Winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Melai mismo ang personal na nagsabi kay Pokwang na kasama siya sa nilulutong noontime show ng Kapamilya network noong gabi na nasa taping sila ng gag show na Banana Split.

Binibigyan na daw siya ng mga payo ni Pokwang kung paano maging mahusay na komedyante at public entertainer.

"Madami naman siyang advice. 'Huwag mong hayaan na may [dead] air, na parang di ka magsalita,'" kuwento ni Melai, na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon ng mahabang tahimik sa gitna ng isang spiel.

Subalit may isang payo si Pokwang na hindi kinakalimutan ni Melai sa tuwing haharap siya sa kamera para magtrabaho.

"Basta happy ka lang," sabi daw ni Pokwang kay Melai. "I-love mo yung trabaho mo para di ka mamroblema sa everyday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN