Iwa Moto and Mickey Ablan in cooling-off period; yep, another woman is involved

IMAGE 0


"As of now, lumalayo lang ako sa gulo. God knows how much I hate her," says Iwa Moto on finding out there was a third party in her relationship with boyfriend Mickey Ablan. "I called the girl and mayabang pa siya, and she's denying it. But well, mapapahiya siya coz I have evidence."


Kapansin-pansin daw na matamlay si Iwa Moto sa set ng Dwarfina, bagay na nakakapanibago sa kilalang masayahing StarStruck survivor.

At sa taped interview sa kanya, inamin mismo ni Iwa exclusive sa Startalk TX nuong Sabado, February 5, na may pinagdadaanan sila ng kanyang boyfriend of three years na si Mickey Ablan.

"Yeah, sometimes hindi ako makausap sa set and tulala ako and madalas nakikita nila akong weird-weird.

"Cool-off kami and then ngayon, he's trying to win me back.

"Ngayon ano kami... hindi ko alam kung kami or ano," seryosong pahayag ni Iwa.

Sa deretsahang tanong kung may third party bang sangkot, ito ang sagot ni Iwa: "I won't lie yes, meron! May third party na involved. Hindi naman niya dine-deny sa akin na nagkamali siya."

Wala na ba ngayon yung third party na involved na yun?

"Nandiyan lang siya sa tabi-tabi."

Pero hindi na nanggugulo sa kanila?

"Subukan niya! Dahil sasagarin na niya ang galit ko.

"Nananahimik ako, I've been trying to keep myself calm dahil ayoko nang magalit, ayokong maghuramentado or what.

"Pero subukan pa niyang manggulo and definitely, ako mismo ang manggugulo sa buhay niya."

KARMA. Ipaglalaban ba niya ang relasyon nila ni Mickey?

"Ipaglalaban ko yung kaparatan ko. Ipaglalaban ko dahil naapakan niya ako, e.

"Ako never akong nang-apak. Ayokong nang-aapak ako ng tao," aniya.

"Sana mamili siya ng sasagasaan niya at mahiya naman siya sa balat niya."

May mensahe pa nga si Iwa sa naturang babae, "Ingat ka sa karma!"

Pero sino nga ba ang babaeng tinutukoy niya? Taga-showbiz ba ito?

"Oo, showbiz! Kaya masakit kasi alam niya na kami ni Mickey."

Ang babala ni Iwa, huwag lang magku-krus ang landas nila ng nasabing babae.

"Pag nagkasalubong kami, definitely maririnig niya yun dahil baka hindi ako makapagpigil at i-confront ko siya.

"As of now, lumalayo lang ako sa gulo. God knows how much I hate her. I called the girl and mayabang pa siya, and she's denying it. But well, mapapahiya siya coz I have evidence," saad ni Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, madalas pa ring makita si Iwa kasama ang dating nobyo at pamilya nito.

"Napamahal na rin sa akin yung family niya especially his daughter," aniya.

MARRIAGE CONTRACT. Kasabay ng isyung cool-off ay ang paglitaw naman sa Internet ng litrato ng isang bahagi ng marriage contract kung saan nasasaad na kasal na sina Iwa at ex-boyfriend nitong si Mickey.

"Yung isyu about the marriage certificate, yeah I saw the picture. Nung nakita ko yung picture tumawa na lang ako.

"Sana yung buong kopya na ng marriage certificate ang pinakita niya, hindi kalahati. Maybe it's because hindi kumpleto or what, kasi siyempre bakit wala yung pirma ko dun?

"And I dare you ipakita mo yung buo, coz definitely hindi totoo yun," sabi ni Iwa.

Ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Mickey?

"We're trying to fix kung anuman yung gusot na nangyari.

"As of now ayoko muna, masaya lang ako, I love being with his daughter."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN