Janno Gibbs reveals he almost got expelled from school because of tardiness

IMAGE 0


"Ang naalala ko lang was masaya kami dahil wala kaming pasok. Maganda kasi historic yung batch namin. Very memorable, lalo pa sa history ng bansa natin," says Janno Gibbs about the year when People Power took place.


Balik-eskuwela si Janno Gibbs nang magdiwang ng high school reunion ang Lourdes School of Mandalayong Batch '86 last Saturday night, February 5.

"It's always nice to be here. Last year I was here also. Nag-perform lang ako. This year, since batch namin ang host, mas malaki ang role na pini-play ko," kuwento ni Janno sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the reunion.

Nagsilbing host si Janno ng event, kasama ang isa pang Kapuso star na si Jef Gaitan. Nagbigay naman ng special performance ang bandang Alamid.

"Good student" daw si Janno noong high school.

"Noon, wala ako masyadong kalokohan noong high school. Medyo nerd ako sa school, sa totoo lang. Accelerated ako noong Grade 6. Cream section pa ako noong first year high school. Basically, good boy ako," kuwento niya.


JANNO'S TARDINESS. Ngunit may bad side daw si Janno na muntik na niyang ikatanggal sa school.

"Di ba, kilala ako ngayon sa showbiz na parating late? School pa lang, late na talaga ako. I was almost expelled because of that, yung sobrang dalas ko na ma-late!" natatawa niyang sabi.

Nagkaroon pa nga ng isang short skit sa stage si Janno with one of his previous high school teachers at pinapagalitan siya nito dahil sa pagiging late.

"High school lang ito nangyari. Pinapatawag ang parents ko noon. Nakakahiya nga," sabi niya.

Pero ayon kay Janno, "Cool lang naman ang dad ko [Ronaldo Valdez] sa ganun."

Paliwanag pa niya, "Mabagal na talaga ako kumilos before. I like to take my sweet time."

Bagamat madalas siyang ma-late noon ay hindi naman daw siya naging pabaya sa pag-aaral niya.

"Okay naman. Yun nga, napunta ako sa Cream section noong first year. Lahat matatalino. Of course, ang hirap lang nun is last ako palagi! Kasi nga, puro matatalino na yung mga kasama ko. The following year nga lang, hindi na ako sa Cream section."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa naman daw sa mga iniwasan niya noong high school ay ang mapasama sa CAT.

"Kasi may haircut. Nag-Boy Scout na lang ako kasi walang haircut requirement," sabi ni Janno.

BIRTH OF A SINGER. Nagsimula rin ang kanyang pagiging magaling na singer noong nag-aaral pa siya.

"From grade school to high school, nagpe-perform na ako in any event. Kahit na Math competition, ako yung nag-i-intermission," banggit ni Janno.

Paborito niya raw kantahin ang mga awitin ni Basil Valdez.

"Tapos, yun nga, nakuwento ko kanina sa stage, I joined the choir. Tapos yung choir leader namin, isinali ako sa inter-school competition sa La Salle.

"Awa ng Diyos, elimination tanggal na ako dahil sa kaba ko!" tawa ni Janno.

STAYING GROUNDED. Isa raw sa magandang naidudulot ng pagbabalik niya sa mga ganitong reunion ay natuturuan niya ang sarili na magpakumbaba.

"I'm always in touch with my high school friends. Lagi naman na lumalabas pa rin kami.

"It's always nice to see them. To catch up with them at kung ano nang nangyayari sa buhay nila. Most of them are successful. Nakakatuwang tingnan.

"'Saka for me, it's a good thing for me kasi siyempre kapag pumupunta ako at nakikita ko sila, hindi ako artista. I feel like a normal human being.

"Parang bumaba ka ulit. Bumababa yung paa mo sa lupa kapag nakikita mo sila. It's always a humbling experience," saad ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN