Edu Manzano names cancer ward of PCMC after his late father

IMAGE 0


"Iyon din ang isa sa mga naging purpose po ng PCMC, ang cancer wing, na yung perang kikitain, by virtue or yung kung pupunta yung mga taong maykaya, yung konting kikitain ng ating cancer wing, iyon naman po ang aming gagamitin para maipagamot yung mga batang indigents o yung mga walang sapat na kakayahan," says Edu Manzano about the cancer wing of Philippine Children's Medical Center, which was named after his father.


Opisyal nang binuksan sa mga pasyente ang Adrian Manzano Cancer Wing ng Philippine Children's Medical Center (PCMC) noong Huwebes, February 3.

Ipinangalan ang nasabing medical facility sa ama ng TV host-actor na si Edu Manzano. Si Edu rin ang nagpondo nito.

Kuwento ni Edu sa Showbiz Central, "Nung sinabi nila na kailangan nila ng cancer wing, ako yung pinakiusapan na kung pupuwede sagutin ko na itong wing na ito.

"It's a two-year project now, mula 2009 pa ito. Hinintay lamang po naming tapusin yung shelves, 'tsaka kami pumasok at gumawa ng ibang mga renovations.

"Yung doktor kasing nag-imbita sa akin, kaklase ko since Grade I, e."

Edu also gave Showbiz Central a tour inside the wing kung saan maaaring magamit ng cancer patients ang mga moderno at state-of-the-art facilities.

"Actually, it is an out-patient facility so people can come in para sa kanilang mga daily treatments. We have blood transfusion, we have chemotherapy, at pilit ho naming ginawa na kakaiba.

"Our doctors are just as good, if not better. At the same time, we now have a facility na sabihin na nating talagang kakaiba," banggit din ni Edu.

Isa raw sa purpose ng cancer wing na ito ang makapagbigay-tulong sa mga kapus-palad nating mga kababayan na walang sapat na pera para makapagpagamot ng cancer.

"Iyon din ang isa sa mga naging purpose po ng PCMC, ang cancer wing, na yung perang kikitain, by virtue or yung kung pupunta yung mga taong maykaya, yung konting kikitain ng ating cancer wing, iyon naman po ang aming gagamitin para maipagamot yung mga batang indigents o yung mga walang sapat na kakayahan.

"I'm just glad that finally may isang facility na maaari po nating ipagmalaki," pahayag ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN