Jennylyn Mercado and Mel Pulmano exchange statements after acquittal of the actress' former P.A.

IMAGE 0


Mel Pulmano: "Nagdudusa na nga ako, e. Kung may konsensiya sila, si Jennylyn, lalo na si Jennylyn, alam niya yung totoo. Kung ano yung nasa puso niya, sabihin niya." Jennylyn Mercado: "Deep in my heart, talagang ayokong magtanim ng kahit anong galit, pero kumbaga, parang... Paano ako magpapatawad kung hindi naman humihingi ng tawad?"


Pagkatapos magsalita ni Jennylyn Mercado at ng kanyang kampo tungkol sa desisyon ng korte na ipawalang-sala ang dating personal assistant ng aktres na si Rowena "Mel" Pulmano sa kasong qualified theft, nahingan din ng pahayag ng Showbiz Central si Mel.

Sinadya pa ng crew ng GMA-7 showbiz talk si Mel sa Camp Karingal kung saan nananatili itong nakakulong dahil sa dalawa pa nitong kaso na non-bailable.

Kasabay ng pahayag kay Mel ay ang hiwalay na panayam kay Jennylyn pagkatapos ng guest appearance niya sa Startalk noong Sabado, February 5.

Narito ang naging takbo ng panayam sa dalawa na salitan o alternately na ipinalabas ng Showbiz Central:

Mel: "Na-feel ko sa interview niya kanina [sa Startalk] na wala sa puso. Sa pagkakakilala ko sa kanya, wala sa puso yung sinasabi niya."

Jennylyn: "Ako lahat yung nag-suffer, e, parang bakit ganun? Bakit ako kailangan lahat mag-suffer? Bakit hindi yung may kasalanan?"

Mel: "Nagdudusa na nga ako, e. Kung may konsensiya sila, si Jennylyn, lalo na si Jennylyn, alam niya yung totoo. Kung ano yung nasa puso niya, sabihin niya."

Jennylyn: "Deep in my heart, talagang ayokong magtanim ng kahit anong galit, pero kumbaga, parang... Paano ako magpapatawad kung hindi naman humihingi ng tawad?"

Mel: "Sabi ko nga, ang pinagsisisihan ko, kung bakit ako nagmahal nang lubus-lubusan sa hindi ko kadugo?"

Jennylyn: "Nasira yung buhay ko, hindi maganda yung kinalabasan ng mga pangyayari... Kung hindi man ako nagkaroon ng hustisya ngayon, I think sa kabilang buhay, merong hustisya."

Mel: "Si Jennylyn, si Becky [Aguila, Jennylyn's manager], ako, pare-parehas kaming tao lang, e. Ako na yung nagdudusa, pero parang andito pa rin yung pagmahahal ko sa kanilang dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN